KIDNAP!

Siguro hindi na lingid sa inyo ang balitang may bago na namang pari na nakidnap. Paggising ko ng umaga noong Lunes, October 12, at habang ako ay naghahanda para sa aking 5:30 am mass, napansin ko na may mensahe pala galing sa Prelature  of Ipil.

art.priest.philippines

Please ask for prayers for the safety of Fr. Mick Sinnott, Columban priest of Pagadian, who has been kidnapped at about 7:40 pm in Sta. Lucia Parish. Message from Bishop Cabajar. Pass please.

Noong nabasa ko, kinilabutan ako. Few weeks ago, andoon ako sa Pagadian, para umattend sa burial ng aking tiya. Noong pauwi pa nga ako, naka-receive pa ako ng text mula sa aking mama, sabi niya, ingat daw ako lagi para di ako makidnap, dahil wala silang pang-ransom sa akin. waaaaaa!

Then ito, may isa na namang paring nakidnap. Tama nga ang hinala ng mga kapatid kong kaparian sa prelatura: “Since na-release na ang mga tatlong teachers, ingat kayo dahil tiyak maghahanap na naman ng bagong kikidnapin ang mga mokong na yan!”

Totoo nga. At di ko mapigilang masaktan din sa mga pangyayaring ito. Ayon sa report,  “The six gunmen entered the Columban House in Pagadian City, Zamboanga del Sur province, and dragged Michael Sinnott into a van in front of his horrified aides. The van was later found abandoned and burned near the convent. The kidnappers then took the priest away by sea on board a motor boat.”

Tsk! Tsk! Kaming mga SVDs na dito na-assign sa Zamboanga ay may ganyan ding threat. Mayroon kaming SVD na Indonesian missionary few years ago na pinagplanuhang kidnapin — our superiors immediately pulled him out of the island!

Pagdating ko dito sa Zamboanga, mayroon ding intelligence report na mayroong kikidnapin: isang teacher, isang doctor, isang businessman, isang pari.  Kaming mga 4  na SVD missionaries na na-assign dito sa isla ay nagtinginan na lamang at nag-ngitian sa isa’t isa. No ransom policy kasi ang congregation namin. May isang nag-tip na rin sa aming mga pari na wag magpalapit sa mga coastal areas. Kaya naman, di ba, noong naligo ako sa dagat, may bodyguard talaga ako.

Ngayon ko lalong na-appreciate ang mga taong nagbabantay sa akin. Noon pong October 9, Friday, sa barrio po ako natulog in preparation for the fiesta kinabukasan. The barangay captain gave me 5 bodyguards to look after me and follow me habang pa-stroll-stroll kami during the night.

Eh, may pagkapilyo po ako! Noong pauwi na kami, habang sunud-sunuran sa akin ang mga 5 bodyguards, may nagsuntukan. Takbo agad ako sa suntukan (dati akong runner, remember?). Ang 5 kong bodyguards ay humabol din sa akin. Paglagpas nila sa nag-away na naawat na, di nila ako nakita. So, bumalik sila. Andoon ako sa harap noong nag-away, nakikibalita.

Hehe, di ko man lang napasalamatan ang mga bodyguards ko…di ko na sila nakita bago ako umalis pauwi ng parokya. Sana sa muling pagbalik ko sa barrio, makikita ko ulit ang mga bodyguards kong yun, at maghahabulan ulit kami….waaaa…joke!

Ito serious na: magpapasalamat talaga ako sa kanila.

Hinihiling ko po sa inyo, aking mga mababait na mga kaparokya at kapatid sa pananampalataya na ipagdasal po natin si Fr. Mick. Mananatili po ang picture niya sa sidebar ng aking blog habang siya ay nasa kamay pa ng kanyang mga kidnappers na hanggang ngayon ay di pa nagpapakilala.

God bless us +

MY NEXT POST WILL BE OCTOBER 20, TUESDAY.

blog

____________________

RECOMMENDED POSTS:

Advertisements

332 thoughts on “KIDNAP!

  1. naku padz ingat ka talaga jan…remember nsbi ko nun pray lang pray at alm kong ndi ka pababayaan ni bro… ng 7 anghel at humirit ka na mga santo… at isa na dun ang aming patron na si st.frncis xavier na isang sundalo…. o bka takbuhan mo din yan ha ehehehe 🙂

    ang pilyo neto… 🙂 takbuhan talaga ang mga bodyguard hehehe 🙂

  2. ahehe

    nalingat lang ako e meron na agad. 🙂 abot pa ba ako fads?

    anyways, di ka nila kikidnapin kasi malulungkot sila pag kinidnap ka nila at di ka na nakapag-blog. tagabasa mo rin sila eh. hehehe…

    but seriously, I pray that Fr. Mick will be released soon at wala na sana silang kidnapin. May God bless and protect you always, fads.

  3. aba..medyo maaga ako ngayon. wala bang consolation? hehe

    hindi na matapos tapos ang problema na yan..kidnapping. hay kelan kaya mag da end yan.

    ingat po.

  4. wahhhhh… mulat na mata ko nag initay sa erport umuwi lang ako tapos na?! huhuhuh..:(

    heniweys! CONGRATS muli sa mga nakapag BASE sa kidnap entry ni father. muli isang malugod na pagbati.

    Patuloy tyong manalangin para ke father Sinnott.

    (one minute of silence)

    father campaign nio kami nila boni at rye ha!

    magandang araw po fads!

    BASE..

  5. pader, ingat kayo ng mga bodyguards nyo. grabe kakatakot sitwasyon nyo dyan. sana nga mapalaya na si fr. mick.

    group huuuuuugggg!!! (o ako naman dito magpa-group hug, pader, nyehehehe!)

  6. padz!! pagtinakbuha mo uli ang bodyguard mo jan … naku baka pati mga guardian angel mo eh iwan kang patakbo…sa kapilyuhan mo hehehe 🙂 joke!!!

  7. magandang bala jolen padz… yung ginagamit sa painball shoot na may jolen…. hehehe tska akalain mo ang little prince mabilis tumakbo?… hehehe 🙂 alam ko maliit ang hakbang mo ?… hehehe joke lang 🙂

  8. ganda nun padz hiram ka ng damit ng sundalo tapos ganun ang gamit mo bala hehehe ndi ka makikidnap …ndi nakakamatay yun ehehehe 🙂

    jolen ang loob nun eh tapos may pintura hehehe boss ko ilang beses ko natamaan nun… hahaha actually gumaganti lang … pahirap sa kaka OT Eh hehehe 🙂 ang saya ka nun …..kso ngayon ang pasiklab naging STabliyemento ng mga credit card…. 🙂

      • oo nga maliit na jolen yung nsa baril na may paint… hahaha
        alala ko talga yun…hehehe 🙂 kase sapul na sapul ko boss ko nun haha sa ulo pa hehehe 🙂 tuwang tuwa ang mga staff sa akin nakaganti kase hehehe 🙂 siya naman ang nagyaya nun eh… xmas kya yun…, nag bar., yellow cab ang fudtrip tapos yun nga airsoft …. 🙂

      • anong nasisante ka jan…. hoy ako ang nag resign noh?… ask nga ng malupit ang lolo mo bakit ako mag reresign dami pang project namin sa photoshoot sa UP nun…, eh ang kaso may iniiwasan lang po ang lola mo na ksamahan sa trabaho ……. 🙂

        ayokong maging kirida ng mokong na yun…hmp!!! ndi pa nga alam ni diego na yun tlaga ang dahilan noh?… kse ayokong matanggal yun sa trabaho mayayari sya kay diego?….hehehe
        bakit diego?…hehehe may kwento kase yan eh…. 🙂 sira mga graphic artist nya ….mukha daw ni diego…. kya tawa ako ng tawa….tuwang tuwa nman ang bossing namin pag tawa ako ng tawa sa pagbanggit nila ng diego…,, hahahaa 🙂

        ndi alam ni boss na siya yung diego na binabanggit ng mga graphic artists nya… 🙂 pag kaharap kse si boss sir…. d ang twag pag nakatalikod …. ang mga mokong twag eh diego…hehehe kya tuwang tuwa mga mokong nung natamaan ng jolen hahahaaha 🙂

        haaaay namis ko tuloy mga graphic artists na kada ko…. sayang wala akong copy na lay out nila ng LORD OF THE RINGS kse nakamontage mga mukha ng staff….. 🙂

  9. naiimagine ko na nga padz (takbo F3 Takbo!!!! tapos hingal!!!hingal!!! lumalabas na ang mga mantika sa katawan… 🙂 ) sabay tawag sa kasamahang pari …. “Mga Fathers may ice cream ba tayo jan… ndi na carry!!! hehehe 🙂 “

    • Mag-“second the motion” ako kay livingstain…

      Bakit kailangang mang-kidnap pa sila? Kung ito ay para isulong ang kanilang ideyolohiyang ipinaglalaban (kung meron man), sa tingin kaya nila makakahikayat sila ng simpatiya o kaya ay kaalyado? Kung totoong para sa kabutihan ang kanilang ginagawa, bakit kailangan nilang gumawa ng masama?

      Isang malaking negosyo nga ba ang kidnapping? Kapag naubos na ang ransom sa mga naunang bihag, aatake na naman sila…

      Nag-iipon na nga ba sila para pondohan ang nalalapit na eleksiyon??

      Sa kabila ng lahat: unos, baha, trahedya, kidnapping atbp. magpapatuloy ang buhay… Sana sa tulong Niya, maibsan ang sakit, kirot, pighati at paghihirap.. sabi nga ni padz ““although i walk in the valley of death, i fear no evil, for you are at my side.” (Psalm 23: 4)”

  10. All prayers po kay Fr. Mick at ganun din po safety ninyong lahat na nagsisilbi sa ating Panginoong Diyos.

    May 5 bodyguards po pala kayo at mga bodyguards na mga Anghel at ang dami naming nagdadasal sa inyong safety.

    Congrats sa lahat ng mga naka-beys…hehe di umabot ang Lolo.

      • hahaaha! I was hoping somebody else would notice kaso ang tahimik kaya nag-announce nako. hehe

        sempre matapos ko maka-base… di ko na pwedeng makuha ang second and third base sa text kasi eh. hahahaha!

        congrats, topex!

      • Haha…di ko rin napansin…kala ko tapos na…kala nakuha na lahat kanina…kaya di rin ako maka text kasi di ko alam log-in nung anak ko dun sa chika niya…may cp # na nga si Father dun…tapos na ba?

        Congrats ulit…talagang ang dami mong pts ngayon ah…

      • hello tay! sorry at di nakaabot. pero ok lang yun kasi base na base naman ang anak nyo sa inyo kasi siya ang nakauna sa inyong atensyon. 🙂

        nagkakataon talaga na iba ang pakiramdam ko pag nagpopost na si father. buti na lang ang nakita ko ang makulit na text base sa taas. ganyan yan eh. minsan sa taas, minsan sa baba, minsan sa gitna ng comments nilalagay ang text base para talagang hanapin. fads tlaga, ang kulet!

      • Haha..salamat pala sa tip…napansin ko itong sinabi mo pero…hinanap ko kung nasaan yung text message…parang di ko nakita…usually kasi nahuhuli yung text message…haha…may sixth & 1/2 sense ka na kung malapit na ang posting..haha

  11. antagal magupdate ni fads (ayan, nangpressure pa talaga!)

    pasensiya na tayo, lhen, e pasaway talga yang si father eh. kita mo nga, pinahabol ang kanyang 5 bodyguards palibhasa mabilis tumakbo.

    laro tayo ng agawan base! hahaha!

    pero naisip ko, kahit pala dito agawan ng (ranking sa) base. mauunahan na ata ni lhen si ‘tay (superlolongpinoy). marami raming base pa tatrabahuhin ko para maabutan ko si topex. hehe

      • naku naku baka mausog padz…. ang galing ng mga kalaban ang bibilis mag online eh …. 🙂 hinihingal at nagpapalpitate na ako sa kakahabol grabeh na ito…. 🙂

        si ms.kaye malakas ang radar sa site mo …. kuha na kuha na nya ang galaw ng baby priest…. 🙂 wah ako masabi eh kya baka si ms.kaye eh mahabol kami ni tatay(nki tatay na po ako)

    • mag roller skate nalng tayo ms.kaye hehehe nagpapahabol talga ang baby priest 🙂 akalain mong umakyat ng puno ang pari ah este umkyat ng comment… at pinasarap tayo sa mga comment para ndi mahala sya na nagllagay na ng txtbase…

      galing mo talga ms.kaye ang lakas pa rin ng radar mo 🙂
      akalain mong nakita mo yun kagad… hehehe
      isa lang masasabi ko pag nagbasa ka ng comment ni padz… mula itaas pababa… 🙂 ako kase tamad na mag basa ng comment ng iba tska dami kong kalaban dito sa pc kya mega madali ako sa pag comment …. buti nga naka base pa kahit papaano

      salamat sa pag sabi ng “bc sa kakachat ng comment ndi napapansin ang txt base kya iniscan ko ang mga comment mula ulo hanggang paa hehehe 🙂

      • haha! e kung me number ko nga kayo, itetext ko na din sana eh. hahaha! basta yang si fads, mabilis ang utak sa kalokohan. gusto ko tuloy marinig yan pag nagsesermon sa misa. abay baka dun ko lang marinig sa seryoso yan…o hindi rin? hmmmm???

        wala bang kaparokya si father dito?

      • waaaah ako din ms. kaye kase nahihiwagaan din ako jan… paano siya mag homily ?… 🙂

        pag seryoso yan mag sermon at maigsi mag sermon …masusuka ako kase ndi ako sanay na sumeryoso yan…. 🙂

      • waaah wag ganun padz ndi ako sanay kase ndi rin ako seryoso kausap kala mo?…kahit sa katesismo ko ndi ako masyado seryoso kya gets na gets ako ng mga bagets…. 🙂

        pag nagseryoso ka pag nag eb tayo walk out ako heehehe 🙂

      • Haha…ok lang Ms Lhen…Tay mo na rin ako….oo talagang desidido si Kaye sa first place…talagang mukhang may radar nga si Kaye sa posting ni Father…hehe…kaya makikiramdam tayo kay Kaye.

      • ah basta ayokong magseryoso … sigurado paiiyakin mo lang ako eh kulang nalang papakinig mo sa akin mga inspirational songs na parang nag retreat ako sayo hehehe 🙂

        padz iyakin ako ayokong umiyak sa harap mo
        sagwaaaaahhh 🙂

  12. Bigatin ang taga SVD. No ransom policy nga, may limang bodyguards naman. Cool! o”,)

    —-
    Close kami ng Lola kong ‘yon, kapag vacation at gusto niyang iwan pansamantala ang TDM, sa amin siya tumutuloy… kahit hanggang ngayon (sinasamahan nalang siya ng mga mas batang sisters). Nakakalungkot nga lang sapagkat ulyanin na si Sr. Ig., nahihirapan na ang mga taga-TDM-Matina sa kanya these days.

    Naalala ko, sinabi sa akin ng Lola noon, araw-araw raw ay ipinagdarasal niyang magiging priest din ako. U

  13. Sa titulo po ng iyong blog Father, ang naglaro sa isip ko ay tiyak puno into ng emosyons at tensyons nguni’t nang tugaygayin ko na po ang buong storya nakiliti ako at napahalakhak – ang husay n’yo po magbalanse nawala ang tensyon agad.

    Ang magagawa po natin ngayon ay umasa’t manalig na ligtas si Fr. Mick sa kamay ng mga salarin. Isama na rin natin ang mga kidnappers na sana sa lalong madaling panahon ay maisipan na nila na ibalik/isuko na si Fr. Mick.

    At samantalahin na rin nating manawagan sa mga kinauukulan, ang may control sa mga lugar na target ng mga kidnappers, ang gobyerno natin mismo na huwag tutulog-tulog, huwag magpabaya. Ang dami na palang nangyayari jang kidnapan pero bakit hindi masawata?

    Malimit tayong laman ng mga international headlines na nagsasabing may kidnapan na namang nangyari sa Pilipinas. Lagi nalang tayong sikat sa ganitong sitwasyon.

    Father Fiel, hindi pa tayo nagpapangita. Ingat ka lagi. Panatilihin n’yo po ang bilis n’yo sa pagtakbo hehehe. God bless.

  14. ‘dre, may naiulat na isang blogger ang nagsabi na dapat wag na i-save ang pari na yan dahil daw sya mismo, inilagay nya buhay nya sa panganib dyan sa atin… kilala mo ba yun? i tried to search, di ko makita eh…

  15. yngat po kayo palagi.. kasama niya si God kaya hindi siya sasaktan ng mga yun.. takot lang ng mga kidnappers malunod sa impyerno.. hehehe

    sana lang may puso sila.. naku ang balita kasi, basta malapit na ang eleksyon, marami talaga ang nangingidnap para may pera sila pagdating ng eleksyon hay… si papa jesus na bahala sa kanila

  16. Masyado na ng kina-career ng mga kawatang bandido ang mangingidnap, at wala silang pinipili kahit na sino, maski na ang mga alagad ng diyos ay hindi na nila pinatawad.

    I condemn this devil acts, buhay pa sila pero sinusunog na ang kanilang kaluluwa sa impierno, bakit kasi ipinanganak pa ang mga taong ito kung puro pasakit at perwisyo lang naman ang dulot nila sa mga mamamayan.

    The Government must do something para tapusin na ang mga kabalbalan na ginagawa ng mga bandidnong ito.. Pero, tila may duda ako na may kasabwat na matataas na tao or mga pulitiko sa mga ganitong aktibidades, lalo na pag nalalapit na ang eleksyon.

    Madali lang naman nila itong pulbusin kung tututusin, at matagal na ring panahon na paulit-ulit na ginagawa nila ito, pero bakit hanggang ngayon ay malaya pa rin sila nakakagawa ng kidnaping?.. harinawa’y nagkakamali lamang ako sa aking hinala.

    Dahil, kapag nagkataon na totoo, ito’y masakit para sa sambayanang pilipino, na imbes na sila ang mag-aangat at tutulong ay sila pa ang gumawa ng labis na pagkakalugmok ng mga inosenteng mamayan.

    Patawad mo Father, hindi ko po mapigilan ang aking emosyon.. isa lamang ako sa mga nasasaktan at nagagalit sa tuwing me mga ganitong pangyayari.

      • I just base my opinion sa nangyari kay Ces Drilon, she was also abducted togther with her cameraman.. but lately, it was found out that the politician negotiator was involved into this mess.

        Kaya nakakapag duda talaga.

        Father, me ikukumpisal ako… me natisod na naman akong kabulastugan..he he he, silipin mo ng bahagya.

  17. bsta ako wlng ka pressure pressure! hehehe.. hnd ko kc maabutan! 😆

    @post, nako kakalungkot ng balitang ito padre..
    kaya lahat po kau jan ingat ingat lng ha! lam po namen n malapit na kau sa Diyos pro pls lng po, pray harder!
    un lng po..mwwla akong muli..hehe…

  18. kakalungkot 😦 di ko maimagine ang hirap na dinadanas ng mga kidnap victim..takot at physical na pangaabuso…sana lang maging matatag si Fr. Mick…

    Ingat po lagi..pero sabagay kung para sa iyo ang isang bagay o pangyayari eh kahit na anong pag iingat ang gagawin mo eh mapapasaiyo yun!

    padre tanong lang..pag “no ranson” policy ba hahayaan lang kayo kahit na magbigay ng ultimatum ang mga kidnapper? katakot naman yun!

    • sana nga makayanan ni Fr. Mick lahat ng hirap na dadaranasin niya ngayon bilang isang kidnap victim…

      “no ransom policy” — in concrete ibig sabihin nito makikipagnegotiate, gagawa ng appeal na sana i-release na lang ang victim…without any money involved…

      pero sabi ni ces drilon, “wala pang kinidnap na di nagbayad ng ransom”…

  19. Nakakalungkot Father na may ganito na namang pangyayari. Minsan nagiging rason din po ito ng diffrences/gap ng mga Muslim at Kristiyano.Hindi naman natin maiiwasan na isipin na MILF or AbuSayyaf ang kumidnap dahil paulit ulit na rin nila ito ginagawa, kahit di pa rin confirmed kung sila nga ang kumuha kay Ft. Sinnott. Nakakalungkot lang din po na nadadamay at nagkakaroon din ng discrimination sa mga ibang muslim dahil sa ganitong mga gawa ng mga kidnaper, to think na iisang lahi tayo.

    5 bodyguards father nalusutan mo? tsk tsk! Pasaway na baby priest! 🙂

    Prayer for Fr. Mick Sinnott… Stay safe po!

      • “hindi pala lahat ng mnlf ay muslim” Wow… may prof din po ako na muslim nun college, at sabi nya na nagrerecruit ang mga AbuSayyaf/MNLF na pwedeng sumapi sa grupo nila kapalit ng pera. Naku mejo maselan na usapan na po eto, pero ang bottom line iisa lahi natin at sana yang mga kidnaper que muslim/kristiano pa sila…. ITIGIL na! Election na naman! 🙂

        Ciao father… ingat po!

  20. Ingat ka dyan, Father.

    Ang lungkot naman, kung sino yung matitino at maaayos yun ang kinukuha at pinagdidiskitahan. Twisted talaga ‘tong mundong to. Ang gulo. Ironic, pero yun yung sad, cold truth. Sana, makita na si Father. Nakakaasar. Ang sarap pagbabarilin ng mga taong ganun. Makonsensya naman na sana sila.

  21. Father Fiel, nabasa ko na po ng buo! No ransom policy pala kayo.. Nakakainis na yang mga kidnapper na yan.. Dapat kase yung mga Chinese lang yung kinikidnap dahil sila yung maraming pera. Joke lang!

    Father, ganun pala katindi ang kidnapping diyan.. Basta magbibigay ng ransom, kikidnapin nila.. Paano kapag hindi nagbigay ng ransom.. Naiimagine ko tuloy kayo pinapakain sa piranha. Joke lang ulit.

    Natuwa naman ako, ang dami mong body guards.. Kapag marami daw body guards, masamang tao! Joke lang ulit!

    Grabe, sorry sa mga jokes ko! Wala lang yan. Ganyan lang talaga ako. Naku, Father Fiel, pag may di ka nagustuhan, i-edit mo na lang. Yawts.

    • Seryoso mode. In full metal alchemist, the Humonculus named after the seven deadly sins used sacrifices.. This sacrifices should be kept alive.. and they would be kidnapped and be brought to the father. What are these sacrifices? They are people who are able to use alchemy.. Why are they called sacrifices then? Because they play an essential role.. a significant character on the story itself.

      Then why priests, teachers, businessmen? They also play a vital character in society.. Why not drug lords, jueteng lords, tambays?.. You know the answer.

      Why do they need ransom..? Vague? Theorizing something would not help.. Election? Coup d’etat? Whatnots? I myself do not know why..

      Ayun, to get even with the above jokes I commented. Hehe!

      • Haha, yun po ang sinasabi nila, pag maraming body guards.. bad daw! Yay.

        Kaya wala po akong body guards.. Maligo tayo sa beach Father ng walang kasamang body guards, ano.. dare? dare? haha.

      • Cool, nanunuod ka rin po ng FMA! Yung Brotherhood rin po, pinapanuod ko eh. Hehe. Onga no. Ang galing galing. Narelate ang FMA pati ang mga Humonculus sa sitwasyon ng kidnap and ransom sa Mindanao.

      • Aina, huwaw.. nanonood ka rin pala. Nagagandahan ako sa kwento ng Full Metal Alchemist..

        Opening the Door of Truth requires a high price.. Sometimes, your soul or your body..

      • Ako rin po super. Hehe. Di naman naging masaya si Ed nang nakita nya ang Door of Truth. Hay. I love FMA. 😀 Isa siya sa mga favorite kong anime eh.

  22. nako father ingat ka

    balita ko mga gwapings na pari ang hinahanap nila :p

    hehee

    ito serious, basta father take care always.

    hay nako wala na naman silang magawa nakakaasar ang sakit sa bangs!

  23. kidnapping should be punished with LIFE imprisonment! puro criminal at walang political purpose ito dahil mga inosenteng tao na ang gusto lang ay tumolong ang mga biktima.

    he will be in our prayers.

    ….father, susunod eh kailangan mo ng ankle bracelet to monitor u.

      • truthfully, hindi ko kayang mag-joke sa post na ito…
        1) i really feel for him and his family
        2) nakakahiya ito para sa pinas…akal ng mga taga-ibang bansa eh puro tayo criminal….for sure headline ito
        3) bakit pa yung mga taong gustong tumulong ang target? mahirap na nga at maramng mga pinoy na may abilidad ang umaalis ng bansa, pati ba yung mga nagbovolunteer eh dinidiscourage rin
        4) marami na akong mga anak na dapat proteksyonan sa mga kidnappers!

      • ang dami mo na kasing anak eh, kaliwa’t kanan. kinakarer mo na talaga ang pagiging dadskie…

        (serious mode) right, kakahiya nga ito sa ibang bansa. noong matanggap ko ang text, hanap agad ako ng more info sa internet. two websites pa lang ang naka-pick-up ng news: 1) yong congregation na kinabibilangan ni fr. mick; 2) CNNnews online…

  24. Alagad ng simbahan, anak ng Diyos, kapatid ng mga tao..ano ang kanilang hiling?

    Kaya bang ibigay ang taimtim nilang daing ngunit marahas namang pinangangalandakan?

    Ano ang kulang, ano ang pwedeng gawin Father?

    Nasaan si Santino?

  25. seriously natatakot ako para sa iyo/inyo diyan. 😦

    nako ingats kayo dyan ha. ang hirap kasi talaga sa mga bandidong ito e. kaasar talaga!

  26. ayun na naman, meron na naman panibagong headlines, after ng mga mapanirang mga bagyo, isa na naman ingay ang pag uusapan lalo na at malapit na ang eleksyon

  27. i strongly feel that one of these days, someone that the kidnappers will kidnap will convert them to being spiritual persons. i’m sure that the hand of God is upon the victims kahit na mukhang walang Diyos sa puso ng mga kidnappers. God is in charge kahit mukhang magulo ang sitwasyon. I just had to comment this.

  28. hahaha padz kakatawa si aina napadaan sa bahay ko 🙂
    akala nya ang may ari ng site na yun eh si alvin 🙂

    akalain mong tawagin akong father lhen hehehe kakatuwa talaga yung batang yun…hehehe 🙂

    kala nya kse si alvin ang may ari dahil mas malaki ang pix ni alvin kesa sa akin… 🙂

    father?….hmmmm sana nga lalaki nalang ako noh?..waaaahhhh hehehe 🙂

  29. haha. mukhang lumala ranking ko. pang-63rd na lang. haha/

    padre, narinig ko din po ang balitang yan. ipagdasal po natin na sana maging maayos ang kalagayan niya. 🙂 alam kong hindi siya pababayaan ni Bro.

  30. I’ll be in zamboanga uuwi ako. kasi taga jan yung family ng mom ko.. ayun bakasyon lang, sana di makidnap.. lagi naman ako bumibisita jan.. sana pakawalan na nila si father.. wala naman yan kasalanan…

  31. malapit sa puso namin ang mga Columban Fathers sa aming mga taga Pangasinan. Naalala ko kasi mga Columban Fathers ang unang mga pari namin sa Lingayen. I hope and pray na sana no harm will be inflected to Fr Sinnott. I read in the news about this.

    Ingats ka po always Fr. Fiel!

  32. sabi nga po ng igan ko “those kidnappers once caught must be forcibly fed with muddied flood water till they die. Di pa nga tayo nakaka recover sa nakaraang dalawang bagyo, nalagay na naman tayo sa international headlines niyan in a very bad way.”

    sagot ko sa kaniya, “agree. tapos crucify them at ipakagat sa mga langgam… brutal punishment, pero wag, huwag natin paabutin sa ganuong parusa. Umasa tayo na ligtas ang nakidnapped, kasama na rin natin ipagdasal ang mga kidnappers na maisipan sana nila na ibalik na Fr. Mick.”

  33. Father Fiel, goodnight po! Di ko po pala nasend yung ‘good afternoon’ ko kanina! Di ko na po nacheck dahil toxic po sa work kanina.. Then, pumunta po ako sa powerbooks to research some things. Ngayon na lang po ako mag gu goodnight!

    I’ll email you. Kararating ko lang po kanina at parang wala na akong lakas!

  34. kkalungkot nman post mo padre. bkit kylngan p idamay mga inosenteng tao. pgdasal nlng ntin n sna safe c father michael at mapalaya n sya.

  35. Magandang umaga po Father at sa lahat ng kaparokya. Akala ko kasi ngayong po ang petsa ng bago n’yong post. Na e set ko kagabi ang celfon ko to access directly to internet para antabayanan ko ang bawat post n’yo. May bago na po bang balita kay Father Mick?

    May baon ako as gift ko po sa iyo at sa lahat ng inyong visitors dito bago ito. Katunayan po napadalhan na po kita ng invitation tungkol dito sa yahoo address n’yo po.

    Ito po ay kung papaano pakinabangan ng bawat users ng internet ang bawat paggamit niya sa internet. At least sa pamamagitan nito it generates income para sa lahat ng net users pag sila ay nag sign up at na aprobahan. Ito ay free registration na pagkakakitaan ng bawat net users – ito ang link: http://www.peoplestring.com/?u=kingofherbs

  36. Mas magandang lalaki ka pa sa umaga father, nasilip lang po ako kung me bago ka nga post..

    medyo hindi pa yata gaaanong nainin ang niluluto mong artikulo na susunod mong i post.

    di bale, aabangan ko na lang po.

    see you around.

  37. baka ndi ako makapag base bukas ha ….
    bahala na ……….. ang gagaling na ng mga humahabol eh……….

    hmp!!! bahala na ………………..
    napapagod na talaga ako grabeh………

    good luck nalang sa mga mananalo………..
    byeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!

    signing OFF!!!!!!!!!!!

  38. napadaan po sa inyong blog. nakaka-awa naman yung pari. pagdasal ko po, wag kayo magalala. nga pala, i find it weird na may bloggero palang pari. hehe. well, weird in a good way, i guess. hehe. pabasa ng mga posts mo parekoy ah? salamat 😛

  39. Father yong grupo po ba ni Fr. Mick ay pinaiiral ang “no ransom policy”? may lumalabas po kasi na ang mga kidnappers ay humihingi ng 2 milyong dollars. Ayon kay Father Mick mas gugustuhin pa daw n’ya na yong 2 million dollars ay itulong na lang daw para sa children’s health care and education. May edad na rin po pala siya (75 o 79 yrs old).

    40 years na namuhay sa atin si Fr. Mick. 40 years na ang kaniyang buhay ay inilaan para tumulong sa mga kapus-palad sa kanilang health at edukasyon, 40 years na hinayaan niyang maubos ang kaniyang kabataan at lakas para arugain, alagaan at mahalin ang mga taong hindi naman niya mga kadugo.

    Sa 40 years na iyon hindi nakita at pinahalagahan ng mga kidnappers ang mga kabutihang inialay ni Fr. Mick sa kanila!

    Father Fiel, ilan taon na po ba kayo after 40 years from now?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s