BUHAY SEMINARISTA

1_226814296l

Since nagpasilip na ako sa buhay pari, back track tayo ng konti. Gusto ko ring ipasilip sa inyo ang mundo ng seminarista. Akala kasi ng marami na saksakan sila ng bait, laging nagdarasal, laging tahimik, seryoso, di makabasag-pinggan. Naku, mali po kayo! Ang mga seminarista po ay nakatira sa isang masaya, magulo, maingay at makulay na mundo.

1. GOD ORDAINS, GOD SUSTAINS. Di ko talaga pinangarap na magpari. Martyr kasi ang tingin ko sa isang magpapari – imagine, 10 years of seminary formation (7 years for professionals)! Yes, ten years! Yan ang sabi sa akin ng isang diocesan seminarian. Ngunit irresistible lang talaga ang calling ni Lord. Nang mapunta ako sa SVD (Society of the Divine Word), aba, 11 years pala ang formation namin. Si Lord nga naman, mapagbiro.

2. LAST MAN STANDING. When we started as young seminarians in Davao, kami ay 21 lahat. Year after year may lumalabas. After 7 years, ako na lang ang natira. Well, nagkaroon pa rin ako ng ibang classmates pero di na sila original na mga batchmates ko.

3. JOURNEY WITH EMERENCIANA. Katekista ako noon sa Holy Family Parish sa may Kamias, QC. Nakilala ko si Emerenciana, 8 years old. Di naman siya sintu-sinto pero sabihin na nating bordering na doon. My companion catechist scheduled her for baptism after knowing from her mother na di pa pala nabinyagan ang bata. During the pouring of the holy water, kumaripas ng takbo! OMG! There was a riot inside the Church! Habulan to the max at parang tuwang-tuwa pa si Emerenciana na pinaghahabol namin. Hay, asan na kaya siya ngayon?

4. WALKING DISTANCE. When I was in Kalinga Province, sabi sa akin ng parish priest na i-assign daw niya ako sa pinakamalayong chapel ng parokya. Di daw ako dapat magworry sapagkat walking distance lang naman. Totoo nga naman. We started walking Sunday, 2:30 pm. Dumating ako sa chapel, 6 pm the following day. Walking distance nga lang…

5. AMASONA. I love catechists! They are unpredictable! Sa Kalinga Province ulit…while trekking the Cordillera Mountains, nauhaw ako. Ikaw ba naman maglakad (walking distance) sa napakatarik na mga bundok, uuhawin kang talaga. Sabi ko sa kasama kong lady katekista, “danum, danum” (meaning water). Biglang bumilis ang lakad ng katekista hanggang sa nawala siya sa aking paningin. We were in the middle of the forest kaya kinabahan ako sapagkat di ko na siya nakita. Lo and behold, noong tumingin ako sa itaas ng niyog, andoon ang katekista! Kumuha ng fresh buco for me..How touching, how goldilocks!

6. HELP! HELP! Sa Kalinga Province ulit…habang naliligo ako sa ilog, nagustuhan pala ng kasama kong paring Bisaya na pumunta sa pinaliguan ko. To his horror, inanod siya ng tubig sa deepest part of the river. Kaya sigaw siya ng sigaw, “help! help!” Sabi ko naman, “joke! Joke! Joke!” kasi nga naman nag-e-english siya! Kaya tawa lang ako ng tawa kahit nakita ko na na parang nakainom na siya ng tubig. Then, he shouted in Bisaya, “tabang! Tabang!” (bisayan word for help, help) ayon nilangoy ko na. And di pa natapos diyan. To his desperation na may mahawakan, ulo ko ba naman ang kinapitan! Kaya lumubog tuloy ako! We had a good laugh after that.

7. PIT SEŇOR. For three years naging Sinulog dancer ako. Hindi sa Cebu, kundi sa seminaryo. Twice sa QC and yong panghuli ay sa Tagaytay. Unforgettable ung sa Tagaytay. Ako na kasi ang tagahawak sa Sto. Niño. Sa kalagitnaan ng prusisyon, ang isa kong classmate ay nagrequest na siya naman ang hahawak sa Baby Jesus. Hindi ko nasabi sa kanya na ang wooden base na tinungtungan ng image ng Sto. Niño ay medyo maluwag na. Kaya ayun, disaster! Noong isinayaw niya, natanggal ang Sto. Niño sa wooden base, muntik ng mabali ang paa at matanggal ang ulo.

8. LIGHT MOMENT WITH FR. ORBOS. College seminarian ako sa Christ the king, QC. One day, the sacristan mayor hastily asked me to be the commentator for the birthday thanksgiving mass of Fr. Jerry Orbos, SVD. Dahil siguro sa sobrang excitement ko ay aking nasabi sa umpisa ng misa, “Our mass presider is Fr. Oscar Orbos, SVD!”….Nakangiting aso ung mga tao, pigil! Parang gustong tumawa. I was really clueless, I turned my back and do some “zipper check.” Closed naman… When Fr. Orbos was already in the altar, he smiled and said, “The commentator introduced me as Fr. Oscar Orbos. Brothers and sisters, I am not the one who ran for vice-president.” Hiyang-hiya ang baby seminarian that time!

9. IN THE HEART OF MINDORO. One time when I was in Mindoro, I asked a Mangyan (a native of Mindoro), to accompany me to the Mangyan community sa isang malayong bundok. She told me what to expect pagdating namin doon. Hindi daw sanay makakita ang mga tao doon ng Tagalogs (general term for Non-Mangyans like Bisaya, Tagalog, ilokano). Totoo nga naman, pagdating ko sa community, nagtakbuhan ang mga Mangyan at nagtago sa likod ng mga saging. Kinausap sila ng babaeng Mangyan na kasama ko kaya lumabas sila sa kanilang pinagtataguan. Then, ang kanilang elder ay biglang sumigaw: “B-14, I-24.” Di ko naintindihan. Doon ko lang na-gets noong may sumagot ng “BINGO!” Hahaha. Akala daw kasi nila pulis ako na taga-implement ng no-gambling policy. Kaya natakot.

pb040039

10. HOLY BLOOPER. It was in 2006-2007 when I became a part of the ABS-CBN’s “The Healing Eucharist” (Sunday, 6 pm). Marami akong magagandang memories sa show na yon. One time, during the Prayers of the Faithful, we were already asking the offerers to line up. One lady caught my sight. Her basket of fruits was very heavy and she seemed to be having difficulty carrying it. “Dahan-dahan lang po,” I told her. In a very solemn procession, she religiously carried the basket and extended her hand to give it to the Mass Presider. Then all of a sudden, the apples fell and nagpagulong-gulong sa red carpet. Buti na lang di nakunan ng camera.

Check out the latest update on BASE AWARDS.

Next post will be September 23, Wednesday.


blog

____________________

RECOMMENDED POSTS:

Advertisements

170 thoughts on “BUHAY SEMINARISTA

    • ALam mo po ba father na akala ko din may calling ako before? sobrang ginusto ko pumasok sa seminaryo kaso di kaya ang tuition fee ng nanay kaya to my inerest, nag choir nlng ako at naglingkod sa knaya gamit ang talentong binigay nia. 😀

      father masyado mo naman ako napaiyak (sa kakatawa) dito. i wonder nasan n nga ba si emerciana. dba nia sinabi na “habulin mo ako father, habulin mo koooohhhh..” ahihihi
      love the story tabang! tabang! napaka kulet mo kasi. joke ka pa ng joke ahahahah matitigok na pla kasama mo. nyahahaha

      hay, till now tawa ako ng tawa pag naiisip ko at picture sa isip ko mga nagyayare sayuo. kakulets! ahahahaha

      teka, bago tyo magkalimutan. ako nagsample sa talento ko, ehhh ikaw?! sampol nman ng SAYAW jan! daliiiii 😀

      salamat father fiel for sharing your life story sa amin. it really inspires us.

      APIR! 😛

      • noong time na pumasok ako ang board ang lodging ay 800 pesos pa lang sa davao pero noong dumating ako sa QC umakyat na ng 1,500 then noong 4th year na ako 2000 pesos na. pag professional na pumasok, libre na pati tuition.

        naku…magsample bah? hahaha buti na lang di pa uso ang youtube noon. dati sumayaw ako ng totoy bibo sa isang party eh, for a cause…sa isang subdivision sa may papuntang fairview. hahaha. buti na lang seminarista pa ako noon kaya walang nagkainteres na i-upload….

      • naku eh paano ka father nakasiguro na wala nga?! eto nga at pinapanood ko…

        “ooohhh ang galing galing mong sumayaw, galing mong gumalaw, galing mong gumalaw bibong bibong gumalawwww…”

        pelekpeken father! galing! 😀

  1. Fr. may nabasa akong libro, actually binigay sa akin ng instructor ko sa bokasyonal, kasi hiningi ko nung mabasa ko siya sa school..
    buti na lang binigay..

    tungkol un sa talambuhay ng isang seminarista..
    nakalimutan ko ung name eh!

    pero nasa bahay ung book na iyon..
    ipapakita ko na lang po sayo ung cover kapag matapos kong ma scan.. 😉

    gaya nga po ng sinabi mo, hindi lahat ng mga nagpapari, mababait.. kasi sa naalala ko lang. Isa siya sa mga tough students dati..

  2. I knew it! I knew it!
    Simula pa lang na hindi talaga lahat ng mga seminarista mababait..

    Kapag kasi may tawag na, kahit na sobrang pasaway ka.

    DI ba Father, kapag may tawag na! Kasi dun at dun ka talaga.

    Thanks for sharing this one to us Father..

  3. eto na ang tunay na comment.hehe.

    well, father fiel. tama ka po dyan.iba na talaga pag si Lord ang tumawag sayo.pag calling mo talaga, calling mo.period.

    btw,yung housemate ko ngayon dito sa malaysia dati ring seminarian pero lumabas para magteacher.ngayon may asawa na saka anak.hehe

    i admire you for your dedication father. ayus.

    btw,kung si kuya topher man manalo, i know ipapaubaya nya na yung prize sakin.sobrang bait kaya nyan.hehe

  4. hahaha… tama ka dito fr. fiel. hehehe… ako po, still painting memories.. hehe… thanks for sharing this. consolasyon ko po ito today… hehehehe

    salamat pala sa dasal last wednesday. may inabutan ako… late na late na… may natutunan naman ata sila… hehehe..

  5. Well, I rest my case. After reading your entry. By the way, I enjoyed reading it. Kahit ulit-ulitin ko pa itong basahin, I have no problem. Saan na ba ako…may adlib pa kasi akong ginawa.

    Balikan:

    I rest my case. You are the chosen one. Pero alam mo na, this is just the beginning. Maraming pagsubok din sa buhay natin sa napili nating landas sa pagkapari man o in my case sa buhay pag-aasawa.

    Father puedi bang i-republish ko itong entry na ito sa blog ng exodians?

    Salamat po.

  6. Hahaha..Father I like this..kakatuwa naman ang mga experience mo lalo ang amazona na katekista…i pray for more lives to be touched by your mission.God bless

  7. BASE!! pasok ba pads? hehehe…

    toinks!!

    tawa ako ng tawa dito, para akong tanga sa office.. hahaha.. hang kulet mo pads!!

    kakatuwa talga, gusto kong ulit ulitin!!

  8. the last man standing. hehe

    may ganun yata. kase yong iba pumupasok ng hindi buo ang loob kaya kapag nainip sa loob lumalabas. i salute you father.

  9. Ang bigat ng pagsubok sa iyo Father…pero kapag may gabay mula kay Lord…ay walang makapipigil sa iyong spiritual journey.
    Congrats po!

    Pang 4th pa rin pala ako sa overall…nalibang ako dito.. di ako umabot…hehe.

  10. nyek hindi na nga ako nag lolog in sa dashboard naka bookmark na nga etong site mo hindi pa rin ako maka base……. grrrrrrrrrrr!!!!!

    buhay seminerista??? hmmmmmm alam ko na yan…. 🙂

    well maganda tong post mo para may idea na sila jason at otep 🙂

  11. AMAZONA? Ayos ka padz sa ginawa mong tawag sa amin… pero ok lang i love it…… parang ALIAS lang yan eh 🙂

    pero hindi ako marunong umakyat ng puno ng buko ba yun? o niyog?

    basta alam ko sa mga katekista walang kiyeme pagdating sa mga lakbayan….. 🙂 hirap nga lang mag area area….

  12. ang dami nyo rin palang seminerista…. parang sila din….. marami ring nabawas sa kanila…. ang natira si bro.ian…. naku for sure si negneg ang survivor…. walang kiyeme sa buhay yun kahit naranasan ang masarap na buhay engineer sa vietnam…malakas kumita pero mas pinili ang buhay pari…………

    tulad mo rin siya malakas ang sense of humor 🙂
    kaya masaya din kausap yun eh kaso ang lakas mang asar

  13. korek ka diyan hindi lahat ng sem eh mabait at hindi makabasag pinggan… hmmmm parang hindi ganun si bro.boni (maharot kaya yun)isang xaverian…. 🙂

    at ang alam ko sa isang seminerista malakas kumain hehehe 🙂

    • oo pansin ko malalakas kumain ang mga seminarista..matindi ang sense of competition kahit sa pagkain…naalala ko nga sa davao dati, may isang school na nag-outreach sa seminary…during lunch sabi ng prof nila, “paunahin natin ang mga seminarians…”

      ayon, pagkatapos ng mga seminarians…konti na lang natira…

      kaya the following year, andoon ulit ang prof…sabi niya pagdating ng lunch time…”paunahin natin ngayon ang mga students…”

      pinahuli na ang mga seminarians…nagtanda ang prof!

      • (REPLY KO RIN TO KAY PINK)kayo talaga namiss nyo kagad ako 🙂
        paano kung wala na ako sa blogosperyo ? 🙂

        oo padz yan ang mga karagdagan ng mga kitikitxt kya lang now kinokontrol ko ang mag txt ng magtxt para hindi ko hanap hanapin soooon…..

        oo tama kayo nasa formation ako….. hay naku yung isa diyan (padz) ang aga magpatawa 🙂 4ward msg lang naman about sa isang baliw at nurse… 🙂 naku tok kungdi lang ako nagmamadali nun at kung pwede ko lang dalhin ang bsness number ko dinala ko na kaya lang mayayari ako sa parish priest namin…late na nga ako nagttxt pa (parang hindi siya ganun sa during mass mega txt! 🙂 tingin mo na sa mga parishioner bago txt patagilid hehehehe ) asteeeg talga parish priest namin (mexicano yun)

        may pina fill up kase sa akin na form for another formation sa PACO manila eh on oct.3 dalawa kaming katekista ang ipapadala at isang xaverian na seminerista….lalaboy kami sa oct.3 ……… chibugan nanaman na malufet yun 🙂

        tapos bababa kami ng studio ng tita ko para picture picture !!! 🙂

      • PADZ!!! ask mu nga sa kusenara nyo kung paano lutuin ang arosep? yung seaweeds.., kase kelangan kong lutuan ng ganung meal si lester kase nag pa lab kami sa doktor nya….

        nag pa check up kami last sept.16 kase umuungot sa amin na madalas siyang kabahan tapos nagpapalpitate…. eh base on my research hyperthyroidism ang pwedeng ika uwi nun pag ganun ng ganun ang maramdaman nya….. kulang sa iodine si lester
        kase naman laging gustong ulam puro chicken, pork ang isda lang kaya nyang kainin eh tilapia… ayaw nga nya ng bangus ….
        sa seafoods naman ang alam lang nyang kainin eh tahong…, pusit ayaw rin kainin…. rubbery daw kase pag kinain….

        eh 1tym napanood ko yung docu ni jessica soho about sa LUKOT yung mga eggs ng DUNSOL?Tama ba? pagkaing ng mga taga davao…. para ring seeweed siya…. rich in vitamins, iodine, at marami pang sinabi kaso wala naman sa groceries ata yun….

        ask mo ha para gawan ko si lester ituturo kong kainin nya….

    • ito ang reply ko tungkol sa arosep:(ipopost ko rin ito sa blog mo)

      bakit naman magtatanong pa ako sa cook namin gayong alam ko naman ang pagpi-prepare nyan?

      una, di na kailangang lutuin ang arosep.

      ang arosep ay edible seaweed traditionally used as a salad. A little vinegar is added and garnished with sliced tomatoes and onions. (nagutom ako bigla)!!! ang arosep salad ay the best pag may partner na grilled fish.

  14. kakatuwa naman buhay seminaryo mo pader… pwedeng sitcom. nyahaha! super natawa ako sa nalulunod na pari na pinagtawanan mo lang. at shempre ke fr. oscar orbos. nyuk nyuk nyuk!

    ps: at napadpad ka na nga pala sa (bleep). hehehe.di ko nabalikan yong tanong ko sa yo last time. 😉

  15. aba! sikat pala si pader. nasa tv :).
    btw, ideal type ko yung amazon lady…and that explains why i married mrs. nonsense 🙂

  16. Nakakarelate… I have a lot of UNFORGETTABLE seminary experiences, hehehe…

    Tama ka Kuya Fiel (ay Father na pala!)… Hindi lahat ng seminarista mababait at madasalin, but it’s the diversity of personalities in the community that makes it truly human…

    San man tayo lahat ngaung mga dating seminarista, naging pari man o hindi o seminarista pa rin, all our experiences inside the walls will definitely be remembered. I, for one, can attest that what I learned in CKMS has helped me become a better person now.

    Father Fiel, uwi ka na dito sa manila.. Hehehe…

    • patttttttttttttt!!! agree! lahat ng personalities nasa loob talaga ng seminaryo. wahahahaha. naalala ko tuloy ang aking pagiging liturgist sa christ the king. nakakaiyak balikan. ang aga lagi ng mga juniors at iilan lang ang nagjojoin na seniors sa morning prayers…

      hehehe naalala ko pa ang costume mo sa ating acquiantance party. kamatayan costume mo dati…si terence lactum boy…si prax naligo ng shave at nagmukhang alien…si rj nag-ala rossana roces with matching glitters sa nipples….hahahaha. kakamiss!

  17. Ang galing ng mga naka-base. Ayun o.

    1. Ang tagal pala Padre Fiel, parang pang-dukotr. 11 years ang inabot sa inyo.
    2. Matira ang matibay. Mabuhay ka Padre.
    3. Nakakatuwa naman ang bata. Ano kaya ang nasa isip niya ng mag sandaling iyon?
    4. hehe. Di ka ba naligaw at paikot-ikot ka lang Padre Fiel?
    5. Mabuhay ang Amason. Ang bait niya.
    6. Pinatawa mo naman ako dito Padre Fiel hehe. Mabuti na lang at di pa huli ang lahat.
    7. Mabuti at hindi tuluyang nangyari.
    8. hehe. May pagka-komedyante ka pala Padre Fiel. Kumusta niyo ako kay Padre “Oscar” Orbos hehe.
    9. Akala ko tuloy tungkol kay batang mangyan hehe. Pati pala mga mangyan pabingo-bingo na rin.
    10. Siguro laking hiya ng babae nung nangyari ito Padre Fiel.

    • 1. yes, bp, 11 years. ngunit pag nasa loob ka na, di mo na mamamalayan ang tagal ng journey kasi enjoy ka every moment.
      2. Matira ang matibay. ganun nga siguro.
      3. si emerenciana — wala na akong balita sa kanya…di ko na rin na-visit ung bahay nila sa may kamias.
      4. hehe di ako umikot-ikot…rolling mountains ang nakita ko. sabi nga ng katekista sa akin eh…”kita mo un father? (turo sa rolling mountains) sa likod po ng as far as your eyes can see, doon po ang pupuntahan namin”
      5. unforgettable ang amasonang un!
      6. nag-english kasi!
      7. dahil natanggal sa base…paa na ng baby Jesus hinawakan ko.
      8. hehe Mama Mary loves you.
      9. hehe sayang, di kami nagkita ng batang mangyan sa mindoro. exposed ako sa community nila.
      10. more to come…

  18. BASE!

    talaga naman father naibabahagi nyo ang inyong buhay pari… talagang masyadong pili pala ang makakatapos jan. buti naman at napagtagumpayan mo…

    at artista ka na pala noon pa… hahahaha….

  19. Nakakatuwa naman ung bloopers nyo Fr. Fiel. Medyo kilala ko cna Oscar at Jerry Orbos, magkapatid cla from my province Pangasinan.

    Also galing na rin ako sa Kalinga, so nakakarelate ako sa mga kwento about the place and the people.

    Di pa rin ako makapag base! hehehe!

      • yes, brothers nga sila at si pareng oca ay nagsemianryo din noon…

        pero lumabas siya and he is well-accomplished din naman sa kanyang field ngayon…

        good to know na nakapunta ka na sa kalinga…ang napuntahan ko aside from tabuk ay ang salegseg…ilang months din ako doon…mga 5 to 6 hours ride from the capital…

  20. Very entertaining Pads! Ang buhay seminarista nga naman, OO, ang kulit, ang saya. Hindi mo nabanggit ang overflow ng pagkain pag naimbitahan sa mga salu-salo, kaya parang mga Pulis Patola ang tiyan-ak, hahaha…

  21. naku, na-hit ko agad, di pa tapos. anyway, fr di kaya isa ako sa mga nagtago sa mga puno ng saging? haha. nakakatuwa naman fr at sa bawat kwento mo eh may nababanggit ka about your experiences in my homeprovince. parte na ng buhay mo ang mindoro. proud ang batangmangyan. saya ng buhay seminarista.

  22. sus maria! ang daming nakabase 😦

    balik ako maya, babasa na lang lang kahit hindi nakakabase, hindi mo ako tinext father!

    sumbong kita kay Bro lols

    Nyaahhaha:)

  23. Pingback: BUHAY SEMINARISTA « EXODIANS

    • @dlysen.

      Naalala ko tuloy ung pari – one of the brightest un sya sa kanyang congregation. sa mga mata ng mga seminarians sya ung IDOL – best of the best. After years and years of service with God, nung mamatay ang parents… LUMABAS… reason? PRIESTHOOD IS NOT MY VOCATION… it was my PARENTS.

      He was a good son and an EXCELLENT WONDERFUL PREIST… but at the end… HE FOUND HIS OWN HAPPINESS OUTSIDE PREISTHOOD.

      • sounds familiar darbs…may pari din kaming ganyan…after 3 days na namatay mother niya…he left the priesthood…

        dlysen, mas ok kung pumasok ka dahil gusto mo talaga at hindi ng iba…

        pag gusto mo na personally, you can always contact me ha. pakilala kita sa vocation director namin.

  24. ako ang 100th comment! 😛 😀 me panalo rin ba yon, pader? 😛

    etong sagot ko sa taas: salamat pader. hehehe. baka kami yung jinudge mo non. intrams ba yon? hehehe. 😛 😀

  25. Na-publish ko na ang Buhay Seminarista na kay saya saya. By the way Father, nilagyan ko lang ng konting introduction. Sana hindi nakakasira sa istoyra mo. So help me God na lang po.

  26. Ang gara ng mga kwento mo. Nakakaalis ng pagod.

    Taga Oriental Mindoro po ako. Op cors, enjoy ako sa kwento mo about your experience with the Mangyans. Grabe, talo nila ako. Sila marunong magbingo. Ako hindi.

    Palagay ko mag eenjoy ako sa blog mo. Ang galing mong magkwento.

    Salamat sa makabuluhang mga kwento. 🙂

  27. hi po! newbie here po…

    now lng po ako nakabasa ng blog ng isang pari..kakatuwa po nailalapit niyo po kmi sa mundo ninyo…salamat po! exlink po, pwede?

    $,$

  28. Father, super naaliw po ako sa post mo na ito. Maraming beses mo akong napangiti at napatawa 🙂 When I got to the part of Father Jerry having been introduced as Oscar Orbos, tawa ako ng tawa.

    Btw, natuwa po kasi suddenly I remembered about Father Jerry’s first Moments book. It was an honor to be part of it. Father Jerry was very kind to me.

  29. huwaw naman father.

    mula sa 27 na batchmates mo eh ikaw na lang ang natira. ang lakas sa’yo ng calling ni bro ah.

    nung siguro mga 5 years old pa lang ako, pinangarap ko ding maging pari. yun lang. 🙂

    ingat po lagi.

  30. “,baka nga po!! malayong kamag-anak ko po kayo!!
    at yung kasama ko po sa foundation na fiel po
    yung surname sabi nya po sa akin
    friend na daw po nya kayo sa fs!!
    michelle po name nya!!

  31. Haha… mag isa ako tawa ng tawa dito father habang nagbabasa. Ang saya ng kwento mo Father.

    Galing nun sa mga mangyan, kala ko naman kung bat biglang sumigaw…. BINGO lang pala.

  32. sasamantalahin ko ang pag comment habang brown out pa dyan hehe!

    nakakatuwa naman ang kwentong seminaryo! sarap din naman ma experience ang mga ganun! at kung yun nga talaga ang calling mo mas lubos lubos na ligaya ang hatid nun sigurado!

    more sharing padz!!!

    GBU!

  33. paumanhin at nahuli na naman ako padre medyo naliligaw ang aking isipan nitong nakaraang mga araw…
    napakasaya nga ng naging buhay mo bilang isang seminarista..bawat kento mo ay talagang nagpangiti sa akin lalo na ung muntik ng malunod ang isa mong kasamahang pari…thanks kay bro at nagbisaya sya..hehehe

    padre naligaw ung comment ko sa isang post mo…wala pa rin ako sa sarili… 🙂

  34. Pingback: SILIP SA BUHAY-PARI (PART TWO) « Felmar's Missionary Journey

  35. fr.Felmar good am po im kerenel lim 21 YEARS old from batangas pano po malalman nag isang tao kung may calling sa taas para sa bokasyon nag pagpapari! un lang po at maraming salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s