BRO SPEAKS

September 14 is the Feast of the Triumph of the Cross. Nagsimula ito noong sinasabing nahanap ni St. Helen (iyung Reyna Elena sa Santacruzan) ang mga piraso ng Krus ni Kristo na nabaon sa lupa. Iginugunita din dito ang Dedication ng Church of the Holy Sepulchre noong 335. September 13 ginanap ang Dedication, pero noong sumunod na araw (September 14) ay inilabas ang mga piraso ng Krus at ipinakita sa mga tao sa labas ng Simbahan para i-venerate ito. Dating tinatawag ang pistang ito na Exaltation of the Cross.

bro2

To honor this day, let us hear some of the quotable quotes ni Bro while talking to Santino in my favorite program “May Bukas Pa.”

1. “Tuwing nakakakita ako ng mga batang mababait na tulad mo, nawawala ang sakit ng mga sugat ko.”

2. “Kapag may gumawa sa iyo ng masama, gantihan mo ng kabutihan.”

3. “Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mo din gawin sa iyong kapwa.”

4. “Huwag lamang mawawalan ng pag-asa … paparating ang biyaya”

5. “Huwag mong sayangin ang oras pagtingin sa mga kapangitan sa paligid. Bilangin mo ang magaganda.”

6. “Sa kahit anong pagsubok, hindi ka dapat nawawalan ng pag-asa. Doon mo makikita ang tatag ng iyong pananampalataya.”

7. “Maaaring magbago ang mundo, pero hindi ka maliligaw ng landas hanggang busilak pa ang puso mo.”

8. “Madaling pagalingin ang sakit ng katawan, ngunit ang sakit ng kaluluwa ay hindi ga’non kadaling lunasan.”

9. “Kahit mamatay ang isang tao may bahagi siya na kahit kailan hindi mawawala dahil lagi siyang nandito. Hangga’t hindi mo nakakalimutan ang isang tao, habang iniingatan mo sa iyong puso ang mga alaala niya, hindi siya totoong mamamatay.”

10. “Ang nakakalimutan ng utak, hindi nakakalimutan ng puso, ngunit kadalasan, ang mas sinusunod ng tao ay ang kanyang utak kaysa sa kanyang puso. Kaya marami siyang bagay na nakakalimutan, kahit iyung mga bagay na mahalaga sa kanya.”

11. “Matapos makita ang pagkakamali, dapat mayroong pagsusumikap na makita ang tamang landas.”

12. “Ang sakripisyo ay isang paraan ng pagmamahal. Minsan kailangan natin itong gawin para maligtas ang iba. Minsan, kahit sarili mong buhay ay maari mong ibuwis para lamang sa mga taong mahal mo.”

13. “Minsan, nakakalimutan ng tao ang totoong nakakapagpasaya sa kanya. Kaya kahit nandyan sa harapan mo, hindi mo pa rin nakikita. Kaya akala mo, kailangan mo pa itong hanapin.”

14. “Kailan naging masama ang pag-iyak? Kadalasan, nakakatulong ito para lumabas ang nararamdaman natin, ang mga bagay na ayaw nating harapin.”

15. “Ang katotohanan lamang ang totoong nakapagpapalaya sa isang tao. Ang mga taong may kasalanan at nasa labas ng kulungan, hindi sila totoong malaya. Dahil isang malaking kulungan ang pagtatago ng katotohanan.”

16. “Nangyayari sa araw-araw ang mga himala. Ito’y nasa paligid natin, ngunit marami ang hindi nakakapansin … dahil kadalasan, hindi alam ng tao kung paano ito makikita. Kaya minsan, may mga bagay na tinuturing nilang himala kahit hindi totoo. Dahil ito ang gusto nilang paniwalaan.”

17. “Nasa puso ng tao ang totoong himala.”

18. “Nakakapagbigay ng kalayaan ang katotohanan. Yun nga lang, marami ang hindi handang sabihin ito sa mga taong mahal nila, mga taong ayaw nilang saktan. Habang hindi sila naglalakas ng loob na sabihin ang katotohanan, hindi nila napapalaya ang mga taong mahal nila. Kahit na masakit ay kailangan itong marinig. “

19. “Lahat ng tulong sa isang tao ay may hangganan. Pag lumampas ka doon, di mo na siya tinutulungan.”

20. “Walang ulan na di humuhupa at walang dilim na di naabot ng liwanag.”

Check out the latest update on BASE AWARDS.

Next post will be September 18, Friday.

blog

____________________

RECOMMENDED POSTS:

149 thoughts on “BRO SPEAKS

  1. 18. “Nakakapagbigay ng kalayaan ang katotohanan. Yun nga lang, marami ang hindi handang sabihin ito sa mga taong mahal nila, mga taong ayaw nilang saktan. Habang hindi sila naglalakas ng loob na sabihin ang katotohanan, hindi nila napapalaya ang mga taong mahal nila. Kahit na masakit ay kailangan itong marinig. “

    ito gusto ko.. hehehe

    • Maganda ang mga “quotes” na kanyang binitawan, Padre Fiel.
      Maraming mensahen mapupulot dito.
      Marami kang matututunan dito.
      Yung iba parang tinamaan ako.

      1. ang galing.
      2. sana nga. pero minsan parang ang hirap gawin. di na lang pansinin minsan.
      3. totoo po ito Padre
      4. Kung hindi ngayon ang panahon na para sa iyo.
      Huwag maiinip dahil ganyan ang buhay sa mundo.
      Huwag mawawalan ng pag-asa darating din ang biyaya…
      (ito po ba iyon Padre Fiel)
      5. Sana palaging ganito ang pagiisip ko at ng lahat Padre Fiel.
      6. ” Mga pagsubok lamang iyan. Huwag mong itigil ang laban”
      7. ang ganda nito Padre Fiel.
      8. Sana mapatawad ako at pagalingin ang aking Kaluluwa. Alam kon isang sambit Niya lang, mangyayari na ito.
      9. Tunay na tunay.
      10. Tama po ito Padre Fiel pero ang hirap pa din.
      11. Gabayan Niyo ako.
      12. Ang sarap.
      13. Bakit nga ba kahit nasa iyo na ang lahat ng inaasam mo noon, parang may kulang pa?
      14. Nakakapag-pagaan ng loob.
      15. Ganito pala iyon Padre.
      16. Sa paglipas ng mahabang panahon, ang mga tao nga ba’y nagkakanda-bulag na?
      17. Dapat ang sinabi ni Vilma dati ay “May Himala”.
      18. Wala na akong ibang masasabi pa Padre.
      19. Paano malalaman ng bawat isa ang dulo ng hangganan, Padre?
      20. Amen!

      • hahaha. ang haba ng comment. naalala ko rin yang kantang yan – ang kailangan moy tibay ng loob kung mayroong pagsubok man, ang pangarap mo ay makakamtan…basta maghintay ka lamang…

        on #19 — yan din ang tinanong ko…pero perhaps we can take the cue on the episode na sinabi yan ni bro. that was said during the episode of maricar reyes…lagi siyang tinutulungan ni jason abalos…until very dependent na siya…noong nawala si jasonhamster, eheste si jason abalos, she could no longer decide on her own, kung anu-ano na lang pinasok niya….

  2. Congratulations po sa top five!

    Hindi na umabot ang Lolo.

    17. Life is a Miracle. Totoo di na kailangang humanap ng milagro sa paligid…ang buhay na ipinagkaloob ay sapat ng milagro ng Diyos sa atin.

  3. same tragedy para sa akin.. wala na akong pag-asa.

    ang ganda naman ng mga iyan Father Fiel. Napakasarap din basahin dahil siguro pinoy na pinoy ang dating.

    • Ang dalawang ito ang talagang nagpa-alab ng aking puso.

      9. “Kahit mamatay ang isang tao may bahagi siya na kahit kailan hindi mawawala dahil lagi siyang nandito. Hangga’t hindi mo nakakalimutan ang isang tao, habang iniingatan mo sa iyong puso ang mga alaala niya, hindi siya totoong mamamatay.”
      10. “Ang nakakalimutan ng utak, hindi nakakalimutan ng puso, ngunit kadalasan, ang mas sinusunod ng tao ay ang kanyang utak kaysa sa kanyang puso. Kaya marami siyang bagay na nakakalimutan, kahit iyung mga bagay na mahalaga sa kanya.”

      Ang kamatayan ng isang tao ay hindi kamatayan ng kanyang alaala. Maaaring umalis siya papunta sa lugar na hindi kayang puntahan ng katawang mortal ng tao. Ngunit mananatili ang bawat siya hanggat nasa puso siya ng isang tao.

      Ang utak, kung gaano ito kakumplikado at makapangyarihan ay nakakalimot rin ng ilang bagay. Ang utak may memory overload. Pero ang puso na nasa kaibuturan ng tao, nagagawang saklawin ang lahat ng di kayang puntahan ng utak.

  4. Better luck next post ulit ang tito… 🙂

    magaganda nga lahat ang mga linya ni BRO at napapahayag ng malawak na mensahe ang bawat isa…

    18. “Nakakapagbigay ng kalayaan ang katotohanan. Yun nga lang, marami ang hindi handang sabihin ito sa mga taong mahal nila, mga taong ayaw nilang saktan. Habang hindi sila naglalakas ng loob na sabihin ang katotohanan, hindi nila napapalaya ang mga taong mahal nila. Kahit na masakit ay kailangan itong marinig. “

    ito naman ang nakapukaw sa aking attention padre…

  5. karapat dapat kang i CLAP CLAP sa pag post mo nito

    madami kang mabubulabog………. 😦

    isa na ako dun………. sabagay hindi mo pa naman pinopost ito yan lahat antg gustong sbihin sken ni my love(BRO)………

    bago lumagay sa tahimik……………. 😦
    (kahit may trangkaso pinilit mag comment)…………………

  6. BASE!

    Nyahahahhaa joke lang

    nagaambisyon lang.

    btw, bidang bida talaga si santino.

    para akong nagsimba ha,

    gusto ko yung #4

    “Huwag lamang mawawalan ng pag-asa … paparating ang biyaya”

  7. the best sakin ito fr.

    Huwag mong sayangin ang oras pagtingin sa mga kapangitan sa paligid. Bilangin mo ang magaganda.”

    ang ganda talaga ng santino, andaming aral, pero kapansin pansin ang pag payat ng bata… hai… hindi ganyan ang katawan nyan nung umpisa ng serye….

    katuwa din sila rosali, kimberly at… sino na nga ung isa… hahahaha…

    LAYASSSSS…

  8. Father mahihirapan na ata akong makabase sa pacontest mo. Di kasi ako madalas sa net. Congrats sa mga nakakabase! I hope someday makabase din ako (tsambahan na lang! hehehe!)

    Nakakainspire naman ang mga quotes. Saktong sakto sa mga araw kong malulungkot and almost magiba ng pressures sa buhay!

    Amen!

  9. Ang galing naman ng mga quotes Father Fiel! Nakow, hindi ako maka-base. hehehe. Inspiring yung mga nakasulat tulad nito:

    “Sa kahit anong pagsubok, hindi ka dapat nawawalan ng pag-asa. Doon mo makikita ang tatag ng iyong pananampalataya.”

    Thanks for this entry! Godbless po 🙂

  10. “Matapos makita ang pagkakamali, dapat mayroong pagsusumikap na makita ang tamang landas.”

    ganda ng mga quotes..tats na tats ako!

    minsan tumawag ako sa pinas..yung bunso ko na si Gelo ang nakasagot…tanong ko sya ” sino to si gelo???” ” mama hindi na po ako si Gelo..ako na po si Santino”

    ahahaha nong time na yun di ko pa kilala si Santino kung sino kaya nagulat ako!

  11. BASE ako!!! yehey!! walang magulo.. toinks!!

    Ang gaganda nmn ng quotes, tugmang tugma, saktong sakto! These are the words we need nowadays..

    Thanks pads.. Godbless!

  12. Hehehe… Nasa 97th base ako… Hahaha!!!

    I do not always catch “May Bukas Pa” kasi parati akong umuuwi ng late… But in times na maaga akong umuwi, I make it a point to see it because it is such a breath of fresh air, and I believe there is grace in seeing it… 🙂

    React lang ako sa scriptwriter ng programa noong isinulat niya ito:
    “Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mo din gawin sa iyong kapwa.”

    I think that the writer is in error here, both in sound research in history, philosophy and theology. This is Jesus, quoting Confucius…..

    This is a variant of the Golden Rule, under the Ethic of Reciprocity. As we know, there are two popular formulations. And the two most famous persons who formulated each of the pouplar variations lived in different times and in different places “without contact”.

    Of course, we also know that history recorded the first popular variant from Confucius who live 400-500 years before Jesus. Confucius stated it in the negative, which is the passive formulation.

    Jesus however stated it in the positive form, the active formulation: “Do to others as you would have them do to you.” – Luke 6:31, NAB.

    There is so much sense why Jesus stated it in the positive way, because I believe He wants us to be proactive, to always reach out… He does not want us to stand in the sidelines and just watch in indifference and not do anything…

    The proactive form has always been in consonance with how we should go on with our daily lives in relation to our salvation: working it out with fear and trembling… Proactive action has always been prominent in Christian theology and ethics.

    This, the writer has greatly missed out…

    • yes, thank you for pointing that out mark…

      addition: The ethic of reciprocity, more commonly known as the Golden Rule, is an ethical code that states one has a right to just treatment, and a responsibility to ensure justice for others.

      Present ang golden rule sa pilosopiya ng ancient Judaism, India, Greece, at China. Many philosophers and religious figures have stated it also in different ways.

      Confucius – Never impose on others what you would not choose for yourself.

      Jesus – Do to others as you would have them do to you.

      Hinduism – One should never do that to another which one regards as injurious to one’s own self.

      Islam – Hurt no one so that no one may hurt you.

      Talmud of Judaism – That which is hateful to you, do not do to your fellow. That is the whole Torah; the rest is the explanation; go and learn.

      Taoism – Regard your neighbor’s gain as your own gain, and your neighbor’s loss as your own loss.

      • ang galeeeeng talaga ng dlawang cool kong kaibigan dito sa blogosperyo…. dami kong natututunan….. 🙂

        isang cool photographer
        at isang ma-coolit na baby priest at magna cum laude pah
        san ka pah 🙂

  13. yhipeeeeee!!!! magaling na ako nagsawa din ang demonyong trangkaso na yun hehehe matapos ma experience kagabi ang 40 temprture na kelangang maraming yelo sa icebag at walaaaah nawalaaaah ang lagnat yeheeeey salamat sa water theraphy at paracetamol natapos din…..
    salamat sa gatas ni fr. santino hehehe as if uminom talaga ng gatas…. 🙂 kalamansi ang ininom koh noh?? sipon, ubo at lagnat eh….. tsaka fruits en lots of watah…..
    may advantage din ang trangkaso ….nkapag loose ako ng weight….
    ang kuleeht ng comment mo ah kay alvin 🙂

  14. Father Fel, salamat sa balita nga imong gipaskil sa ganghaan sa exodians blog.

    Tinoud bitaw ka. wala ko maka base this time. better luck next time na lang. Sa 18 di ba?

    grabe na ang kompitisyon sa?

    pero nalingaw ko ug basa sa imong mga quotations.

    Ang pinaka peyborit nako sa tanan mao ni sya.

    “Ang sakripisyo ay isang paraan ng pagmamahal. Minsan kailangan natin itong gawin para maligtas ang iba. Minsan, kahit sarili mong buhay ay maari mong ibuwis para lamang sa mga taong mahal mo.”

    Maayo kay safe ang imong paglayag sa kadalanan sa Zambo Sur hangtud na sa Zamboanga Sibugay.

  15. father felmar! :]
    kamusta po?? uber late ako…

    nakakatuwa un palabas na May Bukas Pa. sana lahat ng bata un ang pinapanuod sa gabi, pati un matatanda. hindi puro fictional.
    dahil yan talaga ang dapat itinatatak sa utak ng tao, lalo na ang mga kabataang tulad ko hehe.

    alam niyo po un marcelino pan y vino??
    dun po ata hango un MBP, kung di ako nagkakamali. paborito kong palabas sa tv pag holy week. haay :]

  16. gusto ko po yung number 7…

    naniniwala akong hanggat may kabutihan sa puso ng bawat isa may posibilidad na ang di maganda ay magiging maganda…

    magandang umaga po.. 😉

  17. Maaaring magbago ang mundo, pero hindi ka maliligaw ng landas hanggang busilak pa ang puso mo

    yan po ang pinak gusto ko!!!!

    hayss galing naman ng writer ng ABS_CBN. ikinukunsulta po ba nila sa mga pari ang mga script sa “May Bukas Pa? kung oo, sino yung mga paring involve?!

    thanks!

  18. paumanhin at nahuli na naman ako padre medyo naliligaw ang aking isipan nitong nakaraang mga araw…

    napakasaya nga ng naging buhay mo bilang isang seminarista..bawat kento mo ay talagang nagpangiti sa akin lalo na ung muntik ng malunod ang isa mong kasamahang pari…thanks kay bro at nagbisaya sya..hehehe

  19. Pingback: HE SAYS, SHE SAYS « Felmar's Missionary Journey

Leave a reply to Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD Cancel reply