jump to navigation

KAPAMILYA KO ANG KALIKASAN September 28, 2010

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Blog Awards, Subanipa Diaries, Tourism.
Tags: , , ,
trackback

Magandang araw sa inyong lahat. Bilang sign of support, I am joining Kuya Bernard’s Contest, the Saranggola Blog Awards. The three poems are my entries for Tula category:

 

KATULAD NG ISANG INA

 

Ang ating kalikasan ay tulad ng isang ina

Sa kanyang abang anak, tunay na nag-aaruga

Dahil sa simoy nitong hangin, tayo’y humihinga

Sa kanyang tubig, tayo’y nalilinis  sa umaga.

 

Katulad ng ina na nagpapadede sa suso

Ang kalikasan nama’y nagbibigay din ng todo

Isda nitong dagat, hindi lamang iisang libo

Di natin mabibilang, para sa lahat ng tao.

 

Kagaya ng ‘sang inang uyayi ang kinakanta

Sa kundiman ng hanging bukid, ipaghehele ka

Sa huni ng mga ibon, t’yak makakatulog ka

Umidlip ka aking bunso, ang sabi sa tuwina.

 

Wangis niya’y inang sa anak ay mapag-alaga

Lalo na kung ito ma’y may karamdamang malubha

Sa kanyang halamang gamot, ika’y mapapagaling

Wala kang magagastang pera, kahit isang kusing.

 

O aming kalikasan, tunay ngang isa kang ina!

Pagmamahal ay marubdob, punung-puno ng sigla!

Pangako ko sa sarili, aalagaan ka pa

Sapagkat ang buhay mo at buhay ko ay iisa.

 

MENSAHE NI TATAY

 

Aking mahal na anak, dumito ka sa tabi ko

Tumingin ka banda roon, tumingin ka rin dito

Kahit saan man idako yaong mga mata mo

Makikita mo gandang taglay nitong ating mundo.

 

Noong ikaw ay isilang, iyong unang nasilayan

Pambihirang kariktan nitong ating sanlibutan

Ang lupa at ang apoy, pati tubig at ang hangin

Nagbibigay ng gintong buhay sa ‘yo at sa akin.

 

Sa bughaw na dagat at mga matataas na ulap

Sa luntiang damo at mga malalayang kulisap

At maging sa pagbubungkal natin nitong Inang Lupa

Siksik, liglig at umaapaw kanyang mga biyaya.

 

Aking anak, dinggin mo, ang langitngit ng kawayan

Pakinggan mo rin, daloydoy doon sa may batisan

Ito’y mga musika na sa puso’y nang-aakit

Aaliwin ka hangga’t ikaw ay mapapaibig.

 

Anak ko, anak ko, ang hiling ko ay ‘yong pakinggan

Alagaan mo at mahalin yaring kalikasan

Nang sa gayon, ano mang ngayon ay nakikita mo

Masisilayan din ng ‘yong mga anak at apo.

 

KAPATID KO ANG ARAW

 

Ang araw ay waring kapatid, kasabay pagbangon

Sa kanyang pagsulyap, ‘sang mayuming ngiti ang tugon

Waring nagsasabing maganda ang ating panahon

Masarap ang maligo ngayon, sa batis maghapon.

 

Ang tubig sa batis, sadyang magandang kaulayaw

Sa taglay niyang lamig, o ang sarap magtampisaw

Gusto kong sumisid, pumailalim, pumaibabaw

Sadyang sa paliligo, masarap gumalaw-galaw.

 

Ang hangin naman, parang isang matibay na duyan

Na angkop na pahingahan ng pagod kong katawan

Sa munti n’yang ihip, bigat sa loob gagaan

Parang umaalalay na mabuting kaibigan.

 

Ang daigdig ay isa ngang mainam na tirahan

Isang kapatid, magulang, kaulayaw, kaibigan,

Nararapat lang na ingatan ating kalikasan

Upang maipagpapatuloy, lahi ng sandaigdigan.

 

About these ads

Comments»

1. toni - October 2, 2010

base!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 3, 2010

yahoo! first base ka mtoni!

2. toni - October 2, 2010

ok naman sana magputol ng kahoy pero dapat me kapalit na tanim.

ung paghuhukay ng buhangin sa mga ilog sana ipagbawal din.

at ung paggamit ng mga nakakapinsalang panghuli ng isda na dahilan ng pagkamatay o pagdawit maging sa mga maliliit. dadating panahon di lang magiging mailap mga lamang dagat kundi baka tuluyang maubos mga lahi nila.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 3, 2010

yung pagiging mailap ng mga isda na-experience ko talaga yan. ang mga isda sa palawan lumalapit sa tao pag nagbibigay ng pagkain. pagdating ko dito sa aking mission area, aba, takot lumapit ang mga isda sa akin. sira-sira din ang kanilang mga corals dito.

Sa Likod Ng Ulap - October 4, 2010

naku pads, alam ko kung bakit po natakot ang mga isda sayo? huhulihin mo sila at gagawing ulam. totoo po yan ang naidudulot ng pagdinamita marami talaga ang sisirain – mga kanlungan at pahingan ng mga isda maaring magkagutay-gutay.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 5, 2010

hahaha ayun, kaya pala….

3. Arnie - October 2, 2010

secan base!!!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 3, 2010

second base ka nga po tito.

4. Arnie - October 2, 2010

hang galeng meron ka din padz…

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 3, 2010

yap, at may kwentong pambata din ako. hehe.

Sa Likod Ng Ulap - October 6, 2010

galing na ako sa kuwentong pambata n’yo po Father. maganda fairy tale – gustong-gusto ng mga kids ang ganuon kuwento. may e share po ako, isa pong article base po sa ginawa kong interview first time ko lang kasi magsulat ng ganito ito link: http://coolpaul429.blogspot.com/2010/10/confession-from-mormon-preacher.html. malaya po kayong mag comment doon. Salamat po.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 6, 2010

yap, nabasa ko po un kc nakalink po un sa isang blog nyo na binisita ko.

5. superlolongpinoy - October 2, 2010

Pa 3rd beys po muna Father. Binabasa paulit-ulit ang mga tula…Ina=Kalikasan=Mensahe ni Tatay…Wow po!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 3, 2010

we are family po kasi. hehe.

6. lhen - October 2, 2010

4th base na ako huhuhu dibale alam ko na to sa txt palang hahahaha later na ako basa ha share ko nlng sa fb hehehehe para marami makabasa happy sunday padz… :-) ung puppy mo ha tag tag :-) mo si JACOB

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 3, 2010

thanks lhen, naku si jacob ang kulit kulit. natawa ako sa bible sharing namin kasi kinagat-kagat ba naman paa pantalon ko habang nagsasalita ako. papansin talaga.

7. bonistation - October 3, 2010

mabuhay si father!! =) YEHEY!! nakita ko din ang post na to ialng araw syang nakipag taguan-pong sakin! hahaha!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 4, 2010

hahahaha, no choice kasi ako bon. kailangang i-draft ulit, trial and error posting para magawan ng paraan ang paglalagay ng page break. nakapagsulat tuloy ako using html codes. hehe.

8. fiel-kun - October 3, 2010

Magangand Tanghali po Fr. Felmar ^_^

Talaga naman pong walang katulad ang kagandahang hatid ng ating kalikasan at ng inyong tula. Ang galing!

Sana po ay palarin kayo sa patimpalak na ito.

Goodluck!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 4, 2010

magandang umaga fiel-kun! salamat sa blessing mo. maging bahagi lang ng contest ni bernard, masaya na ako.

9. J. Kulisap - October 4, 2010

Tatay, ina..anak-araw. Ewan ko lamang.
Tinula ko ito Padre. Tula ba ito? tinula ko talaga.

Umaaksiyon-aksiyon pa ang aking mga kamay.

Ehem. Extra na naman ang lahing kulisap.

Ano ang iyong hawak? Iyan ba ay bato? Babatuhin mo ang araw? Try mo.

Miss you Padz

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 5, 2010

ehem, ikaw talaga ang nasa isip ko noong inilagay ko yan eh. hehe.

ang aking hawak ay hindi bato. iyan ay isang shell. swak na pang-breakfast kinilaw.

J. Kulisap - October 5, 2010

Ah, isa pala iyang kabibe. Paumanhin naman at nanlalabo ang aking mga mata.

Kamusta ang bride na balak mo pang gawing ano..kwan…kinilaw.

Kinilaw na bride. Salamat naman at extra ang kulisap. Yahoo

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 6, 2010

nakupo, labu-labo na!

extra ka kasi malakas ka sa akin ehh. hehe.

10. Sa Likod Ng Ulap - October 4, 2010

Gandang gabi po Pads. Ang galing ng mga tula n’yo po. Pati sa pagtutula mahusay po kayo! Yong una para akong idinuduyan habang binabasa ko. Lahat sila may magandang mensahe. Power!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 5, 2010

gandang tanghali po sa inyo pruel. paiba-iba po yata ang name natin ngayon ah. at pansin, nanganganak yata kayo ng maraming blogs ngayon ah.

Sa Likod Ng Ulap - October 6, 2010

Noon pa man marami na akong blog. Sa wordpress may tatlo, sa blogger anim, sa spaces may isa ako doon pero for transfer sa wordpress. maliban pa sa weebly at websdotcom.

yong blog ko pong “Sa Likod Ng Ulap” ay ginawa ko iyon dahil sa patimpalak ni Igan Bernard. Matagal na na ginawa ko iyon nguni’t ngayon ko lang po binuhay. At saka po plano ko doon mga sulatin na Pilipino-Tag-alog lamang ang magiging laman.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 6, 2010

wow great! ako madami din po ako sa blogspot. mas gusto ko po magsulat sa blogspot. kaso minsan nagha-hang ang mga blogspot blogs. kaya pati blog ko, di ko masyado binibisita. mga 8 or 9 blogs yata ako meron sa blogspot. then tatlo sa wordpress. plus dalawang dot coms pa.

11. machongbutiki - October 5, 2010

magandang gabi pads, heheh
pasenxa na po ngaun lang nadaan. hihih.
apir! naku, mukhang madaming mahihirapan na manalo
sa entry mong to. hahaha. :) nice kuya!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 6, 2010

hehe, sign of support ito kay bernard. ang mga causes na katulad ng sa kanya ay talagang dapat suportahan. secondary na lang ung manalo. pero masaya na ako kahit di ako mananalo. malamang si tsi mananalo. binasa ko ung tunggol sa langgam na gawa niya. it was great.

12. Nortehanon - October 7, 2010

“Kapatid ko ang Araw”>>>Father, bigla ko pong naalala ang isa sa aking mga peborit na saint, si St. Francis :)

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

hehe, yan ang nasa isip ko nung ginawa ko to: brother sun, sister moon.

13. Sows - October 14, 2010

father fiel!!!

mustamus!!

nice post.
miss kita!! :)

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

great! salamat sows.

14. Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya} - October 19, 2010

[...] istik. livingstain. maskara. forbiddenlei. aboynamedxander. jasonhamster. punlaangpanulat. iheartf. fielsvd. princessnins. kwentotpaniniwalanihitokirihoshi. goyo. metaporista. andee. dahnjacob. [...]

15. Jonathan Aquino - October 29, 2010

Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 6, 2010

hehe tuwang tuwa ako sa pagtatagalog mo J.A.! nosebleed ako sa iyong trans-ley-shen ng feysbohk. hehehe. maraming maraming salamat. welcome to my blog. mabuti na lang na-check ko ang aking spam section kasi doon ka nilagay ni mr. wordpress.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 106 other followers

%d bloggers like this: