HE SAYS, SHE SAYS

DSC03179

Pagkatapos natin marinig si Bro sa Bro Speaks, pakinggan naman natin ang mga striking lines na narinig ko sa iba pang kasama niya.

1. “May awa si Bro, manalig ka lang.” (Santino)

2. “Ang mabait na asawa ay di lang pinagsisilbihan, nagsisilbi rin.” (Mario)

3. “A good reporter always verifies her news.” (Aling Baby)

4. “Kahit anong problema, pag naglalaro ka, sasaya ka.” (Santino)

5. “The best asset of a journalist is curiousity. In short, tsismosa.” (Aling Baby)

6. “Tayo ang nagpaparusa dahil kadalasan, di natin napapatawad ang sarili.” (Fr. Anthony)

7. “Ang malalim nag-uumpisa sa mababaw.” (Aling Baby)

8. “Wag mo akong i-analyze, hindi ka naman analysisist.” (Aling Baby)

9. “Ganyan talaga ang buhay: may mga bagay na kailangang pagtiyagaan, may mga bagay na kailangang paghintayan.” (Mayor Enrique)

10. “Kung ang lahat po ng tao ay takot, sino po ang magiging tagapagtanggol?” (Santino)

11. “May sakripisyo tayong gagawin alang-alang sa plano natin.” (Robert)

12. “Hindi laging milagro ang sagot sa problema ng tao. Gusto ng Diyos tulungan mo rin sarili mo.” (Padre Jose)

13. “Pagsubok lang yan, wag kang bumitaw.” (Cocoy)

14. “Sa sugal, sa isang panalo, may sampung natatalo. Kaya sa bandang huli, tanging sa pagsisikap lang uunlad ang ating buhay.” (Padre Anthony)

NEXT POST WILL BE OCTOBER 9, FRIDAY.

blog

RECOMMENDED POSTS:

207 thoughts on “HE SAYS, SHE SAYS

      • Salamat Nikko…nagitla nga ako nung nag-beys ako kasi wala pang nagsimula, kasi napasilip lang ako dun sa kay Father kasi ang date dito ay Oct. 4 pa lang…tapos nakita kay bagong post…dun ko lang naalala na Oct 5 na pala dyan…Nung nag beys ako ay 5pm dito ng Sunday. 9pm na ngayon dito.

        Mabuti naman at salamat din. Ingat kayo lagi dyan & God Bless!

    • congrats, lolo!

      ang galing galing mo naman at gising na gising ka diyan sa cali. 🙂 (pero siguro tulog ka na ngayon. anong oras na nga ba diyan? hehehe.)

      good night po! 🙂

      • Salamat Kaye. 5pm pa lang ng Sunday nung nag beys ako, ngayon ay almost 9pm na, mga 10pm pa ang tulog. Medyo gising na gising pa.

        Good afternoon dyan and salamat Gud evening na nga dito.

        Ingat lagi & God Bless!

  1. Ang galing naman po naman ng pagkakakuha ng mga linya ng ito. The Best po lahat…may pagka komedyante ang ibang linya pero magaganda ang mensahe.

    God Bless Father dyan!

  2. “The best asset of a journalist is curiousity. In short, tsismosa.” (Aling Baby)

    Ganyan talaga ang buhay: may mga bagay na kailangang pagtiyagaan, may mga bagay na kailangang paghintayan.” (Mayor Enrique)“

    May sakripisyo tayong gagawin alang-alang sa plano natin.” (Robert)

    Ito ung pinakagusto ko sa lahat.. 😉

    maagang umaga ulit father..

    ON-DUTY

  3. Di na naman ako naka-base. kalungkot.

    late ako dumating. ang traffic kasi back to school na ang mga bulilit and not-so-bulilits.

    yung sinabi ni aling baby ““A good reporter always verifies her news” iyan ang numero unong pinag-aralan namin sa journalism. unfortunately, dahil sa sobrang pressure na di maunahan ng istorya o di kaya’y sa kakulangan ng oras, reporters do not verify their news, do not get the other side of the story, or worse, concocts a story from one liners in policy blotters. nakakalungkot tuloy ang state ng ating mass media.

    kumusta po kayong lahat! it’s a beautiful day, from where i am right now (Alabang), parang walang bakas ng pagdaan ni Ondoy o ni Pepeng. But of course, tuloy tuloy pa rin po ang pagtulong natin. marami pa ring matubig na lugar, at ang mahalaga ay ang pagtulong sa pagbuo muli ng mga bahay at higit sa lahat, mga buhay na nasira.

    Bangon, Pinoy!

  4. haha! napapansin ko, 3 consecutive 7th base nako dito. parang di ata lucky ang number 7 para sa akin ah… 0 point na kasi eh.

    bertie, october 4 pa kasi kina superlolongpinoy who is in cali. hehehe. ang galing. gising na gising siya nung magpost si father. anong oras ka ba nagpost, fads?

    nagsuggest nga ako kay father na gawin top 10 na para makasingit naman tayo. hahahaha!

    hay. kelan kaya ako makabase nang may puntos dito? 🙂

  5. BASE! este! back to home BASE ako! kakagaling ko lang from work father kaya di na din ako umabot 😀 I agree sa nakasulat. Nakakatuwang manood ng teleserye dahil madami ka makukuhang aral from a simple lines.

    ang dami ko nagustuhan sa mga lines given, like “#9″ may mga bagay na gustong gusto tyo pero kahit anong hiling hingi natin masusubok ang tyaga at pasensya sa pag hihintay ng inaasam. May mga bagay na di NIYA ibinibigay dahil di pa nararapat at di karapatdapat.

    As said on proverbs, “All good things come to he who waits”. Parang muscle yan na dinidivelop natin, it cant be acquired overnight. Every day you need to work on it.

    CONGRATULATIONS sa mga “Basers” for this entry 😀

    Apir!

    Magandang araw po father! 🙂

    • good day sa u tope (+)

      nangunguna ka pa rin sa base contest ko…

      tama ka, maganda ang sinasabi ng bible about waiting.

      ang paghihintay o waiting is a way of thinking about and responding to the difficult circumstances of our lives. As believers, we are learning to take the long view. We endure, we wait patiently, because we believe that our present difficulties will be resolved.

      this is connected with patience (pasensya), which is a virtue. in actual ito ay 1) patience as we persevere in our faith, and 2) patience with the faults of others.

      God bless +

  6. 4. “Kahit anong problema, pag naglalaro ka, sasaya ka.” (Santino)

    9. “Ganyan talaga ang buhay: may mga bagay na kailangang pagtiyagaan, may mga bagay na kailangang paghintayan.” (Mayor Enrique)

    —makapaglaro muna nga ako para masaya…wala muna ang stress sa work at sa iba pa…hahaha

  7. Text Base: “I can do all things through Christ who strengthens me.” (Philippians 4:13)
    First Base sa Text = 50 points for Kaye!!!
    Second Base sa Text = 40 points for Lhen!!!
    Third Base sa Text = 30 points for Arsean!!!

  8. YES!!! HAwak cp nsa harap pc tapos my kausap sa isang cp ko
    hay naku mukha akong timang dito…, 🙂

    2cp kaharap ko sa pc kamusta nman yun habang my hawak na isang cp na may kausap!!! at nagttype naiimagine mo?… naka ipit ang cp sa tenga ko……… 🙂 hehehe dibale naka base naman …. 🙂
    salamat!!! naka hinga ng malalim kaya pwedeng pede na lumaboy sa fri… 🙂

  9. pang-85 lang ako?!?! tama ba yon? tsk!

    hi pader! sana mag-guest ka minsan sa MBP. or kung gusto mo stand-in na lang ke dominic. wahahaha! 😛 😀

    *kaway kaway* 😀 😛

  10. cool ang site n’yo po Father, sa maiksing panahon kong pag surfed sa loob nitong site n’yo po naibsan ang lungkot ko…puno po ng saya. Puwede ko po ba kayong e add sa blogsite ko? Isa po akong OFW (Overseas Financially Worried) bagong meaning ng OFW, o di kaya Tutubi – kasi mahilig lumipad at kung saan-saan po dumadapo sa mundo. Ingats po.

    paul pruel
    riyadh, ksa

  11. haha^^ kakamiss naman yung mga palabas sa telebisyon. ayos po yung mga linyang binitawan nila ah… malaman. 3 mnths ko nang i napapanuod si santino.

    kumusta po kayong lahat dito? mukhang masaya dito ah… patambay po Father. 🙂

  12. BASE! (huli na naman!) haaayyyss…

    “Kahit anong problema, pag naglalaro ka, sasaya ka”, maaring isa ito sa patunay na nanatili tayong bata sa puso, at ang mga simpleng kaligayahan ang talagang nakakapagpasaya gaya nga po ng paglalaro.

    Ang gaganda ng mga lines sa “may Bukas pa”, may mga aral talaga. Pati yung pamangkin ko po father lagi nya sinasabi yung… “Sabi ni Bro, bawal magsinungaling”

    Gandang araw po!

  13. “Hindi laging milagro ang sagot sa problema ng tao. Gusto ng Diyos tulungan mo rin sarili mo.”

    agree ako dito. tulong na lang sa sarili nnatin minsan kinakatamaran pa. nako kaya ako kahit ano ng diskarte sa buhay ginagawa ko basta ba alam kong di ako nakakaperwisyo ng kapwa e

    😀

  14. napako ako kay santino ngayon at ang ganda ngayon patungkol sa pangungumpisal sa pari…
    bagay na dati hinid ko talga magawa nuon… kase katwiran ko tao lang kayo at baka nga i tsismis nyo ang ssabihin ng mangungumpisal…. 🙂

    yan din ang ayaw na sakramento ng mga magulang ko… maging sister ko…..

    pero ng sabihin sa akin ni sister linlee na pag may nagtanong sayo uli tungkol sa pangungumpisal sa pari…gamitan dw sila ng metaphor?…at ihalimbawa ang waling sa inyo…..

    masasagot mo ba sa akin bakit walis…. 🙂
    maganda ngayon ang may bukas pa…..

    buti nalng 3 yung t.v.
    sa kwarto ako watch kse dto sa sala darna…
    sa kwarto ni lester …. net25 INC 🙂

    ang kulit ng pamilya ko noh…. may kanya kanyang gusto panoorin…

    yun lang nakatutok ako ngayon kay fr.jose….
    ano kya gagawin nya?….

    • una gusto ko magcomment doon sa kumpisalan scene nila kasi may mali doon.

      pag ang pari nagpapakumpisal, ang dapat gamit na stola ay VIOLET. Green ang gamit ni fr. jose.

      bawal mag-inquire ng names sa kumpisalan…”sino ang batang papatayin ng asawa mo?”…parang to that effect ang tanong nya…

      may mga rules na sinusunod sa kumpisalan…pag may leakage, pwdeng mabigyan ng parusa from the bishop…

      • ganun po pala yun, kaya pala pansin ko pag confession, naka-violet ang pari. ano pong reason at naka-violet? di ba pang lent and advent ang violet/purple?

        Is it because advent and lent are the times when we should reflect and prepare ourselves for the coming of Jesus (advent kapag birthday ni Jesus at Lent kapag resurrection ni Jesus) and confession is also a way to prepare ourselves? sorry na po at ang daming tanong…

    • hmmmm so dapat mag koment ka sa website nila padz para ma inform ang writer na sumablay siya sa script nya tsk tsk tsk

      laking issue yan sa mga kaparian ah….
      lalong magdidiwang ang ibang sekta nyan sa ating relihiyon….

  15. ouch!!! grabeh si fr.jose tinalikuran ang bokasyon ng dahil lang dun…?
    o baka na apektuhan din siya sa laging pag uusap ng mga ksamahan nya ng nakatalikod sya?..tsk tsk tsk…. may nagaganap nga kayang ganyan padz?………..sa totoong buhay?….

    pero ayos din si fr.jose ha at nagpakatatay nlang kya siya ni santino?….
    instant na may anak…. 🙂

    pero feeling ko makakabalik yun….

    now lang uli kase ako nanood ng may bukas pa eh…. 🙂
    inaatake kase ang lola mo ng rhinitis… 🙂
    kya nagkulong sa room………………………………….

      • oo nga eh… parang sira pero sa totoo lang may na encounter akong mga kaparian na ganyan……..

        pag usapan ba raw ng wala yung tao………KAINIS!!!! Kahit nga madre eh………pero sa kabila ng ganun ang nakikita ko gusto ko pa ring pumasok (at pagttdyakan ang mga ganung tinawag JOKE 🙂 )

        Pero pinanghahawakan ko nalng yung malimit sabihin sa akin ni ian na “wag mong tignan yung taong makakasama mo sa loob ang mahalaga tumugon ka sa tawag ni kristo”…

        ndi naman mga kasamahan mo o kongregasyon., ang pinagsisilbihan mo…si kristo lhen ang siyang tumawag syo kung sakaling ituloy mo”-ian……. kase siya mas marami siyang na eencounter na ganun sa loob….sabi pa nga nya…”lhen wlang seminerista na mabait…lahat siraulo kami sa loob…kya nga may formation eh…”-ian… “kaya magpakabait kana..hihihi”-ian

        at naalala ko sinabi mo nun …”parang tulad sa kaparian nyo na iba’t ibang ugali., amoy.,at kulay pero iisa ang layunin ang makasunod kay kristo” tama ba?… ndi ko na binalikan yung post ko na PUTI@ITIM NA anghel tinatamad ako eh…. 🙂

        at naalala ko nga pala nung unang salta ko rito sa site mo ang nabugaran kong basahin yung ABOUT ME mo at may tanong dun si jason sayo ..”father bakit kelangan pang magkumpisal sa inyo?…hindi ba pwedeng dumerekta?…ewan ko kung nareplyan mo yun….(teka punta nga ako dun…)

        k

  16. hahaha. 44th? wew. improvement. last time i’m the 49th. LOL.

    yah father. i’m a student nurse. i’m on my third year now. i’m already a registered midwife. i passed the licensure exam last april. our school fielded 3 placers this year. 1st, 6th and 8th. wew.

    di naman halata father na adik ka sa may bukas pa. hahaha.

      • @poot ngayon mo lang ba nalaman?.. 🙂

        lagi ka dito sa site ni padz tska sken ha para kang nagbabasa ng comedy bar…. 🙂

        ako si pokwang at si padz si chocol8 hehehe 🙂

        naaliw yung bata sa conversation dito ah
        ah tsak nyan maaadik na rin yan dumayo ng dumayo dito yan… 🙂

      • padz pag nagmadre ako tsak yun libre talaga lage… 🙂

        mga donation lalo na kse pag nakitang naka belo ka 🙂
        kahit sa jeep ndi ka na pababayaran 🙂
        gaya ng mga klasm8 kong AVE MARIA franciscan sa DLSU nun
        asteeeg yung mga yun 8 silang naka belo nilibre ni manong sa jeep ako hindi…tsk tsk tsk iba talaga pag naka belo oh 🙂

      • oy kababayan ko yang si chocolate. matalino yan.

        at ito pa: pag magpapa-medical mission tayo, madali na tayong makahanap, kasi may mga bloggers na tayo na mga nurses, doctors, midwife, etc…sila na imbetahan natin. double purpose na rin yan, kasama na diyan ang EB. hahahaha.

      • talaga kababayan mo si chocolate at matalino na talaga sya parang ikaw na MAGNA CUM LAUDE?hehehe

        ah ganun pla ang purpose mo sa bloggers na nsa medical field…
        naku ang ASC ndi na kelangan kase karamihan sa kanila mga nurses na at doktor at may clinic sa tandang sora….

        baka ang ASC kelangan natin….hehehe

  17. hanlayooooo!

    wag mo kong ianalyze, hindi ka naman analysist. -panalo ito. hahaha. peram po, ipangteteks ko sa mga fans ko. lol

  18. Una po Father, salamat sa pagpayag at sa iyong celtext this morning – nakatulong po iyon para magising ako ng maaga.

    As I promised, na linked na po ang site n’yo sa aking mga blogsites sa wordpress though still planning na isama ko pa rin kayo sa iba ko pang blogs sa blogger.com at sa iba ko pang social networks.

    Sa ngayon po nandito na kayo sa: http://pruelpo.wordpress.com/ at http://dxnnetworkmarketing.wordpress.com/.

    Of course, open din po ako sa iba nating friends dito wish ko rin na maki pag connect sa kanila…sana they would welcome me, hehehe.

    Tuloy lang po ang kasiyahan dito ako’y natutuwa sa pagbabasa ng mga replies ninyo.

    God bless. Hope all is well.

    Paul Pruel
    Riyadh, KSA

    • hehehehe salamat naman paul at bumalik ka dito. salamat at naalala ko pa ung number mo. noong sinave ko kasi number mo, “paul” ang nilagay ko.

      ngek! may isa pa pala akong paul na kakilala. mabuti na lang medyo tanda ko pa ung number mo kaya “paul blogger” na ngayon name mo sa directory ko.

      balik ka ulit dito at makipagkulitan sa mga kaparokya ko dito. masayahin ang mga yan at sarap makipagkulitan sa kanila. nakakatanggal ng stress after the day’s work and ministry.

      • Siyempre po Father lilimitan ko ang dalaw dine at itong site mo ay isinama ko na sa desktop ko para short cut at makakarating agad hehehe. Salamat din na ako’y official nang nakasama sa iyong phone directory. Thanks din po sa pagsilip ninyo sa aking baul/baol kung saan doon ko itinago ang mga awit at tula ng aking puso. Ingats po at sa lahat ng kaparokya…

  19. cool! gusto ko yung mga linya sa MBP kahit na hindi na ako nakakapanood ngayon ng mga tv shows hayz! naalala ko tuloy kung kelan ako huling nanood niyan. nung semana santa pa, nag MBP marathon ako sa ABS-CBN… hehehe

  20. father! I agree with number 12.

    Father Jose is right He wanted us to stand on our own and take actions with our plans and goals in life 🙂

    by the way father ang cute mo doon sa picture the one with the mineral water hahaha 😛

  21. Hi Father, Morning po. Talagang sinusubaybayan mo ang palabas na yan. Kabisadong kabisado ang mga lines ng bawat character! Simple lang yung mga lines pero may dating. Hindi talaga ako nakakapanood niyan. Minsan dahil sa sched o dahil na rin nag-iinternet ako. Aw! Hehe.

  22. Salamat Father, gift ko po sa iyo ay “hug ng pasasalamat”.

    Isa sa mga linyang nasilip ko sa taas yong tanong ni (Santino)

    (10) “Kung ang lahat po ng tao ay takot, sino po ang magiging tagapagtanggol?” (Santino).

    Simpleng dialogue na patanong nguni’t ang lalim ng impact nito sa isip at puso ng tao.

  23. Father may dala po akong bonus, officially naisama ko na ang link mo sa aking blog sa blogger.com, http://wellnessincome.blogspot.com, under “My Other Online Profiles/Favorite Websites”. Just in case at gusto n’yo pong bisitahin you are always welcome.

    Magandang araw din po sa lahat ng mga kaparokya dito. Hindi man tayo nagpapangita in person o magkakakilala sa ngayon – masaya na rin po akong makadaupang palad ko kayo sa pamamagitan ng palipad-titik dito mismo sa bahay tambayan ni Father Felmar.

    Hope all is well. God bless.

    Paul Pruel
    Riyadh, KSA

      • Thank you po Father at iyong binisita ang wellness blog ko. Ito naman po ang gift ko sa iyo. Gamitin n’yo po itong life time discounts card ko sa mga produktong gustong bilhin sa alin mang DXN centers sa Pilipinas.

        So far meron na kaming at least less than 300 DXN centers jan sa Pilipinas. Just copy and print my complete name at number. Sa DXN hindi makakabili ang publiko ng anumang products kung hindi idadaan sa isang DXN Distributor. I give you my authorization to use my DXN International Distributor ID bilang gift ko sa iyo.

        Paulino O. Pruel
        DXN ID No. 144069928

        You can use this ID no. to purchase DXN products at the nearest DXN centers of your location to avail the 15%-25% discounts. (ito ay life time discounts).

        Ano po ang exact location ninyo jan para maibigay ko sa inyo ang DXN address na malapit po sa inyo? Meron kaming centers jan sa Zamboanga City, Zamboanga Del Sur at Zamboanga Del Norte.

        Regards,

        Paul Pruel
        Riyadh, KSA

  24. nagbasa lang po ulit ako fads at napako sa number 6. Totoo po ito.

    May isang bagay po akong ilang beses ikinumpisal dati pa. Lagi din naman akong binibigyan ng penance ng confessor pero sa sunod kong kumpisal, sinasabi ko pa rin yun palagi kahit d ko na rin yun inulit. Isang araw, that was before lent, nangumpisal ulit ako. For some reason, tinanong ng pari kung naikumpisal ko na raw ba iyon. Inamin kong nakumpisal ko na. Kaya ang sabi nya sa akin, pinatawad na raw ako ni Lord doon, pero ang di daw nagpapatawad ay ang sarili ko. Aside from my penance, pinayuhan nya ako to forgive myself. After that confession, mas gumaan ang pakiramdam ko. I did not know before that, that what was making it difficult was my inability to forgive myself. And i really felt as if it was God directly talking to me thru that priest. I left the church crying, but with a much happier disposition. Ü

    • tama ang ginawa ng pari. naku, maraming pong ganyan pag mangumpisal, paulit-ulit ang kasalanan na kinukumpisal….ganyan din ginagawa ko.

      there are also people na halos weekly nangungumpisal over the same sin. sinasabihan kong huwag muna silang mangumpisal for one month for penance.

  25. Father! 😀 😀 😀

    Aina po ito galing GTM. Ngayon lang po ako nakadalaw sa blog nyo! Wahehe! 😀 Last base. 😛

    Dahil po sa bagyong Ondoy at sa boredom na nararamdaman ko these past few days (3 weeks na kaming walang pasok, errr) eh biglang naging fan po ako ng May Bukas Pa. Wahaha. Crush ko nga po dun si Santino pati si Father Jose eh. Yeeee. *shot*

    Personal favorites:
    – “Pagsubok lang yan, wag kang bumitaw.” (Cocoy)

    – “Ganyan talaga ang buhay: may mga bagay na kailangang pagtiyagaan, may mga bagay na kailangang paghintayan.” (Mayor Enrique)

    – “Kahit anong problema, pag naglalaro ka, sasaya ka.” (Santino)

  26. Great! Sinusulat niyo po talaga ang mga nagugustuhan niyong lines mula sa May Bukas Pa.

    Sinusubaybayan ko rin ang ‘May Bukas Pa’ rito sa Australia. Nakaka-inspire! o”,) (Salamat sa TFC.)

  27. “Hindi laging milagro ang sagot sa problema ng tao. Gusto ng Diyos tulungan mo rin sarili mo.” (Padre Jose). Ito pong tinuran ni Padre Jose ay akma rin sa mga pusong nasugatan. Tanong ko po Father (kasama po kayo) sino po kaya sa mga kaparokya natin dito ang unang makakabase sa tulang hinabi ko’t posted na ilang minuto palang ang nakakaraan sa link na to (kung sakali lang naman na maibigan ninyo hehehe) http://pruelpo.wordpress.com/2009/10/14/muling-buksan-ang-puso/

  28. aba! para pala kayong kidlat Father kung kumilos hehehe. ibig sabihin nang aking isinasaayos ang posting nandoon na pala kayo. dalawang beses ko nga po na post yon dahil nag hang ang computer ko tapos nang maisaayos ko na saka agad ako punta dito.

Leave a reply to Aina ♥ Cancel reply