jump to navigation

FROM THE MISSIONS #4: KAMBAL NA KAMALASAN November 4, 2008

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Mission Anecdotes.
Tags: , , ,
trackback

Pagkatapos ng halos isang buwan sa Bandundu, biahe ulit kami pabalik ng Kinshasa upang dumalo sa taunang “retreat” bilang mga SVDs. Natutulog pa ang buong bayan ng aming lisanin ang bayan ng Bandundu. Maayos naman ang simula ng aming paglalakbay, bagama’t umuulan ng panahong iyon nakatawid pa rin kami sa ilog na walang aberya. Subalit pagkatapos ng halos isang oras, biglang umusok ang aming sasakyan, “over-heat,” sabi ni Fr. Loie (paring pinoy). Wala rin lang magawa kundi ang maghintay, inaliw na lang namin ang aming mga sarili sa pagkuha ng mga litrato at pakikipag- usap sa mga bata sa katabing komunidad. Ang ibang kasama namin ay naglakad pabalik upang maghanap ng signal at humingi ng tulong sa mga kapatid naming pari sa Bandundu.

Pagkatapos ng limang oras, dumating na rin sa wakas ang toyota na hihila sa aming sasakyan pabalik ng Bandundu. Sa kasamaang palad, masyadong mabilis ang takbo ng sasakyan. Saan ka ba naman nakakita ng sasakyan na may tow pero nag-oovertake sa iba pang mga sasakyan? Hmmnn, dito lang so far. Ayun, sa bilis ng takbo, bigla na lang umekis- ekis ang sasakyan at bumaliktad ang aming mundo.

Mahirap mang isipin, naaksidente na pala kami. Sumadsad ang sasakyan, nagkabasag- basag ang mga salamin, at naghalo ang balat sa tinalupan. Nakapuwesto ako sa gilid kung saan tumagilid ang sasakyan, ayun, ginawa akong airbag ng dalawa ko pang kasama. Hindi agad ako nakalabas, well, dahil pinakiramdaman ko muna kong buo pa ba ang katawan ko.

Pangalawa, hinanap ko pa ang camera ko upang ibigay kay Fr. Noy upang kuhanan kami ng picture kasama ni Fr. Loie na hindi rin agad nakalabas ng sasakyan. Si Fr. Noy kasi ang pinaka-unang lumabas upang “hilahin daw kami palabas at baka sumabog ang sasakyan.” Masyadong nagpapanood ng pelikulang pinoy ang klasmeyt ko.hehe.

Awa ng Diyos, wala namang masyadong nasaktan sa amin. Maliban sa ilang pasa, galos at bugbug sa katawan, maayos naman kaming lahat. Pagkatapos ng “initial shock” picturan time na ulit kami ni Fr. Noy. Mga Pinoy talaga, naaksidente na, nakangiti at nagpapapicture pa.

Pero pagkatapos ng ilang oras, dun pa lang nagsimulang sumakit ang aming katawan at maalalang naaksidente pala kami. Hanggang ngayon, kuwentuhang aksidente pa rin kami. Pero iisa ang aming realisasyon, hindi pa namin panahon, marami pang plano ang Diyos para sa aming misyon dito sa Congo.

Fr. Dondion Soriano, SVD is a Filipino SVD assigned in Congo, Africa. He was ordained on February 2007. He is part of the Yobel Class. He is from Mindoro.

JO5L0051

____________________

RECOMMENDED POSTS:

Comments»

1. Michael - November 4, 2008

I read his blog sa multiply. I was touched and inspired by his missionary life sa Africa. Ganun pala ang buhay nila Fr. Arnold Biago at Fr. Alex Cinco doon. Kami din minsan itlog na lang kinakain namin kung wala ng pera dito sa saudi kaya nga karamihan high blood ang sakit, lol!. Keep inspiring the readers Felmar!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: