SILIP SA BUHAY-PARI (PART FOUR)

SABI NI POPE: FOR GOD'S SAKE FELMAR, MAG-BLOG KA NA!

GODday People of God! The Peace of the Lord be with you all (+)! Ang post na ito ang simula ng aking Tag Edition sa pagbi-base kaya it is only proper that we start with things that are fun. For my first post, I choose to continue with the fourth installment of my Silip sa Buhay-Pari. Sa mga children of God na first time dito sa blog ko, nakagawa na po ako ng Silip sa Buhay-Pari posts noon at pumasa ang mga posts na un sa aking mga faithful readers kaya itong post na ito ay pang-apat na. Kung interesado kayo sa previous posts, i-search nyo lang po ha…God bless+

31. Contest in Basilan. I did not really expect it. When all the priests of Zambasuli (Zamboanga, Basilan, Sulu and Ipil) had our clergy gathering in Basilan, biglang nagkaroon ng surprise contest after dinner! 14 na pari kailangan. Naku, bigla akong natawag as contestant. Kinabahan ako. Ang contest pala ay fastest-eating contest. Mantakin nyo un? Ako sumali sa eating contest, di naman pwede magback out.  So, enjoy na lang. Kaya ayun, nanalo tuloy ako. The rest is history.  Wahahaha. Next contest please!

32. The Lost Sintas Tragedy. You see, nakatira ako sa isla at ang Zamboanga City is 7 to 8 hours bus ride pa from our parish. Sa pagmamadali ko papuntang Zamboanga City, nilagay ko na lang sa cellophane ang aking sapatos na pinalinisan ko sa aming laundrywoman. Kinabukasan kasi ay pupunta ako ng Cebu, so, naisip ko na sa airport na lang magsasapatos. Ito ang punchline: pagdating ko ng Zamboanga City, wala palang sintas yong sapatos na dala ko! Worse, ung tsinelas ko, natanggal ang strap. Hahahaha, crisis! Salamat na lang at may mighty bond! So, ito ang nangyari, nagpunta akong airport naka-tsinelas. Nakarating ako ng Cebu na naka-tsinelas. Nag-attend ako ng Superior’s Meeting na naka-tsinelas. lol.

33. The Youngest and the Oldest. Pagdating ko sa Cebu para sa Superior’s Meeting, nag-roll call na ng mga delegates sa basement ng University of San Carlos kung saan ginanap ang meeting. I was introduced as “the youngest superior”. Now, when the “eldest superior” was called, he was nowhere to be found. Hehe, nakalimutan niya na may meeting pala.

34. Wisdom. May nakita akong oven toaster sa kusina. Sabi ng kusinera, functional pa daw un kaya lang di niya ginagamit kasi di naman niya alam paano gamitin. So, tinuruan ko. So, nakapag-toast siya ng 2 pandesal. Maya-maya, ako naman ang gumamit ng oven toaster. Di gumana! Crisis! Sabi ng kusinera, “Father, di pa po naka-on ang socket!” Hehe, shame.

35. Patience, Patience, Patience. Lately, I realized I have to be very specific kapag may ipinakikiusap sa mga house helpers. Kahapon, I asked Junjun, our convent boy, to buy ballpen, bumili siya ng pentel pen. This morning, I asked him to buy 3 pentel pens. Bumili siya ng tatlong sign pens. (Ka-blag! Natumba ang chair!) Knocked out na ako!

36. Asking the Right Person. Christmas Party, daming mga participants. Kaso during the exchange gift, di ko kilala nabunot ko. So, pasimple akong bumulong sa katabi ko if he knew Paulito Duji. Sabi ng katabi ko, “Father, ako po yan!” Nyek! Siya pala un!

37. Bishop, Bishop. Minsan sa Holy Mass, ibang pangalan ng obispo ang na-mention ko! Nagngitian ang mga tao. After the mass, tanong noong isang lay minister, “Father, sino po si Generoso?”….Sabi ko naman, “siya ang bishop dati sa Diocese of Digos, Davao del Sur”…tawanan ulit ang mga tao…so, nagtanong ako, “bakit kayo tumatawa?” …nagchorus ang mga tao, “Father, dito po kasi sa aming baryo, yan ang aming favorite brandy!”

38. Ampatuan Joke. Sabi nila pag manonood ka daw ng Ampatuan Massacre Retrieval Operations vcd, very real daw ung makikita mo at maaamoy mo ang mga patay. kinagabihan, nanood kami. Maya-maya, may naamoy akong patay! Sabi ko, totoo nga ang sabi nila, makakaamoy ka nga ng patay! Yon pala, nakaamoy din ang ibang mga pari na kasama ko. Lol. Tumae pala ang aming kuting. Hahahaha.

216 thoughts on “SILIP SA BUHAY-PARI (PART FOUR)

    • FIRST BASE KA TITO!!! 1000 POINTS!!!
      Sino ang gusto mo i-tag at bigyan ng 250 points?

      TAG BASE RANKINGS AS OF FEBRUARY 2, 2010
      1. Arsean (tag Glaiza) – 1000 points
      2. Superlolong Pinoy (tag Teentoinks) – 900 points
      3. Kaye (tag Bongkito) – 600 points
      4. Chingoy (tag Superlolong Pinoy) – 400 points
      5. J. Kulisap (tag Anjo) – 300 points
      6. Glaiza – 250 points
      7. Mtoni and Teentoinks- 200 points
      8. Bongkito – 150 points
      9. Anjong – 50 points
      Masaya ang pagsisimula natin! Maraming mga baguhan sa pagbi-beys. Si Tito Arsean ang nangunguna. Ngunit masasabi ko na maswerte din si Superlolongpinoy sa pagsisimula natin kasi aside from the second base slot niya which is 800 points, napili pa siya ng ating fourth baser na si Chingoy na ka-tag. Kaya plus 100 siya!

      LEGEND:
      1ST BASE: 1000 POINTS (ang piniling ka-tag may 250 pts)
      2ND BASE: 800 POINTS (ang piniling ka-tag may 200 pts)
      3RD BASE: 600 POINTS (ang piniling ka-tag may 150 pts)
      4TH BASE: 400 POINTS (ang piniling ka-tag may 100 pts)
      5TH BASE: 300 POINTS (ang piniling ka-tag may 50 pts)
      6TH BASE:200 POINTS

  1. hahahaha! tawa ako ng tawa! ang kulit mo talaga, fads. na-knock out ako dun sa mga pens na paiba iba. at shempre pa sa katabi mong ka-exchange gift mo pala. hahaha!

    pero walang tatalo sa eating contest. kunwari ka pa, e talga namang pinanganak kayo para dun. hehehee good luck sa kanilang lalaban sa yo sa susunod na eating contest. palagay ko alam na naming lahat kung sino ang mananalo ng paulit ulit. wahahahaa!

    nice one, fads!

    • thank you kaye! hehe ewan ko ba kung bakit ako nanalo doon. pero may inside story doon kasi iba-iba ung nakatoka na kakainin namin. pag-open nung ibang mga pari sa boxes na nilagyan ng pagkain — ung iba may nilagang mais, camote, saging. ang nabuksan ko naman ay chichiria lang na super soft. kaya ang daling naipanalo, hahaha.

  2. balik po ako mamaya…work mode muna 🙂

    Magandang Araw, fads, at sa inyong lahat na nandito. sign off muna ang mommy kaye. mamaya ulit! 🙂

  3. neks taym father me ipabili ka ke junjun eh ilista mo na, minsan nangyayari sa iba pag nabigla o nakakita ng di inaasahan nakakalimot.

    kakatawa mga karanasan nyo.

  4. haha..nakakatuwa naman ang experiences mo lalo na sa exchange gifts at sa ampatuan jokes. ayos ah.

    teka, wala bang nag-tag sa akin?hehe

  5. d2 me 2nd day ng 10-day urban poor xposure now at wla pa me masyado ginagawa so medyo bored. but when i read this blog, u made my day fr fiel! tnx! 🙂

  6. Yanong igwad ko baya nong nagbasa ako ng pinaglalagay mo dine.
    Yang ige mandin sa pakiramdam ano Padre?

    Paano ay kwan, may inagawa ako kaya nahuli ako sa pagbase, ay kung nagkataong tapos na ako, kaunahan sana ako. Mabawi na laang ako sa masunod.

  7. hehe kakatuwa naman. kaya pla ngmamadali c arnie na pabasa skin new post mo. nwala inip ko d2 s opis ha hehe.

    Arnie galingan mo s pgbase ha. kaw pgasa ko n manalo share tau s price hehehe!!!

  8. Mahirap ma-imagine mga priests sa eating contest. Nagka clash un image. Pero that makes it doubly hilarious. Sa tingin ko lang lalo siguro silang mahihirapan pataubin ka sa eating contest, Father. Kasi di ka pa psyched up that time eh. Parang urong-sulong ka. Ahehehe

  9. nyay! sayang talaga kala ko makakabase ako today! kaso mo PL Meeting nga pala. huwell, buti na lang andyan si Kaye ko! Tenks fads sa points! next time ulit be-beys na ko!

    winner ang kwento mo ha! lalo na yung convent boy na inutusan mo! nyahahah! parang tuloy yung kuwento kanina sa kin na isang crew sa McDo. nagpapabili ng StandFan, yun pala StampPad! toinks! labo di ba! hehehe

    neways, good post as always fads! tomorrow na ko balik! nag-aaya na si Kaye umuwi e. nighty night po!

    Sa lahat ng top basers, congwats!!!

  10. wahhh super late nanaman ako! as usual!!! galing kasi sa trabaho si topex at nagkayod pa ng yelo. 😀 babawi ako… ahahahaha

    magandang araw fads!!!

    (after 5 mins)

    BUWAHAHAHAHAHAAHAH!!!

    abot ang tawa ko at napagalitan pa ako tuloy ng housemate ko na natutulog, astig mga adventures at funny situations na nagaganap sa buhay mo fads. ahhihihihi.

    more… more…. more…. 😀

  11. wwaaaaahhhh! umpisa palang ng labanan talo nako! kainisss!! san ba ako nagpupunta at kulelat ako?!!! i hate myself! toinks!!

    Ampatuan Joke… this is a joke fr. kasi natawa ako ehh… ahahahhaa

  12. Me alaga pala kayong pussy cat ang mga pari.hehehe

    38. Ampatuan Joke. Sabi nila pag manonood ka daw ng Ampatuan Massacre Retrieval Operations vcd, very real daw ung makikita mo at maaamoy mo ang mga patay. kinagabihan, nanood kami. Maya-maya, may naamoy akong patay! Sabi ko, totoo nga ang sabi nila, makakaamoy ka nga ng patay! – Sabi ng katabi ko, “Father, ako po yan!” Nyek! Siya pala un!

    LOL

    37. Bishop, Bishop. Minsan sa Holy Mass, ibang pangalan ng obispo ang na-mention ko! Nagngitian ang mga tao. After the mass, tanong noong isang lay minister, “Father, sino po si Generoso?”….Sabi ko naman, “siya ang bishop dati sa Diocese of Digos, Davao del Sur”…tawanan ulit ang mga tao…so, nagtanong ako, “bakit kayo tumatawa?” … – Sabi ng kusinera, “Father, di pa po naka-on ang socket!” Hehe, shame.

    LOL!

  13. base!
    ay bagal talag ng computer ko. tulad nung kay kaye, bagal din mag-refresh…bili nga muna ako ng summers eve.

    anyway, kapag pari ba eh pwede ring sabihin yung salitang “tumae”? di ba pwede eh ebak na lang? offensive yata ito sa virgin ears ko…

  14. hello, pads… ako po si emai ang bago niyong fan. natutuwa po ako sa mga posts niyo. sobrang stress reliever.. thank you po 🙂 at dahil po dyan ililink ko po kayo sa blog ko -kung oks lang senyo. para easy access 🙂

  15. (Hala, hindi pala nai-send yung comment ko the other day. Takas pa naman yun, pang -150 na tuloy…..)

    Wow!!! Congrats sa mga basers at sa mga tag teammates.
    Umarangkada na ulit si The Mighty Superlolongpinoy at si SuperKeekaye… Hahabol ang taribong (wag lang matambangan hehehe)

    Magandang araw sa lahat.

  16. base! ahahah! grabe ang daming post! parang lang sumayaw ng NOBODY BUT YOU si Uncle Benedict hihi.

    anyays, natawa ako sa Generoso haha ako man siguru matatawa pag nadinig ko un kasama sa panalangin “Obispo Generoso” hihi at panalo si Duji sobrang dyahe nun father lols!!

    eh until now ba missing padin ang eldest superior? hehe

  17. Magandang hapon po father Felmar ^_^

    Haha, nakakatuwa naman tong mga short anecdotes nyo. Natawa ako dun sa oven toaster saka dun sa convent boy nyo. Sa susunod na uutusan nyo ulit siya, ilista nyo sa manila paper yung mga bibilhin nya in big bold letters para sure na di nya makalimutan XD

  18. Time check.

    Ngayon ay linggo, at hindi pa ako naliligo sa kakaabang ng bagong post.

    May apat na mga abangers na naman.

    Tapos na akong magpintura ng kisame, naglinis na ako ng bahay..wala pa.

    2mins before 4pm.

    Time check is brought to you by:

    Boysen, ang tibay ng dating.

  19. Ang advance naman ng oras ni Utoy?

    Saan ka located?

    Maguindanao?

    Time Check: 4:49 JKulandia.
    Nangyayari: Sumasayaw ang mga lambana, nagboboksing ang mga Nimfa, nagtotong-its ang mga nuno sa punso.

    Ang komentong ito ay hatid sa inyo ng bawang sa mani.

    Kapag may bawang sa mani, mas masarap ang mani.

  20. Hulaan natin ang ginagawa ni Padre. Mananalo ng mini laptop, kasing laki ng case ng posporo, ang battery Motolite, pang matagalan:

    A) Nagmimisa pero nabubulol na dahil nagmamadali
    b) Naglalangoy kasama ang mga chickababe, naforget na Feb7
    C)Nagyoyoga sa India, nagpapakain ng mga ratty, bebeng daga na color pink
    d) Wala siyang maisip na topic.

Leave a reply to Esmina Cancel reply