20 RANDOM THINGS ABOUT ME

swimming ang aking sport

Natuwa ako na nagbasa ng mga random things about bloggers. Ang ganda ng mga ganong posts kasi mas lalo kong nakikilala sila. Kaya ito, nakipost na rin ako:

1. Eldest ako sa aming limang magkakapatid. 4 na boys, 1 girl. Ang pinakabunso namin ay elementary pa.

2. Di ako regular na natutulog sa aming bahay noong maliit pa ako. Hinihiram ako ng mga kapitbahay noon na doon matulog sa kanila dahil natutuwa sila sa akin. Kaya gabi-gabi, iba-ibang bahay ang tinutulugan ko. Siguro ito dahilan bakit di ako lumaki, masyado akong nabi-baby. hehe.

3. Sa aming munting altar noong maliit pa ako ay may picture ng Our Mother of Perpetual Help. Gabi-gabi nagdadasal kami, then sa likod ng picture ni Mama Mary, may nakatagong tuko! Pet namin yun sa bahay.

4. Mahilig ako maligo sa ilog noong maliit pa. Minsan maghapon pa! Then, pagdating ng hapon, susunduin na ako ni Mama sa ilog, may kasamang stick! Waaaaaaaaaaaaaaa!!!

5. Noong elementary runner ako ng school namin. Nanalo ako sa 100 meter dash. Surprise win sa akin un. Naging representative ako para sa Provincial Athletic Meet sa Davao del Sur. Pero pagdating sa province, di na ako napasama kahit sa top three man lang. It taught me well how to accept defeat gracefully. Di pala sa lahat ng pagkakataon, panalo. Better luck next time.

6. Mahilig ako sumali-sali sa mga contest noong elementary. Kung saan-saan ako pinapadala ng school namin. Nag-second ako sa Regional Competition sa quiz bee sa HEKASI (Heograpiya, Kasaysayan, Sibika).

7. Noong December 1993, nakasali ako sa First Asean Jamboree sa Laguna. Until January 1994 yun, kaya yun ang first time na nag-celebrate ako ng New Year away from home. You see, kahit sa mga events ng aking buhay, hinanda na rin ako ni Lord para mahiwalay sa aking family para better prepared ako sa aking buhay missionary.

8. Nagkaroon din naman ako ng lovelife….and we lived happily ever after, separately.

9. Wala talaga sa plano ko ang magseminaryo o maging paring misyonero. Gusto ko kasi sana noon talaga na maging newscaster. Pero noong dumating ang calling ni Lord, I also left everything. Hindi man ako naging newscaster, naging Good News-caster naman ako.

10. Sumali ako noon sa Centennial Kid sa Davao, isang male search. Loser. Di ako nanalo.

11. Lahat ng editions ng Shake, Rattle and Roll pinanood ko. Da best pa rin ang “Aswang” episode ni Manilyn Reynes.

12. Takot ako magdonate ng dugo. Dati noon, may grand blood donation sa seminaryo, compulsory kaming mga seminarians na mag-donate. Nainterview na ako lahat-lahat…then noong makita ko ang napakalaking karayom, pasimple akong nag-walk-out. lol.

13. Hindi ako umiinom ng mga hard drinks. Bear brand lang talaga ang gusto ko.

14. I like red, favorite color ko yan.

15. Gusto kong makapag-publish ng isang librong gawa ko, and paunti-unti ko nang na-materialize ito.

16. Lab ko ang teatro. High school pa lang, nagdi-direk na ako ng mga stage plays sa aming school.  Gumanap ako bilang Basilio sa El Filibusterismo sa isang play sa Davao noong college.

17. Di ako ang pinakamabait na seminarista during my time. Umi-eskapo ako noong college para lang mag-internet sa labas. lol. Pero sa buong buhay ko sa loob ng seminaryo, once lang ako umakyat sa bakod. hahahaha.

18. Sa seminaryo, during intrams, may cheerdance lagi. Napapasali ako lagi. Buti na lang walang youtubers doon sa mga classmates ko, or else malaking scandal ung pagsasayaw ko ng “she bangs.” lol.

19. Naging liturgist ako sa Healing Eucharist sa ABS-CBN channel 2 noong 2006-2007. Dito ako nakilala ni Bluepanjeet, ang pinakaunang blogger na nakilala ko. Inadd niya ako sa friendster, then, nagsimula na akong mag-blog.

20. Noong December 2006, pinili kong umuwi ng Manila sa mismong New Year’s Eve. So, from Davao, ang flight ko ay December 31, 8 pm. Dumating ako sa NAIA at 10 pm. OMG! Walang mga taxis! Kaya, naglakad ako from NAIA to Baclaran. Sa Baclaran, inabot ako ng New Year. Putukan dito, putukan doon. Hila-hila ko pa ang aking luggage. At kitang-kita ko sa pagkikislapan ng mga fireworks ay nagtatakbuhan din sa takot ang mga ipis. lol.

Have a nice day everyone!

Recommended Blogsites:

1. Bongkito – 25 Random Things About Me

2. Keekaye – 25 Random Things About Me

3. Bonistation – Ten Trivia About Bons

4. Felmar – 25 Random Things About Me

5. Aperockstar – For Your Consideration

6. Superlolong Pinoy – Five Decades and Counting

7. Fiel-kun – 21 Random Things About Me

8. Tricia – 24 Random Stuffies About Konta

9. J. Kulisap – Pagsusulit

10. Nhickole – 20 Things About Me

11. Timangkey – Things About Myself That You Don’t Need to Know But I Tell You Anyway

288 thoughts on “20 RANDOM THINGS ABOUT ME

  1. achiever even as a kid. hehe. Lampayatot kasi ako eh, di ko naranasan ipadala kung saan saan para sa mga athletics.

    Red! Apir, paborito ko to.

    At yung New Year sa kalye, nalungkot ata ako dun. Haha

    Father Fiel, yung aswang ba eh yung nasa hagdan si Aiza at iniintay nilang pumutok ang araw tas sabi ni Mane, “Wag kang bababa!” Tapos may dalang asin si Aiza tas nasa ikatlong baitang ata sya nung hagdan. Wahaha, kabataan o…

  2. #2 isang sinyales na talaga sayo ang maging pari kse NPA ka kung saan saan ka natutulog…kse ako namamahay pag sa iba ako nakikitulog…..

    syang nga walang utube pa nuon eh di sana nakita namin ang batang pari sumasayaw sayaw heheheehe 🙂

    newscaster pala ang hilig mo dati…ako kse nuong hi skul ang lagi kong nilalagay na ambisyon ko maging reporter… hehehe pero buti nalang ndi nangyari kse natakot na rin ako baka isa ako matigok ng ampatuan hehehe

    • actually mas challenging ang maging field reporter. andoon ang action eh.

      hehehe kahit saang bahay ako nakakatulog talaga ako, cowboy talaga. hehe.

      minsan navideo din ako sa isang fund raising sa commonwealth sumayaw ng totoy bibo. buti na lang di nilagay sa youtube. hahaha.

      • sabihin mo sa akin kung sino ang nag video sayo nun at hahagilapin ko sa commonwealth…lapit lang ako dun heheheehe
        makita ko man lang ang batang paslit na pari na nag sasayaw sayaw hehehe

        question #8 nagka lovelife ang bubwit?… hehehe share naman jan oh 🙂 gaano ka tagal?…hi skul?…o nsa loob kana ng seminaryo?….waaaaahh kakaintriga hehehehe kya pala affected ka minsan sa mga mag irog ah….my kilig factor ka minsan hehehe 🙂 naku nasaan na kya ang babaeng yun?…siguro madre na hahahaaha 🙂

      • Alam ko yun ah…. nakarating na ako kya dun my ksamahan ako sa ACA na nkatira dun sana nandun pa sya 🙂

        aaaaahhhsuuuus!!! talga naman eh my kilig factor ka pa rin kse bata ka pa normal na talaban ng ganyan hehehe tao ka lang noh!!! maging santo nga tinatamaan ng kilig factor eh sino ba yung santa na yun na may tama kay st.francis at pilit na sinasaktan nya ang sarili kase nag kkgusto sya dun….(naalala ko ang kwento ni fr. nono ba yun?…) ah basta batang pari din ang nagkwento dun…. si santa clara ata un ay ambut sa dami ng santo santa ng katoliko ndi ko na matandaan …haaaaissst!!! kya ndi ako gaano makwento sa mga bata about sa mga santo kse ndi ako gaano mahilig sa mga santo at santa…. hehehe 🙂 si bro.ian SSS lng mahilig mag kwento sa mga bata nung nag immersion sila dito ksama kong nag katekesis….at si ipe kasalukuyang nakakarating na sa dreamland kse tulog….hehehe 🙂

      • ay mali sa north fairview pala nakatira ang frend ko ndi jan sa north susana…. ndi ako familiar sa north susana kala ko kse north fairview …nagrambol ang naisip kong lugar north fairview at susano road sa novaliches hehehehe na parehong may barkada ako na nakatira….teka may north susano ba sa commonwealth?…teka ask ko kay B1 hehehe un taga commonwealth lang yun eh….malapit lang sya sa don antonio heights….

        oo si st.francis at st.clare akalain mo maging mga santo at santa natin nun matindi ang kilig factor at mega dapa pa sa tinik ng rosas…. 🙂

      • si saint francis ba ang dumapa sa mga rosas?… alam ko si saint clare ang gumawa nuon … sinaktan nya sarili nya kse ang lola mo inlove na inlove ky francisco….. as pinipigilan nya sarili nya kya sinasaktan nya ang sarili….. ganda nga ng kwentong un ni fr.nono., sj napanood ko yun nung mahal na araw…. 🙂

        na remind ko lang ang dalawang yan kse natanong ang ibang mga seminerista at madre sa buhay nila bago sila pumasok…. makulay ang lovelife ng mga lola mo…kya pala etong mga kada ko na BORN AGAIN eh ganun nalng ako lokohin eh….”bigo lang daw sa lovelife” ang mga nagmamadre at nagpapari hehehe Kya sabi ko “kya siguro ky bro nila nilaan ang life nila” sagot ng mokong “ok lang kung sa mga madre e sa mga nagpari?… ehem e di parang sinabi mo na malangsa ang mga nagpari” siraulo noh?…. kya padz sbi ko idol lang nila ang rockistang si bro…. hehehehe hay naku ang kukulit ng mga yun….. pero ako alam ko na ang desisyon ko may final desisyon na ako….. 🙂 ippost ko nalang pag nabigay ko na ang application ko sa ninang drectress kong si sr.linlee….. 🙂

  3. happy new year padre!!! kakatuwa naman ang buhay mo.Maliban na parang nomad ka ay genius ka rin pala. sayang lang hindi ka na tumangkad, first pinoy NBA player ka pa sana (na pari). hehehe

    kumusta na kaya ang pet nyo sa likod nang Inang Maria, nanganak na ba?hehehe

  4. marami ako gusto icomment kaso fone lang gamit ko di ko mababalik balikan nang madali. Mamaya. Babalik ulit ako. Prayers po, fads! Thanks!

  5. isa si kuya blue(bluepanjeet) sa paborito kong blogger, diretso at matalas kapag me gustong sabihin.

    natuwa naman ako sya pala pinakaunang blogger na nakilala nyo.

  6. hehe… like ko itong mga things about you.. ang saya! will be looking forward to your new book!!! 🙂 happy new year po…

  7. magandang araw po Padre at mga Igan. masarap po talaga alalahanin ang tamis ng nakaraan.

    pahabol po kahit late dahil dito po nagsimula, dito ko rin po eku-congrats sila Topexress at Bonistation sa pagkapanalo nila sa OfwBlogAwards.

  8. uy congrats kay boni at kay topex, di ba nakasama si rye?
    good afternoon po Pads,patok yung pitchur nyo na my sungay hahaha
    nakapost na dun kay cathy , pina follow pala nya blog nyo dilang nakikigulo satin hahaha.

  9. nakakatuwa naman to Pads, hahaha sayang diko kayo nakilala nung maliit pa kayo,sana nahiram din namin kayo hahaha.

    you mean my elementary pa kayong kapatid?kung sa bagay bata pa naman din kayo.
    Panalo to, makulit din pala kayo nung bata pa hahahaha istik ang pang sundo hahaha

  10. Maganda yang mga ganyang random thoughts about me.

    Minsan gagawa din ako niyan, sa sobrang dami ng nangyari sa buhay ko parang hindi ko yata kayang isulat. Baka ang mangyari nobela na may 2000 pages.

    Ito sulyap:

    Takot ako sa bebeng daga, yong kulay pink. Masasaktan ko ng bonggang bongga ang mananakot sa akin niyan.

    hehehe

      • Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa akin kapag nakikita ko ang wala pang balahibong bebeng daga, yong kita mo pa yong bituka nila dahil sa nipis ng balat. At may nangyari sa akin nong bata pa ako dahil sa mga daga. Kinarate ako ng mother ratty pagkatapos kong dukutin ang pugad na akala ko ay pugad ng ibon, hindi pala inakay ng ibon kungdi mga bebeng daga na kulay pink.

        ‘Yon na, bangungot na sa akin ang mga bebeng daga.

        Si JasonHamster..di ko pa naman sia nakikita ng personal so ‘di pa ako takot sa kaniya.

      • hehehehe natrauma ka pala jk noong bata ka pa at until now di mo pa na-o-overcome un. hehe. kahit naman siguro ako, di rin ako hahawak ng bebeng daga kasi parang napaka-vulnerbale nila kasi napakanipis ng balat….hehehe.

        wag ka mag-alala jk. hindi na bebeng daga si brother hamster…may mga buhok buhok na un…

      • na inspire ako kay jasonhamster Father, mapagmahal siya sa daga – speaking of daga may alaga rin ako dito sa riyadh. nahuli ko siya sa kitchen naghahanap ng pagkain at aking inalagaan. itim po ang kulay, lalong gumanda ang kaniyang balahibo nang malimit kong paliguan – name niya ay si ratchie at 1 year at 3 months old na siya. musta na po kayong lahat jan?

    • ang kyut kyut kaya ng ,ga bebeng daga.

      ay hamster pala.

      naalala ko nanganak si Baby Brown ko. ang daming bebeng hamster ang lumabas. mga 8 ata.!!

      Ang saya !!

  11. unang comment- at talagang special mention pa kami ni bongkito. salamat fads.

    #2:At talagang ka cute! alala ko yung sister kong si anne (yung taga picture natin sa ospital) hiramin din yan ng mga kamag anak namin nung maliit pa. cute kasi, nung lumaki, ayun katacute na.

    #8: tawang tawa naman ako dito. pati si anne natawa. hahaha! binabasa ko sa kanya kanina e.

    #9: wow. ako din gusto ko dati maging newscaster. at reporter. kaya nga ako nag masscomm instead of Architecture o kaya hrm. pero nung nasa masscomm nako narealize ko na ayoko sa media. mashadong nakakapagod ang trabaho mababa pa ang sweldo. ginagamit ko pa rin naman pinagaralan ko, corporate setting nga lang…

    #14: Favorite color ko din ang red. apir!

    #15: aabangan ko ang libro mo fads!

    #16: di ako marunong mag direct o umarte kaya ako ang laging tagasulat. haha!

    #17: bakit kaya naniniwala akong di ka mabait na seminarista?

    #18: she bangs. hahahaha! wish ko lang may youtube na nun! hahahaha!

    #20: at ang linaw ng matang nakakita sa mga ipis na nagtatakbuhan dahil sa takot sa mga paputok! haahaha!

    • #2: naku liliit ako lalo kasi lalong mabebeybi.
      #8: hahaha. ayoko ng i-elbaorate yan.
      #9: mahirap ang sa media. papupuntahan ka sa maguindanao, hehe.
      #14: apir din!
      #15: ipopost ko pix dito ng book ko, kung sakali…
      #16: ung mga dinidirek ko, ako rin ang nagsusulat. hehe.
      #17: hehehe kasi na-good time kita. at si lhen din.
      #18: nakupo! (sign of the cross!)
      #20: kitang-kita po, dahil sobrang liwanag dahil sa dami ng fireworks. un na lang kasi tiningnan ko para di ako matakot, hehehe. mga 4 am na yata ako nakakuha ng taxi ah.

  12. who doesn’t love HEKASI..? (sama na natin ang SIBIKA!)

    parang nakakainggit tong entry mo Father…parang gusto ko rin mag 20random..

  13. Pingback: For Your Consideration « Human B.S.

  14. Haha…salamat po Father sa pagpapakilala…medyo napangiti ninyo ako dito sa #8…mukhang may drama pa yata

    8. Nagkaroon din naman ako ng lovelife….and we lived happily ever after, separately.

    Father mukhang susundan ko kayo sa ramdon things ninyo…mukhang nararapat lang na magpakilala rin po ako.

      • ayan, etu na comment ko…..

        1. panganay din ako sa 3 na puro babae, peru now tatay nadin ako..
        2.bawal akong matulog sa ibang bahay, hindi ako pinapyagan ng nanay ko, kung hindi sabon aabutin ko.
        3.ahaha, may altar din kami fr. peru walang nakatagong tuko!
        4.hindi ako naliligo sa ilog, kasi malayu kami sa ilog, tinatmad akong maglakad.
        5.wala akong sinalihang sports nung elementarya, ewan koba!
        6.mahilig akong sumali sa beauti contest, kaso minsan talo! hehe, but sabi mu nga better luck nextym.
        7.well said fr.
        8.wwahahaha, hindi nga?! hehehe, aku din! toinks!
        9.ako din fr wala sa plan ko maging nun.
        10.better luck nextym!
        11.ahaha, adikness ka pala sa movie nayun.. ako kasi hindi masyado.. hehe
        12.takot din ako jan fr. peru kung badly needed, kelangan!
        13.cheers to that fr! 🙂
        14.hhmm, ako fev color ko?hindi naman halata sa codename.. hehe
        15.wow, fr. nice yun! good luck!
        16.tagaganap lang ako, hehehe
        17. haha, ayus yan, may pagka pasaway! parang ako! lol
        18.wwahaha, she bangs paba usu non?! ahaha, tsk, sayang, sana search ko para nakita kita mag she bangs! ahaha.. ako din mahilig akong sumali sa cheer dance, wala lang! hehee
        19.aahh..
        20.ahaha, oo i heard that story, ahaha, charge to experienced! hehe.. sana sa christmas next year, makasama kona family ko.

        hays, natapos din! hehehe… 🙂

      • 1. hehehe breadwinner ka pala. inadd din ako ng utol mo…

        2.hehehe kahit utol kong girl, di rin pwede matulog sa ibang bahay…

        6.mahilig akong sumali sa beauti contest, kaso minsan talo! hehe, but sabi mu nga better luck nextym. — naku, bakit wala akong makita na mga pix noong sumali ka sa beauty contest miss pinkie? miss nueva ecija ba?

        8.yes, hehe.!

        14.teka ano favorite color mo. guess ko ha, pink ba?

        18.masaya ang cheer dance! wala sa youtube un, sure ako!

      • 1. yup fr. bread winner ako!
        2.kasi siguru babaek, peru now, kahit saan pwede nako matulog! ahahaha
        3.wwahaha, nakatago fr mga pics. sige pakita ko seo nextym.. hehe, masyado maganda ms. nueva ecija fr. ibng ms. lang ako.. hehe
        14. secret!
        18. yan kasi hilig ko, magsayaw, sumali sa kahit saan basta sayawan.. kaso ditu mga bata sinasayawan ko! hehehe..

        🙂

      • anong miss kaya un, miss intrams siguro.

        ako rin mahilig magsayaw. pati pinoy ako theme song ng pbb pinatulan ko, hehe. noong di pa ako pari, nagprogram. hiningan ng program ang mga pari at ako.

        eh di nagrequest ako ng pinoy ako. then, ung rector namin na di marunong sumayaw, nagwalk-out. hahaha.

      • ahaha, karamihan po ng sinalihan ko beauti contest e sa skul.. hehe.. ms. zaragoza and ms. ng barnggay namin.. eeooowww! ahaha

        ahaha, pinoy ako tlaga? hehe, ayus i like that song actually.. buti hindi ka nag walk out fr?! hehe

      • aahh, i see, nag O-J-T kasi aku sa bangko dati, so every friday may gimik kami ksama ko naman manager at mga teller hehehe, kasama nadin friend naming fr. masarap ding kasama mga teacher parang ako, toinks! hehee

      • ahaha, opo, isa akung kagalang galang na guru! toinks! sa skul lang, peru pag labas ng campus, pwede nakung hindi galangin! toinks again.. hehehe..

        sarap po talagang makipag friends sa mga teacher.. hehe at sa fr. hehehe gimik tayu! hehehe

  15. lumaki ka palaga talaga sa very religious family. I think those families are very blessed. Grabe ang dami po nating similarities..Ang dami kong nabasa dito na ngayon ko lang nalaman about you: yung mahilig ka po maligo sa ilog, lahat ng shake and rattle roll napanood mo haha.. weird, mahilig ka po sa horror? dapat kunin nyo po yung exorcism ba yun.. sabi nila, pili lang ang fathers na marunong mag performed nun..

    HAPPY NEW YEAR:
    NEW BLOG POST: http://painuminmoko.crashtequila.info

  16. waw naman isang dats my boy contestant din pala tong si father!!

    pareho tayo, bahal ang hard drinks. o ha
    bebeng bebe,

    may hangover pa rin ako sa bebeng daga. ang kulet nyo ni G. Kulisap.
    hahahaha

    • hehehe those were the days…yap, tinandaan ko yan talaga — di ka umiinom ng mga hard drinks…

      bebeng daga na very pinkish pa talaga — si jk kasi, ang kulit. hahahahahaha. kakatuwa. magpakita ka nga kay jk para mawala na ung trauma niya. hahahaha.

      • sige.. hahanapan ko po ng asawa si Coco..

        tapos pag nanganak bigay ko kay G. Kulisap..

        napaka adorable ng mga bebeng daga.
        sobra..

      • Yah, hahahaha.

        Adorable ka diyan.

        Last night nga lang tinakot ako ng kuya ko, may nahuli siyang bubuwit, inilapit sa akin, ayon nasipa ko ang TV, sira ang lock, lumawit ang case, tiwangwang ang drama ng TV.

        Jason, as told by one blogger is nice, kind and simple. So I think he is perfectly Jason the Hamster, however if he gonna give me some bebeng pink na daga, I’ll probably run or hit him.

      • hahahaha. kakatakot ka pala jk pag binibigyan ng bebeng daga! kawawang tv!!! omg!

        at for the first time, nabasa ko na nag-e-english si jk. hehe. brother hamster, mag-isip-isip ka na. baka marunong mangarate itong si jk, lagot tayo. hehehe.

  17. teka teka fads! sige koment time na!

    #1 – pang-ilan kayo? ako kasi bunso e!
    #3 – dati masipag din ako magnovena ng OPH during Wednesdays. as in! akshuwali, everyday pa nga nagsisimba kaming magkakapatid dahil gusto ni mama. pero nagustuhan din namin kalaunan kasi nakakakanta kami sa mass at nakakaserve kami kay Lord.
    #4 – noong bata ako, tuwing uuwi kami sa batangas trip namin maligo din sa ilog. imagine yung trekking tapos endpoint yung malamig na tubig ng malakas na agos ng ilog. tapos kakain kayo afterwards, da best talaga. kaya lang minsan olats na di kami makaligo dahil nauunahan kami ng mga kalabaw. nyahahah!
    #6 – di ako masyado sa academic competitions except nung kinder. pampalakasan kasi ang nakagawian ko na.
    #7 – nung grade 4 ako naisip kong magpari at if ever masubukan ang bokasyon (bosconian kasi ako nung elementary) tapos natanto ko, mas malakas ang koling na magka-gf. hehehe!
    #9 – bagay sana ako magnewscaster din o pumasok sa broadcast. madali sana kasi mama ko nasa ganung trabaho na. kaso nagsawa ako after ko grumaduate sa college. iba naman…
    #11 – agree ako fads dyan! tayo naman apir! hehehe
    #16 – wow! artista din pala si fads! naks naman! miyembro ka rin pala ng teatro. malamang kung di ka pari, showbiz commentator ka! heheh o diba!!! nyahaha!
    #17 – lahat ata ng seminarista dumaan sa ganyan! ung iba lang di magawa mag OB kasi siguro 10 talampakan ang taas bwhehehe!
    #20 – oo nga fads! ganon kalinaw mata mo? at yung ipis ang mga naging concern mo di yung mga paputok na madadaanan mo hehehe!

    nice one fads! ayan meron ka na rin! hehehe

    • #1 – panganay ako bongkits.
      #3 – maganda magnovena sa our lady of perpetual help kasi madali lang din kantahin ung mga songs sa novena…
      #4 – hehehehe ako dati naliligo talaga ako kasama ang kalabaw. lol.
      #7 – “mas malakas ang koling na magka-gf.” – ahahahahaha. natawa ako dito.
      #9 – sino mama mo na broadcaster?
      #11 – apir!
      #16 – kung di ako pari, siguro sa showbiz nga ako. lol. joke lang.
      #17 – hehehe kaya nga super taas ng bakod ng mga madre eh, para wala talagang mag ober da bakod.
      #20 – pangako ko sa sarili ko na no way ang pag-a-eye glass sa akin…kung mag-a-eye glass man ako, for pictorial purposes lang. hahaha.

      • LOL ako dun sa mataas na bakod. hirap yung mataas din bakod lalo na sa mga madre. boso aabutin nung mga novices pag nagkataon! nyahahahah!

        si mama di naman broadcaster pero naging boss nya si Tina Monzon Palma nung early ch.5 days pa.

        at sabi ko na nga ba, showbiz ang bagsak mo fads! lakas kaya ng PR mo hehehehe! 😛

  18. -sa dami ng pagtataguan ng tuko bakit sa likod pa ni Mama Mary hihihihi… buti hindi sumasabay sa pagnonovena niyo…

    -hindi ako mahilig maligo…. sa ilog ehehehe! di kase ako marunong lumangoy.

    -mabilis din ako tumakbo, lalo na kung hinahabol ako ng aso! 😆

    -lovelife?… allergic ako don… hehehe natuwa naman ako dito
    “and we lived happily ever after, separately.”

    -guduck naman sa librong isusulat niyo, sana makabili ako ng kopya kapag naipublish na… 😀

    -hahaha! pasaway rin pala kayo… ako po 5 times umakyat ng bakod 😆

    you had a good life father! tnx for sharing 😀

  19. Good Morning Fr. Felmar ^_^

    waah inggit aku XD gusto ko din gumawa ng ganito hehe…

    wow, kakatuwa yung mga random facts about you Father… yeah, I still remember yung “Aswang” episode ni Manilyn Reynes sa Shake Rattle and Roll… favorite ko din yun… (eto yung kasama nya si Aiza Seguerra right? -> yung nasa Hagdan si Aiza then may hawak na asin… tapos may dalawang Manilyn – isang orig saka yung fake (aswang) oh ha, remember ko pa siya haha 🙂 )

    Hindi ako umiinom ng mga hard drinks. Bear brand lang talaga ang gusto ko…. –> haha, nice one! napangiti nyo din po ako d2 haha ^_^

      • waah father Felmar correction po pala…

        yung nabanggit kong Aswang with Manilyn Reynes and Aiza Seguerra ay hindi pala part ng Shake Rattle and Roll… Aswang is a film also starring Alma Moreno as the aswang herself….

        Hindi pala nakasama ni Manilyn si Aiza sa any SRaR film.

        Manilyn was in
        SRaR 2: Aswang Episode
        SRaR 3: Nanay Episode
        SRaR 4: Guro Episode
        SRaR 5: Impakto episode
        SRaR 8: LRT episode

        Aiza was in:
        SRaR 4: Kapitbahay episode
        SRaR 6: Ang Tulay episode

        ^_^

  20. Laking bear brand ka pala.

    Why don’t you communicate with the manufacturer,
    ‘tas magpose ka sa camera, konting emote.. TV ad.

    Laking bear brand ako.

    Nakailang jowa ka Fads?

  21. i notice that most of us here in the blogworld have so much in common. halos lahat eh mahilig sa media arts, pambato sa iskwela, close sa family.
    ang talagang pinagka-iba lang ni father sa lahat ay torpe sya *kidlat*
    ako—walang modo.
    si keekee….maraming anak 😛 (courtesy of bongkito)
    si jkul….(censored)
    si jason….im not sure kung ano ang sinasabi nya when he talks about slugs and hamster…pero alam ko di sya torpe.
    si ax….hahaha, secret daw….
    si mtoni…mystery pa rin. asexual yata sya 😦

  22. Hahaha, Jess kahit kailan ka.

    Pano mo nasabing torpe si Father, bago magpari yan, marami din sigurong hinaplos yan. May libog din yan sa katawan. Parang ikaw.

    Uy, bakit sinasapian ako ng kung anu-ano.

    GreenPeas

  23. 4. Normal na yata pads sa mga bata na lumaki sa probinsya ang tumakas para maligo sa ilog, kaya pagdating sa bahay…. waaahhh PALO!

    17. So totoo pala ang pag-oover da bakod ng mga seminarista! hahhaha… kala ko kwentong kutsero lang! tsk tsk!

    Pansin ko sporty si Father…

      • hahaha… pads yan din ang tanong ko… lumaki ba ko? hahaha lam ko kung baket di ka na naliligo sa ilog… kasi nun bata ka nakahubo ka pa pag naliligo sa ilog noh? hmmm… eh pag ngayon kaya? nyahahha 😉

        Naku pads, sige aantayin ko ang kwento ng pag oover da bakod ni Jorge! Nyahahahaa Malamang gagawin din ni Jorge yan! ahihihi

  24. blockbuster sa dami ng comment….

    8.Nagkaroon din naman ako ng lovelife….and we lived happily ever after, separately.

    nakarelate ako dito…bakit kaya???? wink! wink! wink!

  25. Hi Fadz,

    Do you happen to know Fr. Bel San Luis, SVD. Im reading his book entitled ” More Stories of Life and Laughter”?

    Hope to read your masterpiece also. I will buy and promote your book for free. Promise

  26. Good Morning Fr. Felmar 🙂

    Since napaguusapan na lang din natin ang aswang, curious lang po akong malaman….

    umm, bilang alagad po ng simbahan, naniniwala po ba kayo sa mga aswang at mga engkanto?

    • ang simbahan naniniwala that part of the filipino psyche ay ang paniniwala sa mga nuno sa punso, engkanto, spirits — yan ay nasa catechsim for filipino catholics…

      personally, i am doubtful sa mga aswang. because historically, yan ay panakot lang ng mga prayle sa mga pinoy. then panakot ng mga yaya sa kanilang mga inaaalagaang bata…

  27. salamat at pinatuloy mo na naman kami sa iyong buhay father! haha.
    medyo masarap sa pakiramdam na nakikilala mo ang isang tao kahit hindi talaga kayo magkakilala or magkalayo kayo.
    astig yung mga random things about you.
    gusto ko ring gumawa niyan. next time na siguro. haha. 😀

  28. wow, Bear Brand po talaga ang favorite drink ninyo Father? Hahaha, nice po! X3

    Sana po mabasa ko po ang libro ninyo, pag na publish na siya, I’ll read it. :3 . ^^

    Siya nga pala Father, dahil po sa post ninyo, na inspired po ako gumawa din po. ^.^

  29. ….. hala! interesado po ako sa item #8… hmmmmmp!!!!

    …minsan talaga you can live MORE happily ever after…SEPARATELY!!! 🙂

  30. father,

    patawad pero natawa ako sa bearbrand. hahaha.

    ako din laking bearbrand 😀

    idol ko din si ser blupan.

    pareho tayo, nanalo din ang grupo namin sa track and field during college. yan kasi ang fav sports ko.

    pero di ko naranasang mapitpit ng stick. sinipa lang ako ng nanay ko hahaha pero loves na loves ko yun.

    ingat father 😀

  31. huwaw father! napakaraming comment haha! nalunod ako!! nakakatuwa naman ung paghiram sayu ng mga kapitbahay! parang na experience ko din yun.. lalo pag sobra ka ng close sa mga ka laro mo. wonder kid ka pala at sumali kapa sa cenetinial kid!

    astig din talaga ung putukan habang nasa kalsada ka walang masakyan wawa haha!

    **myembro ka ng akyat bakod gang! lols!

    • hehe pag umuuwi ako ngayon, di na ako nakikitulog sa mga kapitbahay. hehe, sa family ko na talaga. pero bumibisita talaga ako sa mga bahay ng mga nanghihiram sa akin noon. hehe.

      ung paglalakad from naia to baclaran, medyo malayu-layo pala talaga un. lol.

  32. pareho po tayong pisces pero ako po hindi mahilig sa tubig. haha! nakakatuwa father, dahil po sa inyo naiiba ang pananaw ko sa mga pari. pero on a positive note naman po. pramis. 🙂

    nawindang po ako sa number three. inisip ko, “tuko, ibon un. un ung may malaking tuka.” homaygudness naalala ko bigla na ang tuko pala e un lizard-y reptile na nagiingay sa kisame namin dati! jusmio nakakatakot un father 😦

  33. hello good morning, it is amazing to read your blog, about life and survival with God. An awesome things that happens in your life with Him, such inspiring. Now, you give me some light and that helps me. Truly some blogs helped us learned something in life, and you are one of them. Thank you for writing and posting this. it is wonderful to read it. Hope to check you back soon. Will add you!

  34. Fatherrrrrr!!! si topexpress ay nagbabalik… nanahimik panumandali dahil sa karamdaman… pero HAMBAKKKK!!!!

    mabenta ka tlga sa akin fads. Kakaiba at nakaka kiliti ang bawat istorya ng buhay mo. natawa ako sa “she bangs!” naku sana meron tlga video un! once in a lifetime lang un so dapat meron documentation.

    Para ka din plang toy?! ahehehe hinihiram?! At akala mo tapos na ang panahon ng paghiram sau? pwes! pwede ba kita mahiram sa parokya mo para magkasal sa akin? cheeeeeeessssseeeee!!!!!!

    Happy Year of the metal tiger father!

  35. “12. Takot ako magdonate ng dugo. Dati noon, may grand blood donation sa seminaryo, compulsory kaming mga seminarians na mag-donate. Nainterview na ako lahat-lahat…then noong makita ko ang napakalaking karayom, pasimple akong nag-walk-out. lol.”

    para ka palang si pacquiao pader. takot sa dugo at karayom hehe…

  36. Go Father. Hahaha. Winner ka.

    Natawa naman po ako sa pagiging pasaway nyong seminarista. Hehe. Wee, lalo po ako naeenganyong gumawa ng random stuff about me. Kaya lang busy busyhan ako with the tests, math dance pati NSPC kaya linalangaw na po ang blog ko. Ohoho. May update nga, napakaikli naman.

    Makagawa nga po nito sa panahong di na ako busy. :p

Leave a reply to Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD Cancel reply