jump to navigation

FIESTA SA OLUTANGA November 6, 2010

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Pastoral, Subanipa Diaries.
Tags: ,
trackback

 

Hataw, Baby, Hataw!

Nito lang nakaraang buwan, ako ay naimbitahan ng aking kasamang pari sa kanilang town and parochial fiesta. Dito kasi sa Olutanga Island, dalawa lang ang parokya kaya pinaghandaan ko talaga ang araw ng kapistahan. Umaga pa lang, di na ako nag-agahan (ahem, naiisip nyo ba ang naiisip ko?).  Sabi ko kasi, maaga pa naman.

Ganda sa Mata!

Pagkatapos ng banal na misa, nag-aanounce si pader na mag-me-meeting daw ang committee ng street dancing together with the judges ng Placeres Festival. Nagulat na lang ako dahil bigla na lang niya akong tinawag at ako pala ay kasama doon sa mga magiging hurado (sample! sample! sample!).

Wowowowowowow!!!

At ang nakakatuwa doon — ako pa ang chairman of the board of judges! Hahahahahaha. Na-goodtime ako ng kapatid kong pari. Hayyyy…

Go, Go, San Miguel!

First time kong mag-judge ng ganitong contest kaya na-excite din naman ako, hehe. Madami ng mga contests kung saan ako ay hurado ngunit ito yata ang pinaka-nahirapan ako. Walang maitulak-kabigin sa mga entries. Lahat magagaling, lahat gustong manalo.

Great One!

Gusto ko ang history ng kanilang festival. Ito ay kanilang pagbabalik tanaw sa reconciliation na naganap between Muslims and Christians noong later part ng 1970s.  Sa festival na ito, sama-sama ang mga Muslim, mga Kristiyano at ang mga indigenous peoples ng Olutanga na mga Subanens para ipakitang namamayani ang kapayapaan sa bahaging ito ng mundo.

Pagkain!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

At pagkatapos kong maghurado, saan pa ba ako pupunta???? Eh di sa mesa. Ang daming pagkain, yahooo! Kasama ko si Fr. Joseph. Nabusog ako sa handa niya. Kaya naisipan kong gumawa ng fan sign na may happy birtday. Para yan sa mga ka-fb ko. Kung may birthday, ita-tag ko na lang sa kanila ang picture ko na yan. Hehe, ok ba? Dahil pagkain ang last picture, let me end my blog post with a prayer…

Bless us o Lord

and these your gifts

Which we are about to receive

From your bounty

Through Christ our Lord.

Amen.

 

Comments»

1. pruelpo - November 6, 2010

Magaling po ang kuwento n’yo Fads. Napaka colorful pala jan kapag fiesta. Suwerti po kayong dalawang paring naka assigned diyan – mahal ng mga taga riyan.

Ang daming handa po. Nakakagutom tingnan! Sino naman po ang nanalo? Salamat po sa sharing!!!Ingat lagi po kayo jan.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

ang nanalo yang sa second picture. sila ang xavier high school — administered by the dominican sisters.

ang pagkain naman ay talagang nakakatakam! solb na solb ako. hehe

2. Susan D. Fiel - November 6, 2010

Father, sadyang me kahirapan mag judge sa mga contest na tulad nyan kasi nakita mo kung gaano nila pinaghirapan ang kanilang mga presentation. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko na ang mag judge ng mga ganyang contest kaysa maging judge ng hukuman. Ayaw kong ma stretch sabi nga ni Tia Lourd.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

right, lahat talaga gusto manalo, kaya hirap na hirap magjudge ng mga ito, lalo pat may mga winning records sa ibang festivals ang mga entries. but in the end, there should only be one winner. pero masaya po talaga magjudge ng mga ganito, enjoy ka na, libre snacks and freebies pa. hehe.

3. Arnie - November 6, 2010

nakakaenganyong panuurin ang mga ganyang paligsahan na talaga namang pinaghandaan ng bawat grupo…sino po ang nanalo padz??hehehehe

at isa talaga sa masayang parte ng kapistahan ang kainan…hohoho talaga nmang nagenjoy po kau sa mga handa…🙂

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

right — ang dalawang pinakaaabangan sa fiesta ay ang mga presentations at ang mga pagkain. hehe

ang nanalo ang second picture. sila ay galing sa xavier high school.

4. athena - November 6, 2010

ang ganda nmn po ng fiesta jan.. namiss ko tuloy yung sa amin.. sa Bacolod…amn Masskara…

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

bacolod!!! di pa ako nakapunta dyan…wish ko sana makapunta diyan..

5. p0kw4ng - November 6, 2010

gusto ko yang mga ganyang fiesta! parang ang saya saya!

padre sarap..kain nanaman kayo!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

yes, kainan na naman mommy poks! sa mindoro marami ring mga ganito. magaganda ang mga festivities at engrande din lagi sa mga pagkain. hehe.

6. YanaH - November 6, 2010

handameeeeeeng food…nakakgutom hehehe

sa mga ganyang kompetisyon, lumalabas ang pagkamalikhain at pagiging talentado ng mga Pilipino.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

grabe, totoo yan yanah! super creative talaga ng mga pinoy. very resourceful pa! proud to be pinoy!

7. bonistation - November 6, 2010

ang saya ng fiesta!!
di mo binanggit kung nag sample ka nga!!

sampol sampol sampol!!!!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

hahahaha, buti na lang walang sumigaw ng sample, sample. hehehe.

8. superlolongpinoy - November 6, 2010

Iba po talaga ang mga Pinoy kung magkaisa lalo na sa mga kasayahan Father.

Ang ganda naman po ng mensahe ng festival…”pagbabalik tanaw sa reconciliation na naganap between Muslims and Christians”.

At tunay na naging exciting lalo sa inyo dahil kayo ang Father Judge nung araw na iyan. Salamat po sa pag-share ng kaganapan na ito.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

yap, nakakatuwa po ang mensahe ng kanilang festival dito. while in many parts of the world ay may maraming awayang nangyayari between christians and muslims, dito naman sa olutanga — muslims, christians and indigenous peoples celebrate their reconcilitation.

9. Nortehanon - November 9, 2010

“Sa festival na ito, sama-sama ang mga Muslim, mga Kristiyano at ang mga indigenous peoples ng Olutanga na mga Subanens para ipakitang namamayani ang kapayapaan sa bahaging ito ng mundo.”>>>Sobrang natuwa po ako dito, Father.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

apir tayo diyan. ako man bilang judge ay sobrang touched din. world peace starts here.

10. fiel-kun - November 10, 2010

Magandang Hapon po Father Felmar🙂

Naku, I’m sure po you had a grand time judging the event. Sino pong team ang nanalo?

Ang ganda talaga ng mga ganitong Festival sa Pinas ^^

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 11, 2010

look at the second photo. yan ang group na nanalo. i had fun judging. galing ng mga participants.

11. coolwaterworks - November 16, 2010

Ang galing naman ng intent ng festival na ito – to keep themselves reminded of the essence of peace…

At mahirap talaga magjudge Pads kahit sa anong contest lalo na kung makikita mo yung determination ng mga contestants…

Di bale, bawi naman sa kainan pagkatapos…🙂

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 19, 2010

hehe, yan ang maganda pag magjudge — may free snacks na, may kainan pa — at may freebies pa. hehe.

12. Yvar - November 17, 2010

wow! niceness! natutuwa ako kapag nakakita ako ng magandang mga field presentation… reminds me of highschool life… na nagp prepare sa field presentation… yung tipo bang alang subject na iniintindi… yun nga lang.. ang init ng sikat ng araw…

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 19, 2010

hehehe yvar noong ako ay nasa high school, ayaw na ayaw ko sa init ng araw kaya para di maka-attend sa mga ROTC o CAT, nagjoin ako ng drum and bugle corps. Kaming mga taga banda doon sa mga shade, habang ang mga ROTC/CAT naman ay binibilad sa sikat ng araw.

13. Allen - November 18, 2010

Fr Fiel!!!! im back! hahaha.

naaalala ko tong mga street dance na ganito pag fiesta samin. probinsyang probinsya talaga. hahaha.

wala bang video? hahaha.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - November 19, 2010

yahoooo!!! group hug!!! hows keneda?

walang video kasi kakangawit humawak ng video sabay judge. hehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: