jump to navigation

SI MARIA AT ANG MAHIWAGANG BANGUS October 6, 2010

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Blog Awards.
Tags: ,
trackback

Noong unang panahon, may isang batang babaeng ang pangalan ay Maria. Siya ay may alagang bangus na kanyang inilagay sa isang malaking aquarium sa likod ng kanilang bahay. Mahal na mahal niya ang bangus na kanyang pinangalanang Dalisay. Ito kasi ay pamana ng kanyang yumaong ama at ina.

Si Maria ay nakatira sa kanyang malupit na tiyahin. Siya ang naglilinis ng buong bahay, naglalaba ng mga damit, naghuhugas ng pinggan at nagbubunot ng sahig. Kapag hindi niya natatapos ang isang Gawain, hindi siya puwedeng kumain.

Sa kabila ng lahat ng ito, si Maria ay nananatiling isang masayahing bata. Lagi niyang kalaro ang kanyang alagang bangus.

Isang araw, dumating sa kanilang bayan ang matinding tagtuyot. Natuyo ang mga bukirin. Naubos na rin ang mga gulay sa kanilang bakuran.

“Maria! Maria,” tawag ng kanyang tiyahin. “Kunin mo ang alaga mong bangus! Uulamin natin mamaya.”

“Po?” Nagulat na sabi ni Maria.

“Bingi ka ba? Wala na tayong kakainin! Kaya uulamin na natin mamayang hapunan ang bangus mo!”

Napaiyak si Maria. Hindi niya inaasahan ‘yon mula sa kanyang tiyahin. Mabigat ang kanyang mga pang pumunta sa likod ng bahay.

“Bakit ka umiiyak Maria?” tanong ni Dalisay.

“Kasi wala na daw kaming pagkain. Gusto ng tiya ko na uulamin ka na mamaya.” Napaiyak na sabi ni Maria.

Katahimikan.

“Huwag ka ng umiyak kaibigan,” awat ni Dalisay. “Tandaan mo, ang isang tunay na kaibigan ay marunong mag-alay ng sariling buhay. Dahil kaibigan kita at mahal na mahal kita, nakahanda akong gawin ang pag-aalay ng buhay ko para sa ‘yo.”

Napaluha si Maria.

“Ngunit isang hiling ko lang kaibigan,” sabi ng bangus. “Ipunin mo ang mga buto ko at ibaon mo sa ikapitong bundok. Pagkaraan ng tatlong araw, balikan mo ang lugar. Ang iyong mga mabubuting gawa ay may katapat ng gantimpala”

Kagaya ng inaasahan, nailuto nga ang kaibigang bangus ni Maria. Inipon niya ang mga buto at ibinaon sa ikapitong bundok. Pagkaraan ng tatlong araw, binalikan iyon ni Maria at laking gulat niya sa kanyang nakita: isang napalaking bahay!

Biglang naalala ni Maria ang sinabi ng kaibigang bangus: “Ang iyong mga mabubuting gawa ay may katapat ng gantimpala.”

Tuwang-tuwa si Maria at kaagad binalikan ang kanyang tiyahin. Gusto niyang doon din ito tumira kasama niya.

“Mauna ka na at susunod na lang ako, “ sabi ng kanyang tiyahin.

Lingid sa kaalaman ni Maria, may masamang balak ang kanyang tiyahin. May dala siyang isang basong lason. Gusto nitong patayin si Maria para masolo nito ang kayamanan ng pamangkin.

Ngunit nakapagtataka sapagkat inabot na siya ng takip-silim at di pa rin niya narating ang ikapitong bundok. Sa gubat na siya nagpalipas ng gabi.

Kinabukasan, inumpisahan niya ang paglalakad sa ikapitong bundok. Ngunit ito’y parang gumugulong lamang na wari ay layong lumalayo habang siya ay naglalakad. Inabot siya ng ilang pagsikat ng araw ngunit ang bahay ni Maria ay di pa rin niya natatanaw.

Hanggang sa napagod ang tiyahin at napahagulhol na nagsisi sabay tapon ng lason sa lupa. “Ang sama kong tiyahin! Bakit ko ito ginagawa? Ang bait-bait ng pamangkin ko, dapat akong humingi ng patawad sa kanya.”

Pagtingin niya sa kanyang harapan, nasa bakuran na siya ng bahay ni Maria. At ang kanyang pamangkin ay patakbong sumalubong sa kanya. Walang galit. Purong pagmamahal. At nagyakap ang magtiyahin.

Humingi siya ng tawad kay Maria at pinatawad naman siya. Simula noon, ang dalawa ay namuhay ng masagana sa ikapitong bundok – isang bagong buhay, isang bagong pag-asa.

Comments»

1. glaiza - October 6, 2010

Simpleng storya ng buhay pro puno ng aral.

hi father!! im back to wordpress though ala ako blog nageenjoy nmn ako to read & to comment heheh

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 6, 2010

first base ka glaiza! kumusta ka na! for the first time, first base ka!

glaiza - October 7, 2010

yes!! for the first time first base din!! hehehe.
ok lng po father. sobrang natulungan ako ng story nato. yesterday, hindi ko alam gagawin ko. sobrang bored, sobrang dami ng problema, tampuhan w/ my sister pro nung nabasa ko blog mo i realized na hnd nmn pla ganun khirap mgpatawad lalo na kung kapamilya mo pa. cguro 2ng story mo ang mtgal ko ng hinihinging sign kay Jesus pra maayos na problema ko sa kapatid ko. Pguwi ko sa bahay, nagkabati na kami ng kapatid ko.
Thank you father for helping me realize n hnd nmn pla ganun kahirap mgpatawad.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

salamat glaiza. praise God at nagustuhan mo ito. iregards mo ako sa kapatid mo ha. sana magkaayos din kayo.

hanapin mo sa baba ng comment section ang sinabi ni busyok. magandang pagnilayan un.

2. Jag - October 6, 2010

2nd base!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 6, 2010

aba, umaarangkada sa second base ang aking kababayan!

3. Jag - October 6, 2010

Matuto tayong humingi ng tawad sa ating mga pagkakasala at tayo ay mamuhay ng mapayapa… : )

Merry Christmas Fad’s hehehe…

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 6, 2010

haha, naunahan mo ako ng bati ng merry christmas ah. salamat jag!

4. Sa Likod Ng Ulap - October 6, 2010

Ang ganda po ng kuwento Father, fairy tale at may maibabahaging aral sa mga taong makasarili, mapag-imbot, mahilig manlamang sa kapwa gusto manlamang lamang.

Malaki ang nagagawa ng Saranggola Blog Award ni Igan Birnard – dati di ako mahilig magsulat ng maikling kuwento kasi nakakapagod mag-isip kung papaano ko gagawin ang plotting ng kuwento.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 6, 2010

tama po kayo. hanga ako kay bernard talaga. natuwa ako na nameet ko siya in person last year. nabuhay tuloy ang hilig ko sa pagsusulat ng mga stories and poems.

5. J. Kulisap - October 7, 2010

Teka lang padre, bakit mo ako niloloko?

Nagsasalita ang bangus? Hindi ba dapat tinik? bakit buto? At nasaan ‘yang bahay ni Maria na nasa ikapitong bundok? Nais ko ring makitira ‘don. Gusto kong makipagluksong tinik kay Maria.

Ano ang paboritong laro ni Maria at Dalisay? Ipaliwanag. 10 pts.

Hi Padre.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

jk, hahaha, bago kita sasagutin sa mga tanong mo, ipaliwanag mo muna kung bakit ang kulisap ay nagba-blog? hahahaha.

J. Kulisap - October 17, 2010

May power ako, sa kilikili, yan ang ang dahilan kung bakit nagbablog ang kulisap

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 20, 2010

hahahaha, kili-kili pala ang gamit ng kulisap sa pagba-blog. lol.

6. TACIO - October 7, 2010

naks. ang ganda po ng kwento. pag-aalay ng buhay para sa iba.
ang ganda po ng aral.

busyok - October 7, 2010

ang ganda! naman po.
tama, lahat tayo’y nagkasala at habang nasa puso natin ang kasakiman at pagkamakasarili, hindi natin matatagpuan ang malaking bahay. kailangan natin linisin ang ating mga puso para sa ganun at makita natin ang malaking bahay na syang pangako sa atin.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

well said busyok! pang-best comment of the year.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

salamat tacio!

7. malu - October 7, 2010

….very touching naman itong story na’to father. naka-relate ako. i had this friend whom i thought a “real friend”…nung nagkatampuhan kami before i knew it lahat ng secrets ko na alam niya eh nalaman na ng mga tao sa paligid namin…..

nakakalungkot. pero atleast alam ko na ngayon na i can’t trust her.😦

hayyyyy! ang hirap talaga maghanap ng mga tunay na kaibigan….

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

i hope na sana ngayon malu ay nakahanap ka na ng tunay na kaibigan.

8. bonistation - October 7, 2010

ahay, ang bangus! =)
handang iaalay ang buhay para sa kaibigan! ^^ magandang lesson!!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

There is no greater love than to lay down one’s life for one’s friends. (John 15:13)

9. kaye - October 8, 2010

awww…simpleng kwento na may aral sa huli… magaling ka siguradong magsermon, fads.

ikaw, nakarating ka na ba sa bahay ni Maria?

group hug, fads!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

group hug!

salamat kaye at nagustuhan mo ito. yahoo! malapit na december, makakapunta na ulit ako ng manila.

10. duking - October 8, 2010

kwentong pambata na madaling maintindihan.

ang ganda po,father!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

salamat duking at nagustuhan mo ito. entry ito para kay bernard. hehe.

11. Mineas - October 9, 2010

“Dahil kaibigan kita at mahal na mahal kita, nakahanda akong gawin ang pag-aalay ng buhay ko para sa ‘yo.”

Napakaputi naman talaga siguro ng buto ni bangus.. anu po father?.. hehehe…

gandang kuwento po, napakadaling intindihin ng lesson…

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

There is no greater love than to lay down one’s life for one’s friends. (John 15:13)

12. ROSE - October 13, 2010

ang ganda nmn ang istorya…
visit lng po.syanga pla pde p b mkipag link exvhange? kung ok lng.. slmat. and you can visit my site also..thanks

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

you are already linked…thanks rose..

13. J. Kulisap - October 15, 2010

Asan na si Maria Fiel? Asan na ‘yon? Nawala? Ahahaha

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - October 16, 2010

may dala ka sigurong lason kaya di mo nakita, hehe. good evening jk.

14. resort boracay - January 20, 2011

nakakatuwang balik-balikan mga ganitong obra! =)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: