jump to navigation

KABUGAN ISLAND! August 18, 2010

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in JPIC, Subanipa Diaries, Tourism.
Tags: ,
84 comments

Singkit in the Sea

Last month, naisipan kong  mag-adventure kasama ng aking mga selected parishioners.  Ang aming destination: Kabugan Island. Ang Kabugan Island ay isang maliit na island dito sa Olutanga, Zamboanga Sibugay na punung-puno ng mga mangroves. Sa mga mangroves na ito malayang nag-sa-sunbathing ang mga malalaking paniki. Sa salitang Bisaya kasi ang “Kabugan” ay galing sa salitang “kabug” na ang ibig sabihin ay “paniki.”

Bats in the Sun

Manghang-mangha ako sa dami ng mga paniki dito sa island na ito.  Naalala ko tuloy ang sabi ni Gerald Manley Hopkins na “the world is charged with the grandeur of God.” Ang mga locals dito sa Olutanga ay malayang nakakapunta sa maliit na isla na ito, lalo na kung lowtide para manguha ng mga shells, crabs at agar-agar para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.

Nagluluto Kami!

Napakaganda ng lugar na ito. Nalibot ko na ang Pilipinas from A(bra) to Z(amboanga) at masasabi kong may “K” ito para maging isang eco-tourism destination. Yon nga lang, until now, hindi pa ito nadedeklara bilang isang bat and mangrove sanctuary.  Mahalaga na ma-protektahan ito lalo na sa mga bad elements na mahilig kumain ng mga exotic animals gaya ng bats (ewww!).

Solitary Bat

Ayan, Lilipad na!

Ayun O!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 95 other followers