jump to navigation

Palm and Passion Sunday (A) April 8, 2017

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Communications Ministry, Diocese of San Pablo, Jesus, Lent, SVD Philippine Central Province, SVD Philippine Northern Province, SVD Philippine Southern Province.
Tags: , , ,
1 comment so far

Palm and Passion Sunday

 

Palm Sunday / Passion Sunday (A)

Isaiah 50:4-7

Psalm: My God, my God, why have you forsaken me?

Philippians 2:6-11

 

Matthew 26: 14-27,66

 

Welcome to the Palm and Passion Sunday!

 

Tandaan po ninyo, ang linggong ito ang isa sa mga may pinakamagandang second readings sa buong taon para sa akin. Ito ay galing sa book of St. Paul to the Philippians: at ang mensaheng ito ay produkto ng pagninilay ng first Christian communities. “Though he was in the form of God, Jesus did not deem equality with God something to be used for his own advantage.” (Philippians 2:6). Sa simula pa lamang, si Hesus ay talagang banal. Ngunit hindi tumigil si St. Paul doon. Sabi pa niya: “Rather, he emptied himself, taking the form of a slave, being born in the likeness of men. Thus, he humbled himself, by becoming obedient to death, death on the cross!” (Philippians 2:7)

 

Ang Dios na banal ay naging tao, upang ang tao ay maging banal.

 

This is a special time of the year that we stop to remember and bring back the memories leading to our redemption and salvation. Yes, we remember Jesus’ dying and rising, but let us also remember our own dying and rising with him.

 

Let us ponder upon two questions for today:

 

  1. Do I have true sorrow for my sins?

 

Akin bang nararamdaman ang taus-pusong pagsisisi sa aking mga kasalanan? Ngunit hindi lamang iyan – ang pagsisisi ay hindi lamang iyong makaramdam ng kalungkutan, pananangis at pagtanggap ng parusa sa mga kasalanang nagawa ngunit ang pagbabagong-isip.

 

Ang tunay na pagsisisi ay yaong may kasamang paggawa ng  mabuti (Luke 3:8). Samakatuwid, kung ako’y magdarasal, hihingi ng tawad sa Dios, ako ay tunay na nagsisisi kung ang aral ni Hesus ay akin ng isinasabuhay. It is impossible to change if the person cannot and will not change. Change will come if you change. Imposible ang tunay na pagsisisi kung walang bungang pagbabago sa ugali.

 

  1. Am I willing to carry my own cross?

 

May story ako na naalala ko pa mula sa aking auntie na aking guro noong high school. Sabi niya, one day, a man complained to Christ dahil masyadong mabigat ang krus na kanyang dala. Then dinala siya ni Hesus sa isang lugar na puno ng krus. sabi ni Hesus, pili ka ng krus mo dyan.

 

So, ibinaba nya yong kanyang krus at nagsimula siyang umikot. He saw a very small cross, binuhat niya, then sabi niya: ang gaan naman. So ibinaba niya at naghanap ulit. May nakita siyang malaking krus, binuhat niya, ngunit sabi – sobrang bigat naman!

 

So, hanap siya ng hanap ng krus na babagay sa kanya. Naikot niya ang buong lugar ngunit wala siyang mahanap na krus na sakto lamang sa kanya.

 

Then, all of a sudden, in a corner, may nakita isang krus, hindi masyadong Malaki, hindi rin masyadong maliit. He carried it, not so heavy, not too light. Kaya sabi niya kay Hesus, “yes, Jesus, ito na ang napili kong krus!”

 

Jesus laughed at him. Sabi ni Hesus, that’s the same cross you complained about!

 

Brothers and sisters, while we ponder on the sufferings of Christ, let us also be mindful to accept our own sufferings, knowing that God never gives us trials beyond our capacity. (1 Corinthians 10:13). His grace is always enough for us.

 

Have a meaningful and prayerful holy week po.

 

This is Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD. Witness to the Word.