SANTINO JOKES (PART TWO)

may-bukas-pa-new1

Si Santino dinala ni Father Ringo sa dentista para magpabunot ng ngipin…

Santino: Father Ringo takot ako sa bunot eh!
Father Ringo: Heto gamot pampalakas ng loob.

At uminom nga ng gamot si Santino…

Dentista: O ano Santino, matapang ka na ba?
Pasyente: Opo Doc, ‘pag may gumalaw sa ngipin ko gugulpihin ko!

***

Guro: Santino, 4+5?
Santino: Nine po!
Guro: Good… 5+4?
Santino: 6 po!
Guro: Mali.Binaligtad ko lang naman ang tanong ah?
Santino: E, Ma’am, binaligtad ko rin po ang sagot!

***

Habang hinahatid ni Kuya Cocoy si Santino sa school ay napansin nito na talon ng talon ang bata at inaalog ang sarili.

Kuya Cocoy: Ano ba Santino? Bakit kanina ka pa talon ng talon diyan?

Santino: Nakalimutan ko po kasing i-shake yong buti ng gamot na ininom ko kanina.

***

Si Santino ay isinama ni Father Anthony sa palengke para naman di ma-bored ang bata sa monasteryo. Pagkatapos mamalengke, nagpunta sila sa kusina para ayusin ang kanilang pinamili.

Father Anthony: Santino, iligpit mo na ang mga pinamili natin at marami pa tayong gagawin.

Santino: Opo Father.

Maya-maya…

Santino: Father Anthony, saan po ilalagay ito, sa altar ni Bro?

Father Anthony: Ano ba yon?

Santino: Ito po!

Hawak-hawak ni Santino ang cauliflower!

***

Si Ato at si Aling Baby ay nagkaanak na at pinabinyagan nila ito doon sa monasteryo. Excited ang lahat lalo na si Fr. Chris na inatasang magbinyag sa baby. During the baptismal rite, Si Santino ang sacristan…

Fr. Chris: Hehehe, ang lambot naman ng ulo ng bata…

Santino: (to the rescue) Father Chris, dede po ni Aling Baby ang kin-rusan ninyo!

***

Santino nakita ang isang lola na baliw at gustong pumasok sa bakuran ni Mayor…

Santino: Lola, huwag po kayong pumasok diyan! Baka makagat po kayo ng aso!

Lolang Baliw: Alam ko iho. Sa tanda kong ito, wala pa akong nakitang aso na nanununtok…adik ka ba?

Hehe, ang taray ng lola…

***

Matutulog na sana sina Father Jose at si Santino nang bigla na lang may mga lamok na pumasok sa kulambo. Mag-aalas dose na at di pa rin sila nakatulog. Naantok na si Father Jose pero disturbo kasi talaga ang lamok…

Santino: Father, hindi ako makatulog kasi maraming lamok…

Father Jose: Hehe, patayin natin ang ilaw para di tayo makita.

Pagpatay ni Father Jose ng ilaw, may nakita si Santino na isang alitaptap.

Santino: Hala Father Jose, ang lamok may dalang flashlight!

***

Si Fr. Anthony tuwang-tuwa na nagkwento kay Santino…

Fr. Anthony: Santino, galing ako sa doctor. Nakabili ako ng hearing aid. Grabe, ang lakas na ng pandinig ko!

Santino: Talaga po? Magkano po ba ang hearing aid?

Fr. Anthony: Siyempre, kahapon lang!

Hehe. Mali yata ang narinig…

***

May killer nagpunta sa monasteryo at nangumpisal sa matandang pari na si Father Anthony….

Killer: Father, mangungumpisal po ako.

Fr. Anthony: Ano kasalanan mo anak?

Killer: Father pumatay na po ako ng 20 tao…

Fr. Anthony: Bakit?

Killer: Kasi sila po naniniwala sa Diyos…Kayo po ba Father naniniwala po ba kayo sa Diyos?

Fr. Anthony: Ahmmm, eh, dati yon. Ngayon trip trip lang!

****

Art subject ni Santino…

Teacher: Santino, ano ba itong drawing mo na isda? Di ko na makilala sa kabubura mo!!! Bangus ba ito?

Santino: Hindi po Ma’am!

Teacher: Ano nga ito? Tilapia?

Santino: Hindi rin po Ma’am!

Teacher: GRRRR!!!! (Galit na!) Annnnoooo ngaaaa itoooooo???? Lapu-lapu?

Santino: Bagoong Ma’am!

JO5L0051

____________________

RECOMMENDED POSTS:

Advertisements

35 thoughts on “SANTINO JOKES (PART TWO)

  1. Ahahaha!! Can’t stop laughing!
    Thanks for this jokes, makes my day bright.

    By the way, kamukha niyo na po si Santino sa photo niyo. Hehehe!!

  2. HAHAHA watda!!!

    ahaahaha

    baka pagalitan na ko sakakatawa dito sa opisina!!!

    nakakasakit ng tyan
    matatae ata ako nito!!!

    hahahaha nice nice ang galing mo!!!

      • mabilis dumami ang hamster (anong koneksyon)

        syempre lagi ako d2 sa blog mo!
        hahahahha 🙂

        natatawa pa rin ako. heheheh naiimagine ko
        yung drawing na bagoong!!
        nyahahaha

      • hindi hamster si jason… 🙂

        isa pala siyang gremlin 🙂 nyahahahah

        (now ko lang binasa iba mo pang post eh… bago pa ako dito sa wp nung i post mo ito….kya hindi nagka interes basahin gaano..)

        ang aga aga kong tumawa ng tumawa dito….tulog pa sila lester at nanay… hehehe 🙂

  3. para lang akong engot sa pagtawa…di ko mapigilan!

    padre nahiya naman ako sa inyo at nabasa nyo ang hubad kong pagsusulat ng mga bagay bagay,hihihihi…sa susunod pasabi kayo kung kayo ay dadalaw at ng madamitan naman ng matino..ahahaha

    salamat po sa pagdaan!

  4. hahaha, makalaglag upuan ang mga jokes ni santino ah!! napaligaya nyo kami sa pangalawang pagkakataon, hehehe…

    sana may part 3!! toinks!

  5. hi father natuwa po ako at nagandahan sa inyong site at nais ko po sana kayong i add sa bagong tirahan na aking nalipatan dto sa wordpress..nakita ko po kayo sa tirahan ni sandi kya gusto ko po kayong maging kapitbahay…. ano po ang URL nyo?
    Marami akong itatanong sa inyo sa palagiang pagbisita dtio sa iyong tirahan..

  6. nyaa ang kyut ng jokes hahaha! panalo po ‘to father! ^______^v
    at ang astig ng picture! hanep hehehe

    tanong po, nanunuod po talaga kau ng may bukas pa?

    • aba oo, nakakatuwa nga dito pag first friday sa parokya eh. every first friday of the month ay overnight dito ang mga staff namin dahil may gospel preparation sila for the next month. pagdating ng gabi, stop lahat ng activity para manood ng may bukas pa. may isa pa akong niluluto na inspired pa rin ng may bukas pa, di ko lang muna sasabihin kung ano…

  7. hahaha… anlakas ng tawa ko sa mga santino jokes na ito. saang lupalop mo ba napulot ang mga ito father?

    by the way, i’ve been to olutanga island a couple weeks ago. i was in mabuhay for a meeting. grabe, nakakaloka ang mga roads diyan sa isla. napakaputik at paranbg roller coaster. hehehe… sabi nga nila, mas malala pa daw yung papuntang talusan at olutanga mismo. in fairness, nagenjoy naman ako sumakay ng barge for the first time. sobrang bitin nga lang dahil parang iikot lang yung barge ng isang beses, eh tapos na yung barge ride ko. hahaha…

    • wahahaha i am sure ang nagkwento sa yo na mas malala ang papuntang talusan at olutanga (subanipa) road (i am sure) is from mabuhay. ang pinakamalala sa lahat na road ay ung road going to talusan which is still part of mabuhay. ligaya ang tawag sa lugar…pero pag dito ka na sa olutanga (subanipa) pinakamaganda ang road namin dito. wala kaming lubak lubak na kagaya ng sa mabuhay. hehe.

  8. wow father ok ang santino jokes nyo ah!!! pmpatnggal ng inip d2 s dubai hehe. aside from living stain my mbbsa n kong iba. gawa p kau ng madaming jokes ha hehe

  9. nakakatawa naman to. kacute ng jokes..

    si santino po ba yun nasa picture sa avatar??? ganyan pala itsura nun bata na yun pagtumanda… joke po..

    salamat sa jokes…

  10. Father, I can just imagine how you delivery your homily. Do you spice it with Santino jokes, too?

    Di me maka-relate sa “base” kaya naghanap na lang ako ng ibang mababasa. Buti na lang nai-click ko Santino post mo.

    Do you have statistics on how many priests maintain a blog? That’s an interesting thing to find out. I suspect if our parish priest has a blog, I most likely attend mass more religiously this time lalo na kung kasing in touch sa audience/readers na katulad po ninyo.

    Oh, I like most of them but my favorite one is the who hears the confession of a killer. “,) Trip-trip lang ang kanyang faith! Ahehehe

  11. habang inuulit ko tong basahin padz… 🙂

    isa lang pumasok sa isip ko… 🙂

    hindi kaya ikaw yang santino jokes na yan sa mga kasamahan mong pari… hehehe 🙂

    mamamatay ako kakatawa lalo na sa binyag eh… hehehe 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s