SILIP SA BUHAY-PARI (PART TWO)

Ph_locator_zamboanga_sibugay_olutangaIto ang Mapa ng Zamboanga. Highlighted ang Olutanga Island.

Andito na ang second part ng aking pasilip sa aking masaya, magulo at makulay na buhay bilang misyonerong pari. Ika nga, “O God, whatttalife! and it is Yours.” Kinaya ko lahat kasi andyan lagi si Bro. Thanks Bro!

11. Anniversary Mass. One of my friends invited me to celebrate mass sa anniversary ng isang cosmetics and lingerie brand kung saan siya nagtatrabaho. Memorable sa akin ang misang iyon sapagkat for the first time, ang aking background ay hindi mga estatuwa ng mga santo kundi estatuwa ng mga models in bra, briefs and panties. ohlala!

12. Power Ranger. Dahil lagi nga maputik dito, binilhan ako ni Fr. Dan ng boots. Pag pupunta ako ng barrio, lagi akong naka-boots. Sometimes di ako comfortable sa boots, pakiramdam ko kasi isa akong Power Ranger.

13. Kasal. Nong first time ko na magkasal dito sa isla, excited na excited ako. Pagpunta doon, naka-barong tagalog pa ako at naka-slacks. Pero nagulat na lang ako dahil bigla na lang nag-detour ang aking driver at dumaan kami sa mga niyogan na punung-puno ng mga makahiya at ang mga amorsiko ay dumikit na sa pantalon ko. Dyahe!…..Pagdating ko sa venue ng kasal, ang parents ng ikakasal ay nakashirts…ang bride and groom nakatsinelas. Hehe. Para akong na-out-of-place.

14. Ang Tsalap-tsalap! Ang pagbibigay ng last rites sa mga namamatay ay laging memorable sa akin. Ngunit ang isang encounter ko lately sa isang babaeng kapapanganak lang ay talagang stand out to the highest level. Pagkatapos niyang mangumpisal at magcommunion, tinawag niya ang kanyang husband at sinabihan, “Sweetheart, kiss me.” Kiniss naman siya ng kanyang husband. The dying wife blurted out “lamia oy! hastang lamia oy!” (Translation: “Ang sarap! Ang sarap-sarap talaga!” This is to be understood in the superlative sense!)….Siyempre, pigil na pigil ako sa pagtawa. Then the dying wife said, “Sweetheart, take my clothes off…” Aba, aba, di na ako kasali doon, walk out na ang baby priest.

15. Koks. When you are in the province, ang tawag ng mga pinoy sa softdrinks ay “koks.” (di ba????). One time, in a birthday party, magkasabay na nai-serve sa akin ang softdrinks at ang cake. Sabi ng birthday girl, “Father, inom muna kayo ng koks!” …Umandar ang pagkapilyo ko, kaya ang sagot ko, “Thank you, unahin ko muna itong kiks.”

16. Life. A 28 year old separated young man was shot in the head. Dead on the spot. Walang witness na tumayo. Sabi ng mga tao sa akin, “common yan dito Father.” OMG. God bless the young man…

17. Detecting Mass Goers. Maliit lang ang isla ng Olutanga, kaya naman madaling malaman kung sino ang mga nagsisimba at kung sino ang hindi. Pasok ako sa isang tindahan. Pag babatiin ako doon ng “good morning Father!”, nagsisimba ang mga yan! Yong mga di nagsisimba, ang bati sa akin ay “sir, sir” or worse “Anong bibilhin mo totoy?”

18. Loyola High School. Ito na yatang Loyola High School dito ang pinaka-interesting na school na nakita ko. Founder ay Jesuits. Administrators ay Dominicans. Campus Ministers ay SVD. Color ng uniform ay green.

19. Funeral Bloopers. Ang funeral ay isa rin sa mga matinding source ng bloopers. During the funeral service for her husband, the old lady cried with all her heart out. After the blessing, sinabi ko na pwede ng ilabas ang coffin sa simbahan. Aba, umeksena bigla si lola. Picture-taking daw muna. Muntik na akong mag-collapse dahil during the picture-taking, si lola naka-V sign pa! Parang teenager!

20. Feast of St. Dominic. In front of the Dominican sisters, I delivered my homily about St. Dominic. I jokingly told the parishioners na pagkatapos ng misa, “let us go to the sisters and eat their house.” Lol. Pagkatapos ng misa, takbo agad ang madre, at pagbalik may lychee desert coated with nestle cream na dala . Hehehe. Sabi niya, “i really appreciate you Father. You are an SVD and yet you are more Dominican than us.” Hahaha. Ang bait ng mga madre.

Check out the latest update on BASE AWARDS.

Next post will be September 29, Tuesday.


blog

____________________

RECOMMENDED POSTS:

219 thoughts on “SILIP SA BUHAY-PARI (PART TWO)

    • Ito na ang aking kumento Padre Fiel.

      11. Pati pala mga lingerie nagpapamisa 🙂
      12. Mighty Morphin Power Ranger bang, bang, bang
      Ikaw po ba yung White Ranger?
      13. Dapat pala talaga alamin natin kung “dress up or dress down” hehe.
      14. Oo nga ano Padre Fiel
      15. Koks – buti na lang may s Padre Fiel, kung hindi mas masagwang pakinggan.
      16. Nakakatakot pala diyan Padre Fiel.
      17. Guilty din ako Padre Fiel. Di din ako pala simba totoy, ay mali Padre Fiel pala. hehe
      18. Ang galing. Parang “united colours” ang dating ng eskwelahan. Iba-iba ang grupo. Patunay na nagkakaisa ang lahat.
      19. Rock on!!!!
      Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
      20. Pasensiya na Padre Fiel pero parang hindi ko nakuha.
      19.
      18.

  1. Hahaha…gusto ko po lahat ang bloopers…pero first three ang 17, 18 & 19…hahahahaha
    #17 Kahit ako Father…kung di ko pa kayo kilala…malamang ganun din ang tingin ko sa inyo….Totoy…parang haiskul lang…hehe

  2. father! pede na po kayong gumawa ng libro sa dami ng adventures niyo. (dahil alam kong kulang pa ang mga yan, hehe)
    father totoy na nakapower ranger boots habang kumakain ng kiks. wahaha hangkulet :p

  3. Late ako. Wala nakong points. Hehehe..

    11. Father parang nakakailang tong eksena na to para sayo?
    12. Kulang nalang helmet.. Hehehe.
    13. Mahirap pa naman tanggalin ang amorseko sa damit.
    14. Bakit siya mamamatay Father? Ang lakas pa ng urges niya kahit mamamatay na siya!
    15. Hahaha!! Laugh trip ako dito!!! Salbahe ka Father baka iba isipin nila. Hehehe.
    16. Tsk tsk tsk, delikado dun. Kapag may gustong gawing masama sayo ang ibang tao walang poprotektang batas.
    17. Guess ko lang to Father, hindi ka matangakad (peace tayo Father)? Yung ate ko kasi hindi masyado biniyayaan ng height kaya minsan napagkakamalan siyang high school student kahit college na kami nun.
    18. Di ko gets???? Hahaha!!!
    19. Masayahin talaga ang mga pinoy..
    20. Mukhang masarap yun, ta-try ko yan. Father bakit niyo kakainin yung bahay?

    • 8th base ka akrebley….next time sana mas maaaga pa ang pagbi-base mo dahil dito kapag pumasok ka sa first five na base, may points ka na.

      ung sa cosmetics brand…once lang nangyari un. sana imbetahin ako ulit next year.

      ung sa dying wife, in fairness, nabuhay siya after that. LOL. nagtagal pa siya ng one week bago tuluyang natigok.

      uhum, ung sa height ko, tingnan mo na lang friendster ko.

      ung di mo ma-gets ganito un: sa mga religious congregations, kung ano ang grupo, ang name ng school ay galing din sa mga santo ng grupong yon (ex. SJ = Ignatius of Loyola).

      Kaya interesting siya dahil Dominican ang mga adminsitrators, tapos Loyola High School siya. Dapat sana kung Dominican ang admins, St. Dominic High School.

      Riot pa kasi naki-join ang SVD sa campus ministry.

      At ito pa: Ung Loyola at SJ associated with Blue (Remember ang Ateneo ay SJ school?), then ang Loyola high school dito ay green = which is associated with La Salle.

  4. ano ba yan padz kanina pa tong pc naka open from 5am open ako ng open ng site mo naka bookmark na nga dito hindi pa rin ako umabot haaaaaaaaissssst!!!! kainiiiiiiiiiiiiiiis!!!!!!1 grrrrrrrrrrrrrrr!!!!

    🙂

  5. Wahahahahahahahhahaahahahah!!! You made my day pads! Ang gandang agahan nito! Thank u ng marami!! Sana may part 3!

    Nde kinaya ng powers ko si lola na naka V sign pa sa picture, nawalan ako ng ulirat!! hahahaha..

  6. BASE! BASE! BASE! (habang buhay may pag-asa)!

    ang saya naman ng buhay-pari ! Totoy, bibili ka ba ng KOKS? hahaha. una kong narinig ang “koks” sa Marawi.

    makaka-base din ako sa Part 3. hahaha.

    salamat fr sa napakagandang kwento sa umaga. madaling araw na ako natulog, pero wala pa ito kanina. ang bibilis ng mga nag-aabang! astig ka talaga fr. 🙂

    • ewan ko ba kung itong mga naka-base sa akin eh natutulog pa. wala pang one minute, meron nang nag-base! in less than 5 minutes, nakumpleto ang first five sa base.

      internet early in the morning ginawa nila.

      hehe. ang niluluto ko ung part two naman ng buhay seminarista. as usual, may mindoro tribute na naman ako.

  7. Hehehe… Ang dami nang comments!

    Anyways, natawa ako dun sa kiks, at sa koks…Haha! Having a penmchant with linguistics, hindi ko pa rin nadidiscover kung ano ang dahilan bakit sa mga probinsiya, ang Coke ay “koks”… hehehe…

    At amusing ang Loyola High School na yun… Nakisingit pa ang La Salle… Haha!!!

    At siyempre, number 1 si Lola na naka V-sign… Astig!
    Hehehe…

  8. ayan comment na ako …. dito naman ako sa keyboard mag type kase pagod na ang thumb ko sa cp…. 🙂

    gusto ko yung koks at kiks 🙂 bisaya nga naman oh 🙂

    tska yung dying wife bwahahahaa sayang wala kang nasaksihan pag take off ng clothes?… weh???? hindi nga ? 🙂 aminin…. 🙂

    abah mga dominican sosyal lychees desert with coated nestle cream? abah hindi papaya … 🙂 bwahahahaaha

    mga dominican nga naman oh halerrrr sosyal ang mga lola 🙂

    padz anong congregation kaya yung sinasabi ng frend ko na mukhang penguin 🙂 tabi tabi po….. 🙂

    kase si sis.do ng RVM concious sa figure nya ayw kumain ng marami baka daw lumaki tiyan nya………. sagot ng friend ko nun (pabulong sinabi sa akin) baka kase maging penguin 🙂

    • pramis lhen, wala akong nasaksihan doon sa dying wife. nalaman ko na lang kinabukasan na nakarecover siya at tumagalpa ng ilang weeks.

      mababait ang mga dominican sisters sa akin dito. inivite nga nila ako na magbigay ng retreat sa isabela, basilan…and the thought excites me!

      congregation na mukhang penguin?????? hahahahahaha!!! di ko alam yan…pero sa tagaytay may nakita akong mga madre na parang uupo sa electric chair kasi ung belo nila may alambre sa labas na para bang sisintensyahan na ng death sentence…nakalimutan ko ang name ng congregation…

  9. di ako makaget-over sa 14. kelangan non ng separate post pader. hehehe. sad na happy na di ko alam. ano bang background don pader?

    pati yung 16 pader, how and where exactly did it happen? maygali. :O

    yung 18, hahaha, so lasalle pala ang sinusuportahan nila sa uaap? 😛 😛 😛

    • 14. hehehe pwede nga un na isang separate post. pero ayoko na isali ung ibang details kasi baka ma-censor ako ng aking mga bosing an nagbabasa rin ng aking posts…hehe. maalala ko kasi dati, ung isang featured friend ko na beauty queen na sumali sa miss cebu contest, biglang nagprimary pix ng kanyang swimsuit photo — aba, ung isang pari tinawagan ako. palitan ko daw featured friend ko….

      16. kumanta lang naman siya ng “my way” — totoo ito ha…then tinimbog na siya sa labas ng videoke house.

      18. yes, maka-lasalle ang loyola high school dito…

  10. Daming dating SVD ako na mga kaofficemate dito sa la salle dasma ehehhe! Baka ung iba eh naging kaklase mo pa 😀

    By the way, I have been once sa zamboanga sibugay pero dun sa may lakewood. Ganda talaga ng mindanao, grabe! A place to behold!

  11. hahaha…salbahe pala sense of humor ni padir. kok and kik pa raw. kung naging pari ako eh baka ganyan din ang attitude ko…or baka manaood ako sa #14

  12. Di ko feel yang mga base na yan. Mahina ako sa takbuhan at pindutan eh.

    Dito na lang ako sa pagcomment. Napaka klasiko naman ng mga istorya mo, father. My favorites:

    1. Yun naka-boots ka. First power ranger priest in the Philippines.
    2. The dying wife blurted out “lamia oy! hastang lamia oy!” (Translation: “Ang sarap! Ang sarap-sarap talaga!” This is to be understood in the superlative sense!)….Siyempre, pigil na pigil ako sa pagtawa. Then the dying wife said, “Sweetheart, take my clothes off…” Aba, aba, di na ako kasali doon, walk out na ang baby priest.

    Father, puede bang maging National Artist ang pari? Wala bang lalabagin sa Church rules ito? If you’re a candidate sa ganitong award, di ako magpo protesta. Ikakampanya pa kita.

    Ang gara ng mga kwento mo. Nakakaalis ng pagod. Sana maraming pari pa katulad mo. 🙂

    PS: Olutanga is part of Zamboanga? Masilap nga ito sa Google Map. 🙂

    • hehehehe naku ayoko sa national artist award…controversial award giving body na yan ngayon…hehehe.

      yes, olutanga is part of zamboanga. this is part of zamboanga peninsula. from mainland zamboanga, ang islang ito ay pwedeng languyin lang. kung sasakay ka ng canoe, wala pang 5 minutes, nasa kabilang island ka na. mas malayo pa nga actually ang mandaue at mactan…

      sana nga lagyan na lang nila ito ng bridge…

      • Kumusta ang peace and order situation diyan sa lugar mo? Kaunting ingat, Father. Perhaps you already know what I’m referring to. Yung ang mga raket ay mag imbita ng pwersahan. Iklaro mo muna kung may internet connection at internet facility sa pupuntahan mo kung sakali. lols

        Take care, Father.

  13. wow nasa mundo yata ako ng sikat, andaming comments… teka may sasabihin pala ako….

    SUPER BASE!!!

    nakakaaliw ang mga kwento mo father, pwede ka na sa comedy bar… dalin nga kita don pa gpunta mo dito sa manila…

    teka atawa muna ako…

    whahahahaha…

    • naku, nagtatago ako pag nagpupunta sa comedy bar baka maokray pa ni vice ganda. may nakakatuwa akong experience dyan…5 kami na nanood sa laffline. then, sa start ng show, di ba wini-welcome lahat. pagtapat ng lights sa amin…sabi ni vice, “ang gwa-gwapo!”

      it turned out apat lang pala sa amin ang natapatan ng lights. ung isa naming kasama na di masyado gifted sa face value, di nasama…

      napansin ni vice yun…kaya bigla siyang kumabig…

      tinapatan ng lights ung isa kong kasama na di masyado gifted sa face value at sabi ni vice…

      “ay! pero ay panabla!”

  14. Father, muli pinuno mo nanaman ng kabag ang tyan ko. haayyy!!!

    natawa ko sa last request ng matitigok na wifey at sa lolang namatayan at nakuha pang mag JAPAN JAPAN. ahahah PANALO!

    and to all the TOP 5 for the this entry:

    Hay payb! CONGRRATULATIONS.. 😀

  15. ganda naman ng experience mo… naalala ko rin tuloy noong nasa kombeto pa ako natutulog every sunday. dami din bloopers, hawig sa mga nabangit mo. kasal, outfit, masasayang sandali, barkada at iba pa.

      • hehe as always.

        share ko lng funny experience ng cousin ko nung bago p lng syang priest. Fiesta smin nun, as expected super dami ang ngpabinyag. My isang nanay n mgppbinyag ng knyang baby. When its their turn n pra phiran ng oil ung baby, umiyak ung baby so ang gnwa ng nanay ngbreastfeed sya. Nahiya c father so d sya tumitingin s mag-ina kya ang ngyari instead n s noo ng bata nya naipahid ung oil dun s breast ng nanay nya nailagay hehehehe…. It was very funny lalo n maisip ko itsura ni father n super pula ang mukha sa hiya hehe.

  16. hello nakikidaan ulit, I like the pictures ah! specially yung nasa front na medyo all white shirt and pants..nagmistulang Manny pacman eh, sa gupit saka sa ngiti , remember first fight niya ki marquez yan an haircut style ni Manny, pambansang kamao

  17. Waaahhhh… kaka tuwa naman father

    #15: The best si koks at si kiks! Well ung iba naman po kasi POP lang ang tinda.

    #19: Si lola walang hilig sa camera, pati sa funeral naka peace sign. Waaahhhh cool si lola!

    Gandang araw po.

  18. hello po. padaan lang. 🙂
    fan ako ni otep sa blog niya. nung mapadaan ako dito, ito ang nabasa ko.
    it really made my night.

    tawa ako ng tawa. magiging fan na rin siguro ako ng blog mo.

    peace! 🙂

  19. “O God, whatttalife! and it is Yours.”

    Alam ko yang kantang yan pads ah!

    To live in the midst of the world.
    Without desiring its pleasure…
    To be a member of its famly..
    Yet belonging to nun… este none.

      • nope father. si Dobby po yan ng Harry Potter. hehe., Question lang father, yaman din lang at nabanggit niyo po yung gravatar ko, ano po ang inyong saloobin sa nobelang isinulat ni JK Rowling na pinamagatang Harry Potter?

        *ahon, nalunod ako sa tagalog ko.*

      • hehehe yeah! tama! siya ung pangit doon sa harry potter na maliit…

        di ako nagbasa ng novel niya pero napanood ko some of the harry potter movies. pero mas like ko pa rin si tolkien.

        maganda ang vehicle na ginamit ni rowling — magic — para mapersuade niya ang kanyang audience. ironic kasi in the first place, she doesnt believe in magic. magandang malaman na most spells na ginagamit doon ay incantational, di invocational.

      • aylabet father! ahihi., kala ko isa rin po kayo sa mga miyembro ng simbahan na tumutuligsa sa kwento ng harry potter., hehe.. gogo father! favorite na kita! hehe..

  20. nyahahaha na aliw ang morning ko kakabasa ng mga comments dito napako nanaman ako hindi ko matapos ang mga jobs ko deadline pa aman bukas…………
    hmmmmp!!!!!!!! dibale madali nalang ilan nlang ba itong lay out ko?>.. 123…..ah 13 nlang tapos na ako…. nyahahahaaha 🙂

    tapos mag draft na ako ng next post ko
    ANG PASAWAY!!!(shhhhhh ako yun 🙂 )

      • sira nagreply lang ako nung nagtxt ka na “GRRRRR BROWNOUT”
        sabi ko nagising ako sa beep ng smart retail no. ko…. tulog na rin kaya ako nun…ibig sabihin tulog ka na nung magbrownout???….nyahahahaha yeheeeey natutuwa naman ako at maaga na ang baby matulog…. hahahaha… tama yan makinig ka naman minsan sa mga katekista…… 🙂 at siyempre para tumangkad…..hmmmmmmmmmm ASA??… ako hindi na…. hindi na ako tatangkad……. pero tulog pa rin ako ng maaga para humaba buhay……………. 🙂

      • may mga kanya kanyang gamit kase yun…. ung 0922 and 09023 ko para sa mga sun subscriber ko yun…. yung 0923 kc may freetxt kada bwan ng sun yun kaya pwede akong mag txt sa smart pag wla ng sustento si smart retail ko (0921) si 0918 eh…gamit namin ni ipe dati yun pag kwentuhang malupit sa txt…. 🙂 kaya lang sira yung cp kong yun…. minsan nga sabay sabay tumunog….. hahahaha

        remember?nasa ospital ako dala ko smart retail n0. ko while holding my another cp na may katawagan (yung 0922 ko…) yan kase lagi kong dala pag umaalis ako…. tska si 0918 kase minsan tamad na akong magtxt …. kaya maganda ang sun more on call nalang…sa combo10 lang may 10mins call ka na eh…talagang malilito ka pero yung 0921 ko ang madalas kong gamitin pag may freetxt ni smart na 300 kaso ngayon….medyo slow moving ang sales kaya …. hindi umabot sa target sales… kainis kase yung promo…. na mahaba yung duration ngayon ng credits….. lugi ang negosyo…..

        pang transaction ko kase ang 0921….. pero pag wla lahat na sustento mga cp ko sa network…. to the rescue si SUN CHIKKA ko 🙂 ….

  21. gud ib padre!

    grabe. sobrang nakakatawa yung post. especially dun sa part na may dying na kakapanganak na sanggol. sobrang humagalpak ako dun. hindi dahil sa mamamatay na yung mother (may her soul rest in peace) pero dahil dun sa kiss na ang sarap sarap. ang sarap sarap talaga.

    CHEERS father. 🙂

  22. di ko talaga kakayanin pumasok sa seminarista kung ang nakapaligid ay puro mga panty hahaha

    natawa ako sa mga hirit mo baby father. haha

    ang kulit.

    sarap mo siguro kakwentuhan at may mga konting kalokohan na puedeng pagusapan 😀

    ingats father

  23. Gud day po!
    Michael Saavedra po ito ng Redemptorists.
    At nag-aaral po ako sa CKMS at kasalukuyan pong 1st yr collegian palang..
    Nais ko lang pong bumati..
    Napadaan na din po ako sa inyong Blog!

    Salamat po!

    johnmichaelsaavedra.wordpress.com

  24. Fr. Fiel di ko mapigilang bumingisngis sa Funeral Blooper at Ang Tsalap tsalap moments!

    Ang saya naman pala ng buhay Pari bat kaya wala akong calling? hehhe!

  25. ang labo kong maka base dito hehe..
    pupunta ko ang dami na agad nila hehe..
    bebase na lang ako sa txt hehe..
    di ko makita ung picture bat kaya..
    ung pang 14 Fr.tawa ako ng tawa ehhe..grabe hehe..
    katatapos lang nun ha ..
    grabe naman hehe..
    talagang walk out ka na di mo na ba inantay ang iba pang nangyari hehe..:)

  26. First time ko magpunta dito. nakita ko lang sa good times manila. 🙂 Katawa ka naman, Fr. Kala ko pa naman di ka tunay na pari. hehe.

    from now on, i will regularly check your site 🙂

      • Group hug! hehe.

        actually kung di ko pa natanggap ang lumilibot na email about Korina’s open letter to Shalani na kagagawan ni deejay, e di ko yun mapupuntahan. hehe

        sana maka-base din ako mamaya dito. antagal naman eh. anong oras ba ang regular posting mo, padre?

        ilang araw din pala akong di nakabisita. si ondoy kasi… pati tong internet connection sa office, naapektuhan.

        pray po tayo na sana e marescue na lahat ng mga nasalanta ni Ondoy. and may we be able to help in the restoration of destroyed lives…God bless…

  27. natutuwa ako sa bonet mo 🙂 ang daming magagandang kuha eh … bakit yan mega emote ka jan …. candid ang dating?… 🙂 weh 🙂

    anyweizzzzzz…,, kahit anong shot sayo …. swak naman eh….
    cutie cute cute ang baby priest…. 🙂

  28. Father…yung picture mo sa itaas…confirmed talaga ang titulo mo na ‘Baby Priest’…totoy na totoy pa ang attire!

  29. ayos ang bagong picture sa taas oh…. beybing baby pah… 🙂
    parang nagkukunwari lang… 🙂 kakatuwa …. sa wakas pinalitan ang picture sa taas… 🙂 pati primary sa fs..asteeeeg mukhang manager lang naman… 🙂 wala ka nbang ibang bonet?.. para ka kaseng ….dibale nalang …. 🙂 basta mas nagustuhan kong kuha mo yung HIP HOP eh 🙂

  30. Father, antok na po ako. galing ako duty nadapa ako kakamadali sa pag base ahehehe. pero Im sure ur on ur charity or mission after typhoon ondoy. Sna po ok kau. kahit di na ako makapag BASE sa new entry nio. pag prapray ko nlng po ang pilipinas lalo na ang mga nasalanta.

    ingat father! sleep na si tupe. nyt father zzzzZZZZZZzzzzZZZZZzzzz

  31. Pingback: ONDOY! « Felmar's Missionary Journey

  32. …i’ve read your post in jiggycruz blog ….hopefully, you make a change on that Island…..rampant ang vote buying sa isla na yan…n a lot of vices…..I’ve been to this island a year ago n i observed undisirable qualities as to the character of the people….sayang paraiso pa naman ang Isla….

  33. first time here Fr. Napadaan lang po from someone else’s blog, nakita ko po kasi yung comment nyo dun sa isa kong sinusundan na blog. LOL on number 14 and 19, hilaryus talaga! XD

  34. hahahahaha tawa ko ng tawa nagkakanda ubo nako, lalo pa yung funeral na gusto pa pitchur taking tapos katabi mo coffin o yung namatay, ayoko ng magpa pitchur taking kapagka ganun din lang makakasama ko sa pitchur tapos magbi v sign pa, nakakahimatay hahaha

Leave a reply to bonistation Cancel reply