MGA TANONG KAY PARING FIEL

PARANG BATA LANG OH!

One of the best things being a priest is the opportunity to brush elbows with people from all walks of life. Dahil dito, sari-saring tanong din ang laging naibabato sa akin. Ngunit, there are popular questions. Ito ang ilan sa mga iyon?

1. Bakit ka nagpari?

Ito ang actually mahirap i-explain. Priesthood kasi is a gift and a mystery. Pero usual na sagot ko ay: Nagpari ako dahil naramdaman kong tinawag ako ng Diyos and I also feel that I can best serve Him through this way of life. Marami kasi akong plans sa sarili ko noon pero noong nadiscover ko na tinawag niya ako, I left everything and followed Him. (Pangkantong sagot: Kanya-kanyang trip lang naman yan di ba? Walang pakialamanan tol!)

2. Paano mo nalaman na tinawag ka?

I joined a search-in noon para makakita lang how a seminary looks like. Kasi ang school namin ang “factory” of seminarians (read: maraming napo-produce na seminarians). Curious lang ako. Then, pagdating ko doon sa SVD-Davao, one activity struck me, yong adoration before the Blessed Sacrament, then pinatugtog ang “Do you know where you’re going to?”
Iba ang naging dating noon sa akin. Kumbaga sa love, “narinig ko ang music” touching me in a very different way.

So, there and then I made a decision to enter the seminary. I always look back on that particular experience kasi yon ang flame na nagpapatibay sa akin. This is important to me kasi sa totoo lang, walang pumasok sa seminaryo with 100% certainty na tutuluy-tuloy sila until the end of the journey. Walang guarantee (parang kasal din di ba). You just need a certain amount of faith and commitment to keep you going. Basta sa akin lang, Lord, bahala na po kayo sa akin, kayo ang tumawag sa akin, wag nyo po akong pababayaan. I believe that works.

3. Nagka-girlfriend ka rin ba?

Oo naman! Haleer! Di rin ako nabasted. (I am very reserved when it comes to questions like this. Some selected bloggers knew about my love story, though. I prefer to talk about it face to face.)

4. Did you also entertain the thought of having a family, career, etc.?

Oo naman! I spent 11 memorable years in the seminary. Ganyan ako katagal nagdiscern, but in the end, I chose the priestly, religious, missionary vocation pa rin.

5. Malungkot ba sa loob ng seminaryo Father?

Hindi! Subukan mong pumasok! Ang saya-saya sa loob.

6. Sinong nagbabayad sa mga expenses mo Father?

Noong seminarista ako, family ko (first four years). Pero simula noong ako ay nag-temporary vows na, lahat ng kailangan ko as well as travel expenses ko, shouldered ng community. Dahil sa SVD, nalibot ko ang Pinas from A(bra) to Z(amboanga).

7. Mayroon ka ring stalkers Father?

Dati. Paminsan-minsan meron talaga yan. But now, I know how to deal with them.

8. Father, naalala mo ako?

Tanong ito ng mga tanong may matinding treasured experience sa akin. Pero God knows, meron talagang mga tanong di ko maalala saan ko sila nakilala. Madali lang sagutin kong nakilala ko pa. Pag hindi, banatan agad ng sunud-sunud na tanong: “Oy, kumusta ka na? Saan ka na ngayon nakatira? Ahaha, bigtime ka na ah! Pa-burger ka naman!”

9. Anong gamit mong bath soap Father?

Hahaha, isa lang nakakaalam ng bath soap ko. Usually ang mga nagtatanong ng ganito ay either (a) magbibigay ng sabon,ย  or (2) gustong gayahin ang gamit ko. Ngiti lang sagot ko dito, at isang “bakit?”

10. Father, anong height mo?

Sagot ko lagi: “Di ko alam!” Hahaha.

Advertisements

204 thoughts on “MGA TANONG KAY PARING FIEL

    • FIRST BASE = 1000 POINTS!
      Si Superlolo may 250 points!!!

      grabe, madaling araw na, dami pang gising!


      TAG BASE RANKINGS AS OF FEBRUARY 28, 2010

      1. Superlolong Pinoy (tag Teentoinks) – 3, 400 points
      2. Kaye (tag Bongkito) – 2, 700 points
      3. Ax (tag Kaye) – 2, 400 points
      4. Teentoinks (tag Superlolong Pinoy) – 2, 000 points
      5. Pink Diaries (tag Yin)- 1, 500 points
      6. Tsiremo (tag Ax) – 1, 450 points
      7. Taribong (tag Jasonhamster) and Kurog (tag Tsiremo) – 1, 350 points
      8. Bongkito (tag Kaye) – 1, 200 points
      9. J. Kulisap (tag Anjo) – 1, 100 points
      10. Arsean (tag Glaiza) – 1000 points
      11. Jasonhamster (tag Taribong) – 850 points
      12. Yin (tag Pink Diaries) – 750 points
      13. Salbehe (tag Kaye) – 700 points
      14. Ana Banana (taga Joyo) – 600 points
      15. Chingoy (tag Superlolong Pinoy), – 400 points
      16. Mtoni (tag Kaye) – 300 points
      17. Glaiza and Anjong – 250 points
      18. Muffie Shannen and Dlysen – 200 points
      19. Joyo – 150 points

      NEXT POST IS MARCH 5, FRIDAY

      LEGEND:
      1ST BASE: 1000 POINTS (ang piniling ka-tag may 250 pts)
      2ND BASE: 800 POINTS (ang piniling ka-tag may 200 pts)
      3RD BASE: 600 POINTS (ang piniling ka-tag may 150 pts)
      4TH BASE: 400 POINTS (ang piniling ka-tag may 100 pts)
      5TH BASE: 300 POINTS (ang piniling ka-tag may 50 pts)
      6TH BASE:200 POINTS

      NEXT POST IS MARCH 5, FRIDAY

  1. @tin, ako din sana patulog na, sabi ko last open muna ng FB ko, then nakita ko post ni fr. ayun, naka base naman! hahha oo tins, ni walang makakahalat na eksayted tayu..

    o siya.. balik nalang ulit ako. tulog na tayu tins! nyt!

    @fr. nyt! ( ginawang YM?! ) hehehehhe ๐Ÿ™‚

  2. Yung questions 9 and 10 ang hindi maalis sa isip ko. Ewan ko ba! nangingiti lang ako. ahihihi ^^ at shempre gusto ko ulitin:

    Anong gamit mong bath soap Father?
    Father, anong height mo?

    Newei father, February 28 ang posted date pero ang date sa WP ay Feb27 at ang comment ko naka date ng Feb27, incorrect date information may breach this principle because it may not be relevant if the date information is incorrect… ahaha… seneryoso talaga dahil sa BASE ahihihi. Pero technically sabi sa relo namin quarter to 3 AM na, Feb28 na! YEHEY! base po! ^^

  3. Kararating ko lang galing sa rehab nung Nanay ko…sinundo namin…kaya eto pag bukas ko ay may post na pala si Father….Yehey…nakabeys ang partner ko!….Yehey! pero mukhang tulog pa si Father….madaling araw na diyan diba??

    • FAther…ang tawag ko sa inyong post ngayon ay…Million Dollar Answers….sa Million Dollar na mga Questions na tungkol sa inyong buhay-pari….Maraming salamat po for sharing Father.

      Gud Morning po!

      • Father…naalala ko yung kaibigan ko nasa San Carlos Seminary…pero di siya tumagal sa loob…nauna pa siyang nagkapamilya sa akin….kaya talagang super bilib po ako sa nga 101% na tinawag ni Lord na mag-serve sa kanyang pastulan….congrats po Father!

        Naku balita ko nga Father yung mga seminarista eh habulin ng mga chicks….ang lakas po Father ng appeal daw sa mga chicks.

        At gusto ko po yung sagot ninyo sa kung malungkot sa seminaryo….siyempre masaya! Kaya nung haiskul ako yan din ang feeling ko sa seminaryo…muntik na po ako talaga pumasok…pero sa ibang calling naman ako tinawag…Padre Pamilya.

        Mukhang kailangan ay i-post na ninyo ang inyong ‘how to be young looking or the secrets of looking young’…para mabawasan ang nagtatanong po sa kung anong sabon ang inyong ginagamit…hehe.

      • hehe, akala kasi ng mga girls na harmless ang mga seminarians. lol. nagjo-joke na nga lang kami na hindi harmless — can harm but less. hehe, pero kidding aside, totoo yan. maraming mga tsiks na gustung-gusto magka-bf ng seminarista. tsk! tsk!

  4. At bakit di ba dapat Feb 28? Anong kaguluhan ito?

    Ipaliwanag mo ito Padre Felmar.

    Pumunta ka sa hardin ng mga kulisap.

    Nais mo bang mamaga (bloat)?

  5. Tumataas ang presyon ng dugo ng Kulisap.

    Tag-init na lalo pang uminit, mali na naman ang kalendaryo ko?

    Inday, inday…

    Tulog pa si Inday?

    Hayaan mo na, huwag mo ng gisingin for life.

  6. Isa lang ang pwede kong isagot.

    Walang basagan ng trip.

    Kapag sinabi mong maging babae ako, kahit pilitin ko, lalabas na masagwa.

    Iba-iba ang paraan kung papaano natin matatagpuan ang tinatawag na purpose natin sa buhay. Nasa paligid lamang ang mga sagot pero minsan kahit dilat na dilat na tayo, gusto nating nakapikit, gusto nating walang naririnig.

    It doesnt matter who you are, what matters most is the thought that you have touched/will touch the needy.

  7. Congratz basers.

    Suntukan na lang, pampapawis, nahahighblood ako.

    Time to chech my BP, kakagaling nga lang ng rayuma ko o gout para medyo hindi halatang matanda.

    Grrrr.

  8. Where are You Going by Dave Matthews Band.

    Nasa harap ang isang seminarista sa buong klase ng III-Platinum. Ang ibang seminarista ay nasa likod. Ang iba ay naman ay kausap ang iba kong kaklase.

    Seminarista: Pumasok yung prof namin ng may dalang radyo. Sinaksak ang radyo at pinindot ang play button. Tumutugtog ang ang kanta ng Dave Matthews Band.. Where are You Going. **Kumanta ang seminarista.

    Ako: …

    Seminarista: Where you are is where i belong. Where you go is where I want to be.

    Ako: …

  9. Congrats sa mga basers. Father, tuwa ako sa mga tanong nila nguni’t yon ay pagparamdam na kahit kayo po ay isa nang pari ang pagmamahal nila mula pa noon at hanggang ngayon lalo na sa dati n’yo mga peers at naging kasama ay buhay na buhay kahit sabihin man yon ay mga pagbibiro. Oo nga po Father, ilan metro ba ang taas n’yo? Magandang araw po at sa lahat…

  10. natawa ako sa sabon at height.

    para ka ngang bata pa. mas matanda yata ako sayo father eh.

    ๐Ÿ™‚

    happy lunch from dubai!

  11. Dahil sa pose mo sa picture mo Fr. Fiel me idadagdag akong tanong…

    “Bakit hindi ka na lang nag-artista o di kaya pumasok sa Pinoy Big Brother?”

    Hehehe! Nakakaaliw naman ang mga last questions sau pati sabon inusisa pa! Matry ngang pumasok sa seminaryo check ko if masaya talaga!

  12. Palagi talaga may tanung kung bakit natin narating ang isang kalagayan sa buhay.Elementary nag serve din ako sa Misa every Sunday and special occasion, grade 4-6 halos tatlong taon din. Na exam din ako sa St. Francis Seminary sa my Lipa, Batangas, pagkagraduate ko nung Elementary.

  13. Haayyy… ! Bakit naman kasi weekend nagpost? Di tuloy ako naka-abot. Anyway, binasa ko naman po. May 2 tito akong nagpari, yung isa ninong ko pa. Ang kwento nga nila masaya daw sa loob, syempre hindi kami naniwala.

  14. waaah! Ang daming comments akong gusto sagutin pero fone lang gamit ko at sa bagal ng globe baka abutin ako ng sunrise bago ko masagot ang mga comments na gusto ko dagdagan. Hehe. So may 2 things na lang na dapat ko sabihin.

    1st, thanks mtoni, for tagging me. Nagulat ako kasi alam ko si lee ang tag mate mo. I am so honored, super. Thanks din kay salbe for tagging me. Sa kaibigan pa lang sobrang panalong panalo na!

    2nd, me tanong ako, fads. Sinusuklay mo ba ang goatee mo? Hahaha! Dami ko pa tanong e.

    In fairness fads, sa site ko binasa ko lang ang comments na bago. D ako makapagreply for the same reason. Dito lang ako comment kahit isa lang kasi di nako nakapagparamdam after ko magbase.

    Goodnight mga kaibigan!

    • hahaha, kahapon nag-shave ako. medyo sabog kasi kagigising lang, eh, bigla ko ba namang naishave. kaya ayun, tinuluy-tuloy ko na ang pagtangal ng goaty…

      palagay ko sa susunod na mga posts, may points ka pa rin kahit di ka makaka-base. daming nagta-tag sa u.

  15. da best ka talagang pinsan, coolest Father i know! (cge ko ug txt sa imong igsuong si dakilang titser cocoy, di man mo reply – asa na sya?)

    โ€œBakit hindi ka na lang nag-artista o di kaya pumasok sa Pinoy Big Brother?โ€ <— parati talaga tong tinatanong sa atin, artistathin kaC ang mga FIEL.

    nice post Father. good day.

  16. fr. bat wala ako sa base rankings haha. (parang active eh no!)
    ANONG SABON mo? hihi! kulit! ang tingin kasi ng mga tao sa pari, artista! haha kaya curious sila..

    pede bang humirit dito…

    BASE!! BASE!! BASE! hahaha! yan!

    anyways, fr.fiel, pa update po ng link! ^^ dotkomista na! hehe

    http://www.bonistation.com

  17. ….May idadagdag akong question…. pang No. 11

    “Ano ang cologne mo father?” Follow up question: “Baby cologne ba???? ” hehehehe!

    Nice post! Hindi harmless ang mga galing sa seminaryo….i knew it! (di ba father??)

    magandang umaga po Fr. Fiel! ๐Ÿ™‚

  18. aba naka-base si tina. base ka uli at tag mo ako.hehe

    ayos sa posing ah.panalo.

    nakakatuwa din ang mga tanong. pero sa totoo lang belib ako sa iyo fads kase pinili mo talaga yong bokasyon na may eternal significance. hindi lahat ng tao nagkakaroon ng pagkakataon para maglingkod ng ganyan kalalim sa pagiging pare. ๐Ÿ™‚

  19. naku Fads! sagutin mo ito ha!… hehehe!

    Ano ang cologne mo father?โ€ Follow up question: โ€œBaby cologne ba????

  20. sabi ng ate ko baka daw safeguard dahil me konsyensya.
    sagot ko malamang dove dahil may wings.
    malay ko lang baka tama ung hula ko..di ba father?

  21. Fads, tanong lang po baliktanaw ito – noong nage-edad ka ng bet 14 & 15, nakahiligan mo nabang makipag diskusyon sa cyber? Sa taong 1997 to 1998, naging active ako as member sa isang forum group ng ABS-CBN – kapag nakikita ko itong profile pic mo bumabalik sa isip ko ang member na iyon sa forum group na kahawig mo…

  22. I wonder father, kung bakit ka tinatanong nila nito: 9. Anong gamit mong bath soap Father?, sa totoo lang it’s a girl thing, common na sa amin babae yan, pero sa isang lalake bakit? siguro flawless ang skin mo po.. haha.. or super bango you..nakakatuwa yung picture mo na yan na naka rocl-en-roll. kasi you remind of this marvin agustin movie, na rakistang pari.. hehe.. ๐Ÿ™‚ anu nga ba title nun..

  23. hehehehe nice naman… parang ang daming sikretong ayaw pakawalan… bakit ayaw niyo po sabihin yung height nyo? sabagay ako din kapag tinatanong ano weight ko, di ako sumasagot… sumisimangot ako ๐Ÿ˜†

  24. 1. bakit kinasal sa diyos ang sinasabi pag nagpari? sino ung groom? sino ung bride?
    2. Bakit mas malaki ung tinapay nyo pag misa?
    3. Bakit walang alak ang mga nagmimisa?
    4. Nasubukan nyo na ba palamanan ung ostia?
    5. Me mga brand din ba ang ostia?
    6. Bakit mga lalaki lang ang sakristan? bakit walang babae?
    7. Bakit lagi me nagbebenta ng icerream sa loob ng simbahan? naririnig ko to tuwing misa dati.
    8. Anong gamit nyong sabon sa mga damit ng pari? mapuputi kasi.
    9. Bakit “Father” ang tawag? bakit di na lang ibang word?
    10. Lahat ba ng pari ngaun, pupunta sa langit?

    • 1. bakit kinasal sa diyos ang sinasabi pag nagpari? sino ung groom? sino ung bride?
      – kinasal sa simbahan tim. a priest is married to the Church. the Church is the bride.

      2. Bakit mas malaki ung tinapay nyo pag misa?
      – hahaha, pwede rin namang maliit.

      3. Bakit walang alak ang mga nagmimisa?
      – ang tagal matatapos ng misa. hehe,for pastoral purposes. pero in short groups, nagpapainom ako.

      4. Nasubukan nyo na ba palamanan ung ostia?
      -hindi pa. at wala akong balak.

      5. Me mga brand din ba ang ostia?
      -no. pero may mga preferences kami na mga convents na nagbebenta ng ostia.

      6. Bakit mga lalaki lang ang sakristan? bakit walang babae?
      – it depends on your parish priest if he allows it. sa ibang mga parokya sa pinas, may mga babaeng sakristan na. dito sa parokya ko, may 5 girl sakristans kami.

      7. Bakit lagi me nagbebenta ng icerream sa loob ng simbahan? naririnig ko to tuwing misa dati.
      – hahaha, ano yun? wala pa akong narinig na ganyan.

      8. Anong gamit nyong sabon sa mga damit ng pari? mapuputi kasi.
      – isang sakong pride detergent powder. haha.

      9. Bakit โ€œFatherโ€ ang tawag? bakit di na lang ibang word?
      -spiritual fatherhood timangkey. one of our bishops call us “tol” and we are ok with it. si kurog “kuya father” tawag sa akin. may isang sikat na sj, si fr. albert alejo — he prefers to be called “pareng bert”

      10. Lahat ba ng pari ngaun, pupunta sa langit?
      – i hope, i hope…

      • yung sa “nagbebenta ng ice cream”, baka dun sa consecration, pinapatunog kasi ng sakristan yung kililing (small bells) haha….. Ano po ang significance nun?

      • ganda ng question mo taribong.

        mga 13th century kasi, dati may nirerecite na prayer ang pari in a low voice at mayroong mga pagkakataon na di nakikita ng iba ang nangyayari sa altar. thus, the use of the bell became necessary for practical reasons. Some centuries later the bell was also rung at other moments such as the Sanctus and before Communion.

        Today, ang bell can still serve a purpose as an extra aid to call attention to the moment of the consecration, as a jolt to reawaken wandering minds and a useful catechetical tool for children and adults alike.

        in some parishes, they do not use bells. it is optional naman kasi…

        hehehe, di yan sa pagbebenta ng ice cream ha.

  25. naks naman si fads! teka ano yan? streetboys get-up or UMD (universal motion dancers)? napaisip tuloy ako kung nasa seminaryo na kayo nyan o wala pa. nyeheheh!

    yung 1-7 questions are very common tlaga sa mga nagpari. i have friends na ganyan. ang kaibahan nyo lang sila di nakatiis. ayun yung iba nagtuturo o nag-asawa. kaya nakakaelib ka fads kasi solid ang foundation mo ke Bro and the reason why na maganda ang takbo ng buhay namin kasi may dablogkada kaming pari na naggagabay sa ‘min.

    Tenks fads ha? so teka, ano nga sabon nyo? gumamit ba kayo ng Perla? hehehe ๐Ÿ˜€

    • i agree!!! tama ka jan kuya bongkito,d best si padz!! wapu ng shots ni kuya oh ๐Ÿ™‚
      UMD?…wow!!! fave kong dance grup yan….yan ang idol ko nuong hi skul ako…hehehe

      ako naman na iinspire sa mga nangyayari sa buhay ko khit ndi ako natuloy sa loob ng kumbento….kse may spritual adviser ako tulad ng baby priest natin… DABLOGKADA nice!!! ๐Ÿ™‚

    • umd ang biggest dance group before. naabutan ko yan..pati ung sikat na solidgold dancers. ahaha.

      early 2008 po kuya yan. isang x-seminarista po ang kumuha sa akin nyan…

      perla? hahaha, may seminarista akong schoolmate dati yan ang gamit niya overnight kasi marami siyang pimples. hindi effective.

  26. eto ang pinaka the best shot mo kaya eto ang ginawa kong banner mo eh..
    basta mga pam baby na sabon ang alam ko
    kaya mag regalo na kayo sa kanya ng 1yr supply sa bday nya sa march13 hehheehe
    goodmorning!!!

  27. Good morning Father!

    Wow! nakakaaliw naman pong basahin ang dahilan kung bakit kayo naging alagad ng simbahan ngayon ๐Ÿ™‚

    May tanong po ako… paki-korek na rin po kung mali ako… umm…

    Semenaryo ay para sa Pari right? at Kumbento naman para sa mga Madre… umm, lagi po bang magkahiwalay itong dalawa or maaari din pagsamahin sa iisang lugar? pareho din po ang itinuturo sa semenaryo at kumbento right? saka aminin nyo, marami din pong magagandang madre diba po ba? ๐Ÿ˜€ curious lang po akong malaman ^_^

    • ang seminaryo refers to the church building/compund kung saan andoon ang mga seminarista — young and not-so-young men who are studying for priesthood.

      yap, ang convent ay para sa mga madre.

      lagi po bang magkahiwalay itong dalawa or maaari din pagsamahin sa iisang lugar?
      – may mga lugar na pinagsasama sila sa iisang lugar. dati ang mga jesuits ay may kasamang mga rvm sisters sa kanilang mission areas. sa aming mga SVDs, may mga Blue Sisters din na kasama. pero dahil kumukonti na ang mga madre ngayon, kaya di na sila nakaka-join sa mga mission areas ng ibang kaparian.

      pareho din po ang itinuturo sa semenaryo at kumbento right?
      – no. but there are similarities.

      marami din pong magagandang madre diba po ba?
      – haha, well, everybody is beautiful in the eyes of God.

  28. Hahaha. ;o This made me LMAO. Cool. Cool. FAQs to Father Fiel. ๐Ÿ™‚ May question ako Father Fiel *ahem* pero medyo private so I’ll just zip it. Pari ka pa naman. Hahaha.

  29. nyahahha.. ang kulit nung huli!!! hehehehe!!

    parang bata nga lang sa pic! hehehe

    hi father! napadaan lang! ๐Ÿ˜€

  30. this is a fun post. may ilang friends din ako na nasa seminaryo. interesting sila para sakin dahil madalas hindi ko maintindihan ang choices nila LOL yung isa father eh iiordain na sa 20! woot!

  31. Father, questions po.
    1. anong say mo sa paring mag-eendorso ng mga politician for May 2010 election?
    2. kapamilya ka ba o kapuso?
    3. (taken from the web) Isnโ€™t wearing the cross and making statues and movies of the life of the Christ a violation of the 2nd Commandment? โ€œThou shalt not make unto thee any graven imageโ€ฆโ€
    4. anong sports/hobbies mo, agaw?
    5. may partylist ba ang mga pari? !@#$%^&

    • 1. anong say mo sa paring mag-eendorso ng mga politician for May 2010 election?
      — di ko sila gagayahin.

      2. kapamilya ka ba o kapuso?
      — kapamilya

      3. (taken from the web) Isnโ€™t wearing the cross and making statues and movies of the life of the Christ a violation of the 2nd Commandment? โ€œThou shalt not make unto thee any graven imageโ€ฆโ€

      -no. Christians wear a cross, make statues and Christ movies because they worship and venerate Christ. It is an outward expression of an inner worshipful attitude toward Christ.

      4. anong sports/hobbies mo, agaw?
      – swimming. praktisado sa mga sapa sa kiblawan.

      5. may partylist ba ang mga pari?
      — wala.

      gaw, pag-blog na pod ba. enjoy kaayo.

  32. bumalik ako para bawiin lahat yung mga tanong because i dont want to get u in trouble. i understand that these are very delicate questions, especially for a person in your position. i have my own opinions regarding them, but i will chose not to answer them in this forum out of respect to you and others who find these issues very sensitive. i admire ur courage to answer these in the most delicate of ways.
    i believe that i can assume what ur positions are, but some things are better not said for there may not be appropriate explanationsโ€ฆ.
    god blessโ€ฆ.

  33. Hey Father!

    3. Nagka-girlfriend ka rin ba?

    Oo naman! Haleer! Di rin ako nabasted. (I am very reserved when it comes to questions like this. Some selected bloggers knew about my love story, though. I prefer to talk about it face to face.)

    I find the love stories of missionary priests very romantic! In most stories that I know, there’s the presence of GOD, which makes it amazingly awesome!

    *sigh!*

    Cheers!
    Rogue|Hero

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s