GOOD DAY CHILDREN OF GOD! CHOCO MILK AND BIBINGKA IN THE MORNING
My dear readers, the Lord be with you!
I am back!!! Group Hug!!!
For the past three months, di talaga ako nakapag-blog kasi aside from being busy, nasira ang aming internet connection dito sa convento. Medyo naayos but mabagal naman ang downloading. Minsan no connectivity pa. Kaya 3 months ko rin na kinulit ang hotline…and yahoo, back to blogosphere na ulit ako!
Group Hug ulit!!!
Kaya dahil matagal akong nawala, ito ang mga pasabog ko sa aking pagbabalik — ang silip sa buhay-pari. Come, read on!
39. Oh Honey. May mga honeybees sa old convento. Isang grupo ng mga parishioners ang nagvolunteer na kunin ang honey. Natuwa naman kaming mga pari sapagkat nagvolunteer sila. Unknown to us, yong nagvolunteer pala ay walang kaalam-alam kung paano manguha ng honey. Ang nangyari ganito — nabulabog ang parokya sapagkat pinagkakagat at pinaghahabol sila ng mga honeybees. So, ang kanilang nakuha ay isang basong honey lamang. Huhuhu.
40. Oh Honey, (Again). At hindi pa doon natapos ang kwento. Noong nasa aming mga pari na ang isang basong honey, we asked our kusinera na i-boil sandali ang honey para mamatay yong mga microbes. Habang nagpapakulo, kung saan-saan muna naglakad-lakad ang aming kusinera. Kaya ayun, nakalimutan niya ang kanyang pinapakuluan. Pagbalik niya, huhuhuhu, ang honey namin — lahat nag-evaporate na!
41. Buking. Kasal ang eksena. Ang groom ay magbibigay ng coins sa bride. Everything turned out fine, until I asked the bride to put the coins in the pocket of the groom. Aba, ang groom umayaw! Ayaw niya na ilagay ng bride ang coins sa pocket ng kanyang pantalong slacks. “Basta!” — yan lang ang reason na naidahilan ng groom. Siyempre, medyo made-delay na, kaya napilitan na rin siya. Que horror! Ang coins nahulog sa sahig! Butas ang bulsa ng groom! He covered his face in shame. Lol.
42. Ghost. One dusk, I saw our kusinera standing beside our dining table. Suddenly, nalingat lang ako ng konti, bigla siyang nawala! Nagsitayuan ang mga balahibo ko! I looked outside, wala rin siya. Pagtingin ko ulit sa dining table, andoon na ulit siya nakatayo. Kinabahan ako ng todo. So, I asked her, “asan ka galing?” Sagot naman ng kusinera, “Sa ilalim po ng table, naglagay ng magic chalk.” Hahahaha, akala ko kung ano na!
43. Bowl o Bell? May isang pari kaming Taiwanese sa community sa Christ the King sa QC. One time, lumapit sa akin ang paring ito at sinabing “may I borrow a bowl?” Aba! Nagulat ako kung bakit sa akin pa manghihiram ang paring ito, hindi pa dumiretso sa kusina. Binigyan ko ng bowl. Sabi niya,”no,no,no.” Hindi daw yun ang hinihingi niya. Sabi niya “bell” daw pala. So, naghanap ako ng bell. Ngunit, pagbalik ko wala na siya. Bumaba ako ng dormitory sa kahahanap sa kanya. Pagdating ko sa basketball court, nakita ko siya. Ngumiti siya at ipinakita ang hawak niya: bola. Ball pala ang hanap niya! (Kasi naman ehhh)
44. Fire Alarm. After the Ozone Tragedy, a fire alarm device was installed in our seminary. Malaki ang tulong sa akin ng fire alarm. Being the liturgist of the seminary, it was a good rising bell for the seminarians. When I’m all dressed up and lahat tulog pa kahit malapit na ang prayer time, i-pu-push ko lang ang fire alarm. Presto, lahat magigising sa panic! Hahaha, akala may sunog! Pagdating ng morning prayers, perfect attendance lahat ng seminarians!
Sto. Niño
45. Baby Jesus Nahulog! Marami ang di nakakaalam na Sinulog dancer ako sa seminaryo. Three years din akong naging Sinulog dancer. Pero yong pangatlong taon ko ang pinakamemorable. Ako kasi ang taga-hawak ng baby Jesus. Kaso, medyo loose na ang pinagkapitang paa ng Sto. Niño sa base. Ung isa kong classmate si Richard, nagrequest na siya muna ang humawak during the street dancing. Pumayag naman ako ngunit nakalimutan ko siyang sabihan na hawakang maigi ang baby Jesus. Ohlala, the unexpected happened. Habang nagsasayaw siya ng Pit Senyor, tumilapon sa ere ang image ng Baby Jesus. Natanggal sa base. Kaya ayun, noong ako na ang nagsayaw, hawak-hawak ko na sa paa si baby Jesus.
I MISS EVERYONE IN THE BLOGOSPHERE!!!
KUMUSTA NA KAYONG LAHAT?
“And this is my prayer: that your love may abound more and more in knowledge and depth of insight, so that you may be able to discern what is best and may be pure and blameless until the day of Christ.” (Philippians 1:9-10)