Natuwa ako sa kwento ng isang kaibigan kong nurse na OFW. Nakapag-asawa siya ng isa ring nurse na Pinoy sa America. Habang lumalaki ang kanilang dalawang mga anak, kanilang napagtanto na mas maganda sigurong magbakasyon sila sa Pilipinas para makita at maranasan din ng kanilang mga anak ang buhay-Pinoy sa Pilipinas.
Umuwi sila ng Zamboanga. Pagdating nila ng probinsya, laking gulat ng kanilang mga anak noong makita ang mga bata sa paaralan na papalabas na para magsiuwian.
“Oh my God Mom! These children are not safe!” Sambit ng kanyang isang 7 years old na anak.
“Why?” Laking taka ni Nora, kaibigan ko.
“Mom, where are their parents? Why is it that no parents come to bring them home? Oh my God, Mom! They are not really safe!” Inosenteng sambit ng bata. “What if a lion or a tiger comes to attack them? Oh my God!” Patuloy nito.
Natawa si Nora. Oo nga pala. Sa America, sinusundo ang mga bata sa school. Sa probinsiya sa Pilipinas, naglalakad ang mga bata pauwi. Walang sundo. Walang yaya, walang mga ina o ama na naghihintay sa labas ng school para sa oras ng uwian.
Napahalakhak si Nora. Napaka-ignorante ng anak ko sa kultura ng Pilipinas, sambit niya sa isip. “Anak,” paliwanag niya, “iba dito sa Pilipinas. Independent na pumupunta ang mga bata sa school. Tsaka, walang tiger o lion na umaatake dito. Dati nga noong nasa elementary pa ako, pag may nakikita kaming asong ulol, hinahabol pa namin at pinagbabato. Kung naabutan kami ng ulan sa daan, ginagawa naming payong ang mga dahon ng saging.” Pagmamayabang at paliwanag ng ina.
“Oh my God!” Lalo pang nanlaki ng mata ng kanyang anak. “Talaga Mom?” Sambit ng anak nito in American twang.
Habang pinapakinggan ko ang kwento ng aking kaibigang OFW tungkol sa kanyang anak na tubong Amerika, lalo akong napahanga sa mga pamilyang Pilipino na nagagawa pa ring umuwi ng Pilipinas para iparanas sa kanilang mga anak ang kanilang pagiging Pilipino. Isa itong kahanga-hangang desisyon upang lalo pang tumibay, lumalim at lumawak ang kaalaman ng kanilang mga anak tungkol sa kulturang Pinoy at pagiging Pilipino.
“So, kailan kayo muling magbabakasyon ng Pilipinas?” Tanong ko sa aking kaibigang si Nora.
“At least once in two years!” Sambit niya.
OO nga pala, pangalawang taon na simula noong nagkita kami ng kaibigan ko. Ngayong December uuwi na naman ang pamilyang OFW. Excited ako, dahil magkikita na naman kami ng kaibigan ko. Ngunit mas excited ako sa kanyang dalawang anak. Uuwi na naman sila sa bayan ng mga magulang nila.
“Tito Father! Don’t tell ‘bayan ng mga magulang ko’.” Paglilinaw ng anak ni Nora noong nakausap ko sa phone. “Ang bayan ng magulang ko ay bayan ko rin. So, bayan natin,” pagtutuwid niya.
Oo nga pala. Bayan natin.
Ang simpleng karanasang ito ay nakakapagpangiti sa akin kapag aking naaalala. “Ang bayan ng magulang ko ay bayan ko rin.”
Ang blog post na ito ay simbolo ng aking pakikiisa sa taunang Pinoy Expats / OFW Blog Awards. “Pagtibayin ang Pamilyang OFW: Mas Matibay na Tahanan Para sa Mas Matibay na Bayan”.
“Talaga Mom?” Sambit ng anak nito in American twang.”
-I can really imagine… kung paano niya sinasabi yung mga words na yun.. wehehehe.. am i base?… 😀 hahaha!!!
sayang alang kontes, pero base tong kontes entry mo… fads, simple.. pero me kagat.
yezzzz. base ka mineas! magandang gabi sa u.
nakakatuwa na malaman at maramdaman sa bibig ng mga batang pinapanganak sa ibang bansa ng kanilang mga magulang na ofw yung pag papahalaga sa pagiging filipino nila.
sana lahat ng pinoy,maging proud dahil sa kwentong ito.
magandang gabi,father!
salamat sa komento duking. natutuwa ako at mas nagiging proud sa mga pinoys na taas noo sa pagiging pilipino.
Ang ganda ng inyong kuwento Father. Salamat.
Sa maiikling taon ko dito sa bayan ni Ankel Sam ay tunay po lahat ang inyong sinabi. Katulad ko ay ipinagmamalaki ko ang aking pinagmulan, sa puso at isipan. At katulad ni Nora…balang araw ay ganyan din ang naisin kong maipakita at maiparamdam sa aking mga apo. Kahit anong mangyari ay ang tunay kung bayan ay ang aking sinilangan.
Hayyy…napa miss tuloy din ako sa Pinas. Nais ko ring magkuwento ng aking mga nakikita sa mga Fil-Am dito na nagpapahayag ng tunay pa rin na Pinoy.
Ingat po lagi & God Bless!
noong nakausap ko po si nora, napaisip po ako sa malaking kaibahan ng kultura/set-up/sitwasyon ng mga fil-ams sa mga tubong pinas talaga. wala pa akong nakitang libro na nagsasalaysay sa karanasan ng mga magulang tungkol sa kanilang mga anak na sa amerika na nakatira. it seems very interesting na malaman kung ano ung mga peculiarities ng kultura ng amerika na strange/medyo weird na pagdating dito sa pinas, and vice-versa.
nice post Father at may matotohan tayo. sabi nga po sa awitin “babalik ka rin”. masarap maging pinoy…
amen to that! so, kailan po ang balik nyo, hehe.
ang balik ko after 18 mos. last vac ko noong may – habang pinagmamasdan ko ang aking mga anak pakiramdam ko kinukurot ang puso ko, panghihinayang sa mga mga taon na lumaki sila na wala ako sa loob ng almost 17 yrs – kaya lang no choice ako, kaya ito ang dahilan kung bakit sinikap kong matotohan ang ibang trend ng pagkakakitaan, just in case man at ako’y magpahinga na sa pagiging OFW, at least may mapaglilibangan ako.
bilib talaga ako sa pagiging resourceful nyo po. you are very selfless. i believe yan talaga ang laging nasa isip ng mga dakilang ama.
mas masarap pa din nag buhay sa pinas kahit na sabihin pang mahirap ang buhay…mas gusto ko pa din ang kulturang kinalakihan at ang pagpapalaki ng mga magulang….
proud pinay..proud mangyan! hihihi
yahoo! nagbalik na si mommy poks!wazzup po!
Ahahaha, telegeng sowmalih pe keyoh sa kantes.
Ang bayan nila ay bayan ko rin.
Tama na ito. Sapat na ito.
Good luck Padre.
God bless din sa u jk. dahil sa u, nakita ko ang peba.
Nakakalungkot lang isipin na minsan, ibang lahi pa ang nagmamahal sa Pilipinas samantalang, wala namang bayad para kusang mahalin ang ating bansa.
para lamang itong kasintahan, sinasamba, inaalayan ng wagas na pag-ibig…tayo pa kaya..samantalang sila.
O bakit mas emo ang koment ko kesa sa post mo? Ahahaha
it is heartwarming to see other nationalities expressing their love for our country and appreciation for our fellow filipinos.
hehe, isa kang makata jk.
Di maitatago ang aking kasiyahan sa iniwang pangungusap ng iyong panulat na “Ang bayan ng magulang ko ay bayan ko rin.” Nawa’y ang mga salitang ito ay mamutawi sa labi ng bawa’t mamamayang Pilipino at buong pagmamalaki nating maibahagi ang mga ito sa ating pamilya sa susunod na salinlahi ang magandang kultura ng ating bansa kung saan ang tunay na pagmamahalan at pananampalataya sa Diyos, sa Bayan at kapwa ay nagsisimula sa loob ng tahanan na tinatawag nating Pamilya.
Salamat sa iyong supporta at paglahok bilang Nominado ng PEBA 2010. Nawa’y ang iyong mga panulat ay magbigay daan sa pagmamahalan at kapayapaan ng bawa’t pamilyang OFW at nakararaming Pilipino.
maraming Salamat po “Papa” sa iyong comment. pumunta rin po ako sa blog nyo at labis akong humanga sa iyong mga sulat — malalim, may kurot sa puso…waring nagsasabi sa aking ang may-akda ay isang napakabuting tao. Your blog is a holy ground. God bless+
Magandang hapon po Father Felmar ^^
Naimbitahan di po pala kayong magsulat para sa Pinoy Expats 🙂 Natuwa ako dun sa kuwento nyo about sa anak ni Nora, na baka daw atakihin ng tiger yung mga batang galing school. Mukha bang jungle ang lugar nyo jan? :XD
anyways, dapat lang na maranasan at malaman ng mga anak ng mga Pinoy na naninirahan sa ibang bansa ang tungkol sa kultura nating mga Pinoy. Dahil sa puso at isipan, isa silang Pilipino. May dugong Pinoy!
hahaha, hindi naman jungle itong lugar dito pero parang sa tingin ko masyadong na-culture shock ung anak ni nora kasi sa amerika hatid-sundo ang mga nasa school. hehe, ito pa, naweirdohan din ung bata kasi ang tawag daw natin dito sa pinas ng pancake ay hotcake. paano daw pag di na hot? hotcake pa rin ba? lol.
done.. 🙂
🙂
bukas na ako magbasa ng FIL AM hehehe antok na ako hehee
by this time, i hope nabasa mo na pareng leo.
yap!! 🙂 marami pa rin pinoy ang mas gusto ang pamumuhay dito sa pinas… at pinipilit ang magbakasyon kahit 1s a month… gaya nlng ng isang friend ko na nakapangasawa ng isang autraliano at dun na nanirahan… at naiyak nlng sya bigla ng gawan ko sya ng video dahil namiss nya sobra ang pinas
http://www.facebook.com/profile.php?id=100000129736623&v=app_2392950137#!/video/video.php?v=162562143758109
ung video na HOME!!! naiyak ang lola mo
ow, may mga pinsan din ako sa australia. at noong nagpunta sila ng pinas, pinainom namin sila ng buco juice. hehe.
hi there fads! (first time here)
naniniwala ako na sa mga magulang nagsisimula ang nasyonalismo.
nakakahanga talaga ang kaibigan mo dahil sa pagpapakilala niya sa kanyang mga anak kung gaano kaganda ang lahi nating mga Pilipino.
right, nationalism also begins at home. God bless you gesmund and welcome to my blog+
Bilang isang Filipino kailangan parin natin na ipaalam sa manga kabataan ang kulturanag Filipino kahit tayoy nanirahan sa ibang bansa dahil yan ay yaman din natin….and keep up your good deeds Father…….
well said virgie. God bless you+
oo kahanga-hanga talaga yang mga magulang at mga anak na marunong lumingon sa pinanggalingan
love it.. gusto ko yung kwento. may kilala rin akong gnun na mga OFW. they see to it na makikilala din ng mga anak nila kung saan sila galing at pinagmamalaki ng buong puso. at tinuturo din nila ito sa knila…. keep it up…
thumbs up…
thanks rose! kahanga-hanga nga ang ating mga ofws na kahit nasa malayong bansa ay nagawa pa rin nilang ibahagi sa kanilang mga anak ang kanilang humble beginnings at ang kagandahan ng ating bansa.
Fr. done voting napo! Good Luck seo at sa lahat! 🙂
wow! thanks sa u miss pd.
welcome po! 🙂
nice post Father…
thanks xander…
Father, good morning. tiyak pasok po kayo sa top ten. this morning nakuha mong votes so far ay 122 = 8%. Ang kalaban mo ay 19%, 10% at 8%.
Ang votes na iyon ay madadagdagan pa. Congrats!
kung makakapasok po ako sa top ten, masaya na po ako. minomonitor ko rin po ang estado ng botohan.
Father surprise ko ito sa iyo…visit the link:
http://pruelpo.wordpress.com/2010/10/24/father-felmar-castrodes-fiel-ofw-supporter-number-14/
Wag po magalit ha at ako’y naghanap ng mga info about you…
hahahaha. nakupo, salamat po sa blog post na ito. natuwa po ako. sobra.
salamat naman po Fads – ang buksan ang puso mo para sa aming mga OFWs ay kahanga-hanga po. Kudos to you!
Amen to that! Toast sa ating mga bayani — ang mga OFWs!
Hi Father Felmar, i am so blessed having you who serves GOD wholeheartedly nd unconditionally. Thank you so much for remembering and praying for all of us as OFW in the whole world…
Hi Jean! Persons are gifts. nice meeting you! Greetings from olutanga! Let us always pray for each other. God bless+
A nice true story that is very inspiring. After reading the story a thought came into my mind…WE SHOULD ALWAYS BE PROUD TO BE FILIPINO WHEREVER WE MAY BE….THE CULTURE AND BELIEFS THAT WE HAVE MUST ALWAYS BE IN OUR HEARTS….WETHER WE HAVE CHILDREN OR NONE WE HAVE TO PASS ON THE ROOT OF BEING A FILIPINO…MAY IBA TAO NA KAPAG NAKARATING NASA IBANG BANSA THEY WANT TO ADOPT THE LIFE STYLE KUNG ANU MAN MERON ANG BANSA….BUT NO MATTER WHAT THEY DO, THE MIND,THE SOUL AND THE HEART AY PINOY PA DIN…..NUMBER ONE TALAGA NG PINOY!!!MORE BLESSINGS TO YOU FATHER…..
well said jean. we can always take the filipinos out of the philippines, but we cannot the philippines out of the filipinos. proud to be pinoy! toast to the ofw family!
A very inspiring true story from a family with children whom you know that the parents had already inculcated the culture, values and beliefs of a TRUE FILIPINO…..OTHER COUNTRIES ARE SO PROUD OF US…..SO THERE’S NO ROOM NOT TO BE PROUD TO BE FILIPINO.PARENTS ARE THE FIRST TEACHER TO THEIR CHILDREN…GOD BLESS YOU FATHER AND THANK YOU FOR INSPIRING US…
right, ika nga charity begins at home. in the same way, pinoy values start in the family too.
Hi Father Felmar, am so blessed having you who serves the LORD unconditionally…Thank you for remembering and praying for us all OFW in the whole world…
nakup, nadoble comment ka jean…
Wohoo! nice nice a fellow davaoenyo for PEBA… it just shows how we greatly support PEBA’s ideals and support towards OFWs… everyone’s a winner kaya congrats sa iyo!
hehe, congrats din sa yo. mabuhay ang mga taga davao!
like ur post father!
just read ur profile.. nagserve ka rin pala sa Parish namin sa san isidro.=)
God bless!
hello anjie! maraming san isidrong simbahan na ang aking napuntahan. saang san isidro ang tinutukoy mo?
Hi Father Fiel,
Good luck sa entry mo na ito. And thank you po sa pagsuporta sa simulain ng PEBA.
Magandang gabi po.
thank you rin po. i believe in the mission and vision of peba kaya all out support tayo diyan. go, go peba!
It’s nice to know that there is a human being existing in this world who really suuport and willing to help people to lead them towards the goodness of the LORD. Good deeds never last keep it up!
thank you czarina…God bless+
Nakakatouch naman ang kwento mo father, sana lahat ng Pinoy ay proud sa kanilang kinagisnan, at sana maibahagi din nila ang kanilang buhay sa kanilang mga anak na lumalaki sa abroad, kasi ang dati at ngayon ay subrang layo ang kaibahan, dati ning nag aaral ako wala din akong Nanay na nag antay sa akin sa labas ng paaralan, akoy naglalakad ng mahigit kumulang na 5km, galing bahay papuntang paaralan, paminsan ay kapag umuulan ay dahon ng saging ang nagiging payong. Talagang nakakarelate din ako sa Ina ng OFW na friend mo Fr. Naranasan ko kasi ang naranasan din Nya dati Kay aprob na aprob ako sa kwento mo. Balang araw kapag ako ay magkakapamilya dito man sa abroad or dyan sa ating bayan, ipagmamalaki ko sa magiging mga anak ko Kung anu ang mga karanasan ko sa buhay at yung hirap na syang nagtutulak para abotin ang akong mga pangarap. God Bless To All!….
5 km? ang layu-layo naman! ung sa amin dati sa davao, mga 2 km lang. pero minsan pag may mga kakilala kami ng mga jeepney drivers, hinihintuan kami at pinapasakay ng libre. as i looked back on that same experience, i could not help but be very grateful sa mga drivers na nagpapasakay sa amin, hehe.
Nindot kaayo basahon ang estorya sa imong higala Padre, apan ang pagka inosente sa anak sa imong higala sakto usab kon kini tan-awon sa antipara sa human rights. Ang mga eskwelahan sa Pilipinas kulang og kagamitan para makab-ot ang kalidad nga edukasyon, ug ang distansya sa eskwelahan og sa mga pinuy-anan sa mga bata dili gyod safe ug naa ang risky tungod kay layo kini ilabina sa mga rural areas. Dili lang siya tan-awa kon aduna ba kini tiger o lion, but lion and tiger sa Pilipinas lahi ang porma nga maoy maghatag og risky sa kinabuhi sa mga bata. Hinaot nga ang atong gobyerno seryoso nga motan-aw alang sa best interest of the child ilabina diha sa education system, facilities and structure.
Salamat.
well said jud kaayo. tama ka, ang distansya sa eskwelahan ug sa balay usahay layo kaayo nga sa pagpadulong didto naay mga posible nga mga kakulian nga mahitabo.
ako kauban nimo sa pag-ampo nga ang atong goberno moseryoso jud sa paghatag sa atong mga kabatan-unan ug maayong venue para sa edukasyon.
wow, nice story fr., naalala ko tuloy ang mga pamangkin kong di marunong magtagalog. hays. pero kahit papaano, madalas pa din naman sila umuwi dito at proud naman sila na maging Pilipino.
good luck sa entry mo fr. good luck sa lahat ng nominees. manalo-matalo, iisa lang ang panalo sa puso ng pinoy, ang mga bagong bayani ng bayan, ang mga OFW.
right bm! ganda ng pagkasabi mo! winner ang ating mga OFW! God bless din sa entry mo.
Congratulations! Well done…
thank you reymos! God bless+
CONGRATULATIONS! for winning the 2010 PEBA.
I really don’t know how I got there but I’d like to say a big thank you to all of you that voted – it wasn’t so much about the title or the trophy, but the amazing community here that took the time to vote for me.
thanks! congratulations din sa u ghill!
congrats po. ^^ I can imagine ang mga pamangkin kong galing canada nung umuwi sila tuwang-tuwa sila kasi kahit hindi sila nakakapagtagalog mashado, they can understand it. Tapos first time nung isa na mag b-day sa Pilipinas. 10 years na ring hindi nakakauwi ang isa kong pinsan kaya tuwang-tuwa sila. I am glad na kahit nasa Canada sila hindi sila nakakalimot na ituro sa mga anak nila ang mga values na Pinoy na Pinoy. ^^
welcome po. i also have relatives in canada pero di ko pa sila nami-meet. i hope to meet them someday…
di ko po ma-access ang blog nyo. mali po ba ang link….?
never akong nag-comment sa mga blogs na nababasa ko pero natigilan ako sa post na ito. a far cry don sa mga batang lumaki sa ibang bansa na napaka-arogante.
nakakalungkot talaga.
i love that kid.
Good day! We are UGAT Foundation, Inc. and we would like to introduce you to our new project which is the UGAT Sandaline. This project aims to provide our OFWs online counseling if ever they feel the need of professional help. With the help of our counselors, we are offering our OFWs legit counseling sessions.
Kindly spread the word to our fellow Filipinos – OFWs, their families and children – who are in need of professional help. We offer online counseling (web chat, video chat or through email). Soon, we will also offer phone counseling.
How to reach us:
Twitter: twitter.com/ugatsandaline
Facebook: facebook.com/ugat.sandaline
Yahoo! Mail: ugatsandaline@yahoo.com.ph
Skype ID: ugatsandaline
Just email, tweet, send us a message on Facebook or add us on Skype and we will provide you online counseling instantly.
Thank you! Together, let’s make a difference!