KAPAMILYA KO ANG KALIKASAN

Magandang araw sa inyong lahat. Bilang sign of support, I am joining Kuya Bernard’s Contest, the Saranggola Blog Awards. The three poems are my entries for Tula category:

 

KATULAD NG ISANG INA

 

Ang ating kalikasan ay tulad ng isang ina

Sa kanyang abang anak, tunay na nag-aaruga

Dahil sa simoy nitong hangin, tayo’y humihinga

Sa kanyang tubig, tayo’y nalilinis  sa umaga.

 

Katulad ng ina na nagpapadede sa suso

Ang kalikasan nama’y nagbibigay din ng todo

Isda nitong dagat, hindi lamang iisang libo

Di natin mabibilang, para sa lahat ng tao.

 

Kagaya ng ‘sang inang uyayi ang kinakanta

Sa kundiman ng hanging bukid, ipaghehele ka

Sa huni ng mga ibon, t’yak makakatulog ka

Umidlip ka aking bunso, ang sabi sa tuwina.

 

Wangis niya’y inang sa anak ay mapag-alaga

Lalo na kung ito ma’y may karamdamang malubha

Sa kanyang halamang gamot, ika’y mapapagaling

Wala kang magagastang pera, kahit isang kusing.

 

O aming kalikasan, tunay ngang isa kang ina!

Pagmamahal ay marubdob, punung-puno ng sigla!

Pangako ko sa sarili, aalagaan ka pa

Sapagkat ang buhay mo at buhay ko ay iisa.

 

MENSAHE NI TATAY

 

Aking mahal na anak, dumito ka sa tabi ko

Tumingin ka banda roon, tumingin ka rin dito

Kahit saan man idako yaong mga mata mo

Makikita mo gandang taglay nitong ating mundo.

 

Noong ikaw ay isilang, iyong unang nasilayan

Pambihirang kariktan nitong ating sanlibutan

Ang lupa at ang apoy, pati tubig at ang hangin

Nagbibigay ng gintong buhay sa ‘yo at sa akin.

 

Sa bughaw na dagat at mga matataas na ulap

Sa luntiang damo at mga malalayang kulisap

At maging sa pagbubungkal natin nitong Inang Lupa

Siksik, liglig at umaapaw kanyang mga biyaya.

 

Aking anak, dinggin mo, ang langitngit ng kawayan

Pakinggan mo rin, daloydoy doon sa may batisan

Ito’y mga musika na sa puso’y nang-aakit

Aaliwin ka hangga’t ikaw ay mapapaibig.

 

Anak ko, anak ko, ang hiling ko ay ‘yong pakinggan

Alagaan mo at mahalin yaring kalikasan

Nang sa gayon, ano mang ngayon ay nakikita mo

Masisilayan din ng ‘yong mga anak at apo.

 

KAPATID KO ANG ARAW

 

Ang araw ay waring kapatid, kasabay pagbangon

Sa kanyang pagsulyap, ‘sang mayuming ngiti ang tugon

Waring nagsasabing maganda ang ating panahon

Masarap ang maligo ngayon, sa batis maghapon.

 

Ang tubig sa batis, sadyang magandang kaulayaw

Sa taglay niyang lamig, o ang sarap magtampisaw

Gusto kong sumisid, pumailalim, pumaibabaw

Sadyang sa paliligo, masarap gumalaw-galaw.

 

Ang hangin naman, parang isang matibay na duyan

Na angkop na pahingahan ng pagod kong katawan

Sa munti n’yang ihip, bigat sa loob gagaan

Parang umaalalay na mabuting kaibigan.

 

Ang daigdig ay isa ngang mainam na tirahan

Isang kapatid, magulang, kaulayaw, kaibigan,

Nararapat lang na ingatan ating kalikasan

Upang maipagpapatuloy, lahi ng sandaigdigan.

 

Advertisements

37 thoughts on “KAPAMILYA KO ANG KALIKASAN

  1. ok naman sana magputol ng kahoy pero dapat me kapalit na tanim.

    ung paghuhukay ng buhangin sa mga ilog sana ipagbawal din.

    at ung paggamit ng mga nakakapinsalang panghuli ng isda na dahilan ng pagkamatay o pagdawit maging sa mga maliliit. dadating panahon di lang magiging mailap mga lamang dagat kundi baka tuluyang maubos mga lahi nila.

  2. 4th base na ako huhuhu dibale alam ko na to sa txt palang hahahaha later na ako basa ha share ko nlng sa fb hehehehe para marami makabasa happy sunday padz… 🙂 ung puppy mo ha tag tag 🙂 mo si JACOB

  3. Magangand Tanghali po Fr. Felmar ^_^

    Talaga naman pong walang katulad ang kagandahang hatid ng ating kalikasan at ng inyong tula. Ang galing!

    Sana po ay palarin kayo sa patimpalak na ito.

    Goodluck!

  4. Tatay, ina..anak-araw. Ewan ko lamang.
    Tinula ko ito Padre. Tula ba ito? tinula ko talaga.

    Umaaksiyon-aksiyon pa ang aking mga kamay.

    Ehem. Extra na naman ang lahing kulisap.

    Ano ang iyong hawak? Iyan ba ay bato? Babatuhin mo ang araw? Try mo.

    Miss you Padz

      • Noon pa man marami na akong blog. Sa wordpress may tatlo, sa blogger anim, sa spaces may isa ako doon pero for transfer sa wordpress. maliban pa sa weebly at websdotcom.

        yong blog ko pong “Sa Likod Ng Ulap” ay ginawa ko iyon dahil sa patimpalak ni Igan Bernard. Matagal na na ginawa ko iyon nguni’t ngayon ko lang po binuhay. At saka po plano ko doon mga sulatin na Pilipino-Tag-alog lamang ang magiging laman.

      • wow great! ako madami din po ako sa blogspot. mas gusto ko po magsulat sa blogspot. kaso minsan nagha-hang ang mga blogspot blogs. kaya pati blog ko, di ko masyado binibisita. mga 8 or 9 blogs yata ako meron sa blogspot. then tatlo sa wordpress. plus dalawang dot coms pa.

    • hehe, sign of support ito kay bernard. ang mga causes na katulad ng sa kanya ay talagang dapat suportahan. secondary na lang ung manalo. pero masaya na ako kahit di ako mananalo. malamang si tsi mananalo. binasa ko ung tunggol sa langgam na gawa niya. it was great.

  5. Pingback: Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya}

  6. Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s