DORMBOY AND I

ITO'Y IYONG IYO NA!

Grace and Peace sa inyong lahat!

Last January, nagkausap kami ni Dormboy. Nagkwento siya sa akin na ang saya siguro kung ang mga bloggers ay magkakasama para gumawa ng isang proyekto. Ang tinutukoy niya ay isang libro. Isang libro na pagtutulungan ng mga bloggers (preferably 40 bloggers siguro). Yes, a book na ala-Youngblood na galing mismo sa mga bloggers. Kasi naman sa kaba-bloghop ni Dormboy, eh, ang mga nabisita niya ay “ang gaganda ng mga paksa at  kwentong talaga namang me sense…

Napangiti ako. Kasi hapang nag-bukas ako ng email message niya, yon din ang nasa isip ko.

Kailan ko ba unang naisip yon? Ah, noong binisita ko si Dencios sa Dubai. Noong nabasa ko ang kanyang Dear God, aba, nasabi ko sa sarili ko, ang ganda nito ah! Pwedeng-pwede kong imemorize at gamitin sa homily! Sayang kung mananatili lang ito sa blog niya. Dapat mailagay ito sa isang book.

Narealize ko rin na sa pamamagitan ng blogging, ang daming mga simple experiences natin na nabibigyan ng lalim. Minsan sa galaxy ni Ax, nagno-nosebleed ako noon, pero when he talked about his bicycle experience, napa-wow ako! Simple pero may dating! Magandang ilagay sa inspirational section ng devotional book.

Sa aking pangangapitbahay, maraming beses na rin akong naantig at naaliw sa iba’t ibang kwento ng mga bloggers. Ah, si Mais! Sinubaybayan ko yon. Inalay niya ang kanyang buhay para sa lahat…Teka, malapit na pala ang kwaresma. Tamang-tama!

We both hope na kung ma-materialize, we will donate it for charity.

Ito ang punchline: Hindi namin kaya ni Dormboy ang project na kami lang dalawa. Sino ba sa inyo ang gustong makibahagi sa libro project na ito? (Si Miss Pinkie nag-express na!)

Ano ba ang pinakamaganda/pinakamakwela/pinaka-inspirational na post na nagawa mo, na sa tingin mo pwede natin itapat sa Youngblood? Lagay mo lang ang link sa comment section.

Lab yo sa inyong lahat! God bless+

PARA SA MANANALO SA TAG BASE

Advertisements

210 thoughts on “DORMBOY AND I

  1. haha! oks lang ax, basta happy lahat yey!!! ang ganda ng shirt!!! wala naman akong post na inspiring lol, sana one of these days makapagpost ako ng isa…miss ko na kayo fads, have a great day ahead & God bless.

  2. yung bicycle experience, okay yun. hehe, i mean pinasa ko siya sa isang international magazine.. nakalagay naman na sa akin pa rin ang copyright pag more than 300 words. haha, assuming ako, hindi pa naman nila pina published. haha.

    actually, yung bicycle, published na rin siya sa newsletter ng company namin, pati yung wander to the moon, eh napublished na rin sa newsletter namin. hehe.

    i hope mapublished yung bicycle sa father’s month this year.

  3. Sama rin po ako sa magandang project ninyong ito Father.

    Congrats sa mga basers…Taribong, Ax, Jason, Tsiremo at Kurog.

    Napa-idlip lang ako sandali…ayun ang bilis ng mga kalaro…Yehey… ayos ang saya ulit na laro….pero mas masaya yung balak na project ni Dormboy at ni Father.

  4. ahahha, fr. kasi nabida din sakin yun ni DB,na gustu nga daw nya magkaroon ng libro ang mga blogger, and i think na mgandang idea nga yun, kaya as i remember i texted you?! hehehhe.. Then lastweek nagkausap ulit kami ni DB,sabi nya mukhang malabo na plan nya,kasi parang busy mga blogger,so ayun… we hope so.. hehhehe 🙂

  5. ang ganda ngang proyekto nito. Ako gusto kong sumali. Irereview ko fads ang mga blog posts ko pero malamang tungkol sa buhay magasawa, bilang nanay o basta tungkol sa pamilya.

  6. Nabasa ko na po… Gusto ko sana kaso di naman ako magaling magsulat… Nilalait lang at ginagawang katatawanan lang ang mga sulat ko.. Ehehe…

    ~Anong iginanda ng t-shirt na yan? Ampangit kaya! Wahaha

  7. waah T_T

    ambibilis talaga ng mga fans mu father huhuhu *sniff* no chance pa rin akong maka base lol.

    nice project~ hmm, wala yata akong magandang post na maaaring ilagay jan sa book >_<

  8. Pang 328th base…,

    Sasali ako sa libro…,

    hindi bilang si Yvar…,

    Esmina…,

    o si Ravy…,

    o si Animsè…,

    kundi si Ibarra…,

    yung walang maskara…,

  9. maganda sana kung papasok ang apat na maskara..,

    kaso kung 40 bloggers lang…,

    parang sinabi ko na rin na isusulat ko ang ten percent ng libro?…

    haiz… bahala na nga lang…

    father… daan po kayo sa site ko…, hehe…,

    yvarro…

  10. Hi Father naku late na naman ako! Hirap pag mas advance ng 5 oras sa pinas kesa dito sa Qatar. hahaha. 😉

    Sana po matuloy ang proyekto nyo. Maganda yan! 🙂 thumbs up!

  11. wow, nice..ala youngblood. sinubaybayan ko ang youngblood sa PDI at bumili ng 3 books nito and i super love reading the articles..ang dami ngang blogs na magaganda sa blogosphere. i support this project..kung may maitutulong po, just let me know..such as yung contacts ng publishing houses or for sponsors. 🙂

  12. hindi ko ito kinaya father! ilang bese mo na ko na i link dito sa blog mo haha. salamat sa pag appreciate ng aking dasal. 😀

    sana matuloy iyan at magandang aghikain. sana kapag nabili ay may porsyento sa mga batang mahihirap. nako! bibili talaga ako ng madami nyan!

  13. whoa ang ganda ng t-shirt no wonder ang haba ng pila ng comments… sana may magtag naman sa akin… nyhahahaha 😆

    anyway magandang idea yan… supportahan ko yan!

  14. ang all time favorite na touching talaga eh yung mga kwento ni diego jose. lalo na yung tungkol sa cucumber…naiyak ako talaga. na-inspire ako talaga run kaya ginawa ko tong mga video na ito…

  15. hafi balentyms father. aba, magandang idea yan ah. cge chuport naten yan. ang daming magaleng na bloggers tlg and sna marameng sumali..tpos pag natapos na bibili ako nyan for sure!!

  16. Maybe I don’t need to win the shirt, kasi po taga zamboanga ang province ko. 🙂 nakakainspired nga po yung mga contribution nila.. Nakakatuwa lang tignan na, marami pa din sa atin ang positive ang outlook sa buhay 🙂

  17. Ang haba ng koments, hindi ko na tuloy alam ang topic at binasa ko uli ang blog hahaha (sorry naman windang pa din)

    Libro? Sana makasali po ako. Hahanap ako ng topic na hindi masyadong bastos. 🙂

  18. aha!!! eto pala ang t-shirt na premyo mo ha 🙂
    eto ba ang t-shirt na suot mo nuong nag EB tayo sa christ the king seminary?..pero ndi ko napansin ang print ng zamboanga 🙂

  19. Hi Fr. Fiel, now lang ako magcocomment, mabagal po kasi connection ko kagabi. I am glad at finally nasabihan na po ang mga blogger friends natin. Nakakatuwang isipin napakapositive ng response para sa project NATING lahat!

    I guess with all the bloggers na willing tumulong para sa libro pwede na tayong pumunta sa next step ng planning. Hope we could discuss all the matters this February.

    Sa lahat ng blogger friends natin, please also inform also other bloggers na gustong sumali. Good luck to all of us!!! Gogogo!

    • i like the emphasis of NATING. salamat diyan db.

      si bipolarsisa nagvolunteer na. kailangan natin ang help niya. hehe.

      (napapaisip ako, dapat siguro mang-encourage na rin tayo ng mga positive blogging — yung hindi lang laging personal outbursts ang sinusulat o kung anu-anung ka-emohan. ung inspiring posts na makakatulong sa iba para lalong maging positive ang buhay, di ba db?)

  20. wow naman mukhang di na mapipigilan to , bigla tuloy ako napaisip nang maganda at inspirational na entry…susuporta ako para dyan….wala pa ako magandang entry eh so far kakastart ko plang kse eh ahm but i’ll try to constract a good one, one of these days……how about 40 days?

    God will leads us ….i know He will support this worthful piece….
    this is for good… God is good….Amen!

  21. Wow! Astig! I’ve been thinking about Youngblood too. 😀 Haha! Nakita ko kasi siya sa bookstore last week tapos I thought about buying it. Haha. Ang ganda po ng idea! Kaya lang walang mga kwenta yung mga posts ko eh. Hehe. I hope I can contribute to this awesome awesome project. *A*

  22. support po ako dyan sa project na yan pads!! ayos ang ganda ng idea!! wohooo na excite ako! hahaha!

    ang ganda nung project atleast may magiging kabuluhan ang ating pag ab blog!

    bloggersss!! UNITE!!

  23. susko,napakadami naman pong kumento sa iyong blog! sikat kapo ba?!

    padaan lang po sandali, ako po ay isang bagong miyembro ng blagosperyo, kung mapapadaan ka sa aking blog ipagpaumanhin mu po ang katahimikan at walang taong dumadaan!

    salamat po!

  24. first time ko po dito father. pabinyag naman po dyan. napaisip tuloy ako kung may maganda na ba akong naisulat sa isang taon at mahigit ko sa mundo ng blogosphere.parang wala pa ata hehehehe kaya susuporta na lang po muna ko sa 1st edition ng book na to.

    ingat po!!!

  25. father!

    this is dencios. nasa pinas na ako ngayon.

    di ko makakalimutan na naappreciae mo ang prayer na ginawa ko.

    thank you again!

    email mo lang ako kapag nasa manila ka! we could meet together with your friends. sana ok ang sched natin that time.

    thanks!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s