A LOVE STORY

FAVORITE MOVIE KO

High school ako noon. Pinagbakasyon ako ng lola ko sa Davao del Norte kasi naghiwalay sila ng lolo ko.  Super cheezy! Pagdating ko sa Davao del Norte, nagsumbong agad si lola na nag-away daw sila ni lolo. (lol). Galing noon sa pagbabakasyon si lola from  Leyte at noong gabing dumating siya ay nagulat na lang siya na yong hindi naman nila kagandahang kapitbahay na gurl ay may pahatid-hatid daw ng ulam kay lolo!

Dala ng matinding selos, nagkasamaan sila ng loob. Kinabukasan, umalis si lolo at nagpunta ng Manila.

Naramdaman kong nalungkot ang lola ko sa paghihiwalay nilang iyon. Pag kumakain kami ni lola, naglalabas siya lagi ng San Miguel Beer. Noong una, sabi niya, pampalinis daw ng bituka. Ewan ko lang kung totoo yun, hehe.  Ngunit napansin ko, tuwing umiinom siya, si lolo ang laging topic niya.

Later on, habang nag-sa-San Miguel Beer siya, nakiki-San Miguel Beer na rin ako. Ang pait pala ng beer (ahem,  first time ko).

Isang araw, dumating ang pinsan ni lola. Pagbukas na pagbukas ni lola ng gate, sabi ng pinsan niya, “asan ang asawa mo?”

OMG! Biglang may pumaradang taxi — dumating si lolo!

Instead na magalit si lola, itinuro na lang niya ang lalaki sa taxi, “ayan na ang asawa ko.” Hehehe.

Na-tense ako dahil baka magkaroon ng gulo ngunit comedy ang sumunod na nangyari. Nakapasok si lolo na di nasermonan ni lola. Nagkunwari silang dalawa na ok, inasikaso ang bisita at si lolo inakbay-akbayan at kinikiss-kiss pa si lola. Hahaha. Captive si lola!

Kinahapunan, nagpaalam ang bisita at sumama si lola kasi umiiwas talaga kay lolo. Ngunit kinabukasan sa kanyang pag-uwi gustong makipag-usap ni lolo. Matigas si lola. Ayaw! Ayaw talaga.

So, si lola pumasok sa kanilang tindahan at nilock ang pintuan sa loob. Katok ng katok si lolo. Ayaw. Di talaga pinagbuksan. Maya-maya napansin ni lolo ni pwede din palang i-lock ang pintuan ng tindahan sa labas kasi double-lock. So, ni-lock niya.

After 3 hours ni lola sa loob ng tindahan, naiihi siya. So, sinubukan niyang buksan ang pinto. Hahaha, naka-lock sa labas. Hahaha. No choice, tinawag niya si lolo…

…and they lived happily ever after…