jump to navigation

DWST Grand Alumni Homecoming Schedule February 27, 2014

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Diocese of Imus, Seminary Life, SVD, XVD.
Tags: ,
add a comment
How Many SVDs Do You Know in the Picture? (Photo Credit: PHN Website)

How Many SVDs Do You Know in the Picture?
(Photo Credit: PHN Website)

 

DAY 1: MARCH 11, 2014

8:00 am – Opening Mass

9:30 am – Theological Symposium: The State of Mission Today (Fr. Tony Pernia, SVD – Superior General  2000-2012.

12 noon – LUNCH

1:00 pm – Follow Up Discussion

2:00 pm – Organizational Meeting

3:00 pm – Free/Sports

6:00 pm – Vespers

7:00 pm – Dinner. Recognition and Awards Night

DAY 2: MARCH 12, 2014

8:00 am – Opening Mass (Luis Antonio Cardinal Tagle)

9:30 am – Theological Symposium: The Catholic Church in the World Stage in the 21st Century (John Allen Jr, Vatican Correspondent at CNN)

12 noon – LUNCH

1:00 pm – Follow Up Discussion

2:00 pm – Organization of DWST Alumni Association

3:00 pm – Free/Sports

6:00 pm – Vespers

7:00 pm – Dinner. Musical Preparation

For more details, like the page:

https://www.facebook.com/divinewordseminary50years

Divine Word Seminary Sponsors ABS-CBN TV Mass February 7, 2014

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Seminary Life, SVD.
Tags: , , , , ,
add a comment
The Healing Eucharist

Text and Photo Credit: Frt. Kargel, SVD

Divine Word Seminary-Tagaytay, on the occasion of its 50th year, will be sponsoring the Healing Eucharist on February 9, 2014, 6 a.m on ABS-CBN. Father Rector Wilfredo Saniel will be the main presider with Fr. Raul Caga, Vice Rector, the Saksi Class, the newly ordained SVD priests and other alumni priests as concelebrants.

 

 

FIRST VOWS June 5, 2013

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in First Vows, Seminary Life.
Tags: , , ,
add a comment
The Communio Class

The Communio Class

Last June 1, 13 young men took their First Profession of Vows in the Society of the Divine Word at the Divine Word Shrine in Christ the King Mission Seminary, Quezon City.

 

I had three important reasons why I was present:

1. Frt. Siano Gumadlas, SVD was our parishioner here in Olutanga Island.

2. Frt. Mark Paglicawan, SVD was my classmate in college.

3. Frt. Joel Templa, SVD was my kababayan.

 

Congratulations to the Communio Class! I’m one with you in prayers+

SILIP SA BUHAY-PARI (PART FIVE) June 23, 2010

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Jokes, Mission Anecdotes, Seminary Life.
Tags: ,
172 comments

GOOD DAY CHILDREN OF GOD! CHOCO MILK AND BIBINGKA IN THE MORNING

My dear readers, the Lord be with you!

I am back!!! Group Hug!!!

For the past three months, di talaga ako nakapag-blog kasi aside from being busy, nasira ang aming internet connection dito sa convento. Medyo naayos but mabagal naman ang downloading. Minsan no connectivity pa. Kaya 3 months ko rin na kinulit ang hotline…and yahoo, back to blogosphere na ulit ako!

Group Hug ulit!!!

Kaya dahil matagal akong nawala, ito ang mga pasabog ko sa aking pagbabalik — ang silip sa buhay-pari. Come, read on!

39. Oh Honey. May mga honeybees sa old convento. Isang grupo ng mga parishioners ang nagvolunteer na kunin ang honey. Natuwa naman kaming mga pari sapagkat nagvolunteer sila. Unknown to us, yong nagvolunteer pala ay walang kaalam-alam kung paano manguha ng honey. Ang nangyari ganito — nabulabog ang parokya sapagkat pinagkakagat at pinaghahabol sila ng mga honeybees. So, ang kanilang nakuha ay isang basong honey lamang. Huhuhu.

40. Oh Honey, (Again). At hindi pa doon natapos ang kwento. Noong nasa aming mga pari na ang isang basong honey, we asked our kusinera na i-boil sandali ang honey para mamatay yong mga microbes. Habang nagpapakulo, kung saan-saan muna naglakad-lakad ang aming kusinera. Kaya ayun, nakalimutan niya ang kanyang pinapakuluan. Pagbalik niya, huhuhuhu, ang honey namin — lahat nag-evaporate na!

41. Buking. Kasal ang eksena. Ang groom ay magbibigay ng coins sa bride. Everything turned out fine, until I asked the bride to put the coins in the pocket of the groom. Aba, ang groom umayaw! Ayaw niya na ilagay ng bride ang coins sa pocket ng kanyang pantalong slacks.  “Basta!” — yan lang ang reason na naidahilan ng groom. Siyempre, medyo made-delay na, kaya napilitan na rin siya. Que horror! Ang coins nahulog sa sahig! Butas ang bulsa ng groom! He covered his face in shame. Lol.

42. Ghost. One dusk, I saw our kusinera standing beside our dining table. Suddenly, nalingat lang ako ng konti, bigla siyang nawala! Nagsitayuan ang mga balahibo ko! I looked outside, wala rin siya. Pagtingin ko ulit sa dining table, andoon na ulit siya nakatayo. Kinabahan ako ng todo. So, I asked her, “asan ka galing?” Sagot naman ng kusinera, “Sa ilalim po ng table, naglagay ng magic chalk.” Hahahaha, akala ko kung ano na!

43. Bowl o Bell? May isang pari kaming Taiwanese sa community sa Christ the King sa QC. One time, lumapit sa akin ang paring ito at sinabing “may I borrow a bowl?” Aba! Nagulat ako kung bakit sa akin pa manghihiram ang paring ito, hindi pa dumiretso sa kusina. Binigyan ko ng bowl. Sabi niya,”no,no,no.” Hindi daw yun ang hinihingi niya. Sabi niya “bell” daw pala. So, naghanap ako ng bell. Ngunit, pagbalik ko wala na siya. Bumaba ako ng dormitory sa kahahanap sa kanya. Pagdating ko sa basketball court, nakita ko siya. Ngumiti siya at ipinakita ang hawak niya: bola. Ball pala ang hanap niya! (Kasi naman ehhh)

44. Fire Alarm. After the Ozone Tragedy, a fire alarm device was installed in our seminary. Malaki ang tulong sa akin ng fire alarm. Being the liturgist of the seminary, it was a good rising bell for the seminarians. When I’m all dressed up and lahat tulog pa kahit malapit na ang prayer time, i-pu-push ko lang ang fire alarm. Presto, lahat magigising sa panic! Hahaha, akala may sunog! Pagdating ng morning prayers, perfect attendance lahat ng seminarians!

Sto. Niño

45. Baby Jesus Nahulog! Marami ang di nakakaalam na Sinulog dancer ako sa seminaryo. Three years din akong naging Sinulog dancer. Pero yong pangatlong taon ko ang pinakamemorable. Ako kasi ang taga-hawak ng baby Jesus. Kaso, medyo loose na ang pinagkapitang paa ng Sto. Niño sa base. Ung isa kong classmate si Richard, nagrequest na siya muna ang humawak during the street dancing. Pumayag naman ako ngunit nakalimutan ko siyang sabihan na hawakang maigi ang baby Jesus. Ohlala, the unexpected happened. Habang nagsasayaw siya ng Pit Senyor, tumilapon sa ere ang image ng Baby Jesus. Natanggal sa base. Kaya ayun, noong ako na ang nagsayaw, hawak-hawak ko na sa paa si baby Jesus.

I MISS EVERYONE IN THE BLOGOSPHERE!!!

KUMUSTA NA KAYONG LAHAT?

“And this is my prayer: that your love may abound more and more in knowledge and depth of insight, so that you may be able to discern what is best and may be pure and blameless until the day of Christ.” (Philippians 1:9-10)

MGA TANONG KAY PARING FIEL (PART TWO) March 4, 2010

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Seminary Life, SVD, Vocation Campaign, Vocation Story.
Tags: ,
174 comments

(HABANG MAAGA AT MAY KURYENTE PA, POST KO NA ITO. BAKA BIGLANG MAGBROWNOUT PA)

Ito ang iba pang mga tanong noong seminarista pa ako: Brought to you by curious minds…

Seminaryo ka?

- hahahaha. Ang seminaryo ang building. Ang seminarista ang tao. Hehe, hindi po ako building.

Nagtetext din po kayo?

- noong college kami, bawal mag-cp. pero sa higher formation allowed na.

Umaakyat din po ba kayo sa pader  (read: umeeskapo po ba kayo sa seminaryo ng walang paalam)?

- haha, hindi. Malakas ang loob ko, sa gate ako dumadaan. May classmate akong nag-over da bakod, natusok, ayun, pinalabas ng tuluyan.

Nangudigo po ba kayo sa exams?

- once lang, sa aming Latin exam. Pero di ko na inulit. Ang hirap ng Latin kasi! Puro memorizations. Mautak ang old professor namin. Nagda-dark shades siya during exams para di namin mapansin kung saan siya nakatingin. Ung isa namang student, gumaya ng kodigo, kaso ung kodigo niya ninakaw pa ng isang classmate nya. Wahahaha.

Hindi nyo ba namimiss ang parents/family ninyo?

- Siyempre namimiss din. Pero pag nagbabakasyon ako, dapat two weeks lang. Uneasy na ako pag lumampas pa diyan. Iba talaga ang hatak sa loob ng seminaryo.

Kung masaya nga sa loob ng seminaryo, may mga lonely moments ba?

- Yes. Pag may nagdedecide na lumabas. Kakalungkot.

Bakit naka-civilian attire na ang mga pari ngayon? Dati ang mga pari laging naka-sotana…

- Pangkantong sagot: Noon yun. Ikaw, gusto mo bang magswimming na naka-sotana, magbasketball na naka-sotana, manood ng Avatar na naka-sotana?

Bakit ang galing-galing kumanta ng mga seminarista at pari?

- hindi po totoo yan pag i-aapply na sa lahat. May naalala akong pari dito. Noong pinalabas ang Miss Saigon sa London, tuwang-tuwa ang mga British sa mga Pinoy. During one party, pinilit nila ang isang Pinoy na pari na kumanta kasi sabi ng mga British “All Filipinos can sing.” Ayon, pinagbigyan sila ng paring Pinoy, and he sang his heart out. After the song, sabi ng emcee, “Now I know, not all Filipinos can sing.” Hahaha.

(kung kayo ay may mga kwelang tanong na gusto nyong itanong sa akin, isend nyo lang sa aking fb. walang limit. pag mapipili ko ang mga questions ninyo, ipopost ko ang mga yun)

MGA TANONG KAY PARING FIEL February 27, 2010

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Jokes, Priesthood, Seminary Life, Vocation Campaign, Vocation Story.
Tags:
204 comments

PARANG BATA LANG OH!

One of the best things being a priest is the opportunity to brush elbows with people from all walks of life. Dahil dito, sari-saring tanong din ang laging naibabato sa akin. Ngunit, there are popular questions. Ito ang ilan sa mga iyon?

1. Bakit ka nagpari?

Ito ang actually mahirap i-explain. Priesthood kasi is a gift and a mystery. Pero usual na sagot ko ay: Nagpari ako dahil naramdaman kong tinawag ako ng Diyos and I also feel that I can best serve Him through this way of life. Marami kasi akong plans sa sarili ko noon pero noong nadiscover ko na tinawag niya ako, I left everything and followed Him. (Pangkantong sagot: Kanya-kanyang trip lang naman yan di ba? Walang pakialamanan tol!)

2. Paano mo nalaman na tinawag ka?

I joined a search-in noon para makakita lang how a seminary looks like. Kasi ang school namin ang “factory” of seminarians (read: maraming napo-produce na seminarians). Curious lang ako. Then, pagdating ko doon sa SVD-Davao, one activity struck me, yong adoration before the Blessed Sacrament, then pinatugtog ang “Do you know where you’re going to?”
Iba ang naging dating noon sa akin. Kumbaga sa love, “narinig ko ang music” touching me in a very different way.

So, there and then I made a decision to enter the seminary. I always look back on that particular experience kasi yon ang flame na nagpapatibay sa akin. This is important to me kasi sa totoo lang, walang pumasok sa seminaryo with 100% certainty na tutuluy-tuloy sila until the end of the journey. Walang guarantee (parang kasal din di ba). You just need a certain amount of faith and commitment to keep you going. Basta sa akin lang, Lord, bahala na po kayo sa akin, kayo ang tumawag sa akin, wag nyo po akong pababayaan. I believe that works.

3. Nagka-girlfriend ka rin ba?

Oo naman! Haleer! Di rin ako nabasted. (I am very reserved when it comes to questions like this. Some selected bloggers knew about my love story, though. I prefer to talk about it face to face.)

4. Did you also entertain the thought of having a family, career, etc.?

Oo naman! I spent 11 memorable years in the seminary. Ganyan ako katagal nagdiscern, but in the end, I chose the priestly, religious, missionary vocation pa rin.

5. Malungkot ba sa loob ng seminaryo Father?

Hindi! Subukan mong pumasok! Ang saya-saya sa loob.

6. Sinong nagbabayad sa mga expenses mo Father?

Noong seminarista ako, family ko (first four years). Pero simula noong ako ay nag-temporary vows na, lahat ng kailangan ko as well as travel expenses ko, shouldered ng community. Dahil sa SVD, nalibot ko ang Pinas from A(bra) to Z(amboanga).

7. Mayroon ka ring stalkers Father?

Dati. Paminsan-minsan meron talaga yan. But now, I know how to deal with them.

8. Father, naalala mo ako?

Tanong ito ng mga tanong may matinding treasured experience sa akin. Pero God knows, meron talagang mga tanong di ko maalala saan ko sila nakilala. Madali lang sagutin kong nakilala ko pa. Pag hindi, banatan agad ng sunud-sunud na tanong: “Oy, kumusta ka na? Saan ka na ngayon nakatira? Ahaha, bigtime ka na ah! Pa-burger ka naman!”

9. Anong gamit mong bath soap Father?

Hahaha, isa lang nakakaalam ng bath soap ko. Usually ang mga nagtatanong ng ganito ay either (a) magbibigay ng sabon,  or (2) gustong gayahin ang gamit ko. Ngiti lang sagot ko dito, at isang “bakit?”

10. Father, anong height mo?

Sagot ko lagi: “Di ko alam!” Hahaha.

SPARKS OF FAITH February 18, 2010

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Seminary Life, SVD, Vocation Story.
Tags: , , ,
118 comments

(THIS IS ONE OF MY BLOG POSTS WHEN I WAS STILL FRIENDSTER-BLOGGING)

I remember Paul. He was my classmate in the Novitiate (stage of priestly formation where we only “pray and work” for one year inside a cloistered compound in Calapan, Mindoro). He usually cracked jokes while chopping logs for the kitchen.

After our Novitiate in May 2004, he stayed in Calapan for six months. After December, he left for Papua New Guinea to continue his studies there.

One day, he woke up and noticed everything was in total darkness. He could no longer see.

He was sent to the Philippines for check-up. One week became one month, one month became three months…three months became six months. It was really a case of hoping against hope…the once cheerful classmate of mine became a groping young man in his isolated room in the Villa Cristo Rey (this is our old priests’ home) in Christ the King, Quezon City. He could no longer see the ice cream na hinahanda ko para sa kanya. He could no longer read the inspiring text messages sent by our common friends. He could no longer see my smile habang nagche-cheer ako sa kanyang pagbe-belly dancing!

Seeing him in that condition worried me a lot. What will happen to him? Will he be returned to his family? Will the SVD take care of him?

P9050010 “Dont worry brother,” he told me. “I will be alright. I can no longer see but still in my heart, I see sparks of faith and that’s more than enough to make me see that God loves me. The Lord gives, the Lord takes away. Blessed be the Lord.”

Ah! that was beautiful…!

One day, I visited him in the Villa Cristo Rey. I told him that we will be having the Family Feast (foundation day ito ng SVD) and there are many activities. I cracked a joke that “bunong braso” will be one of the games. His face lighted up. He remembered very well how he won that game when we were novices and now, he wanted to participate in our Family Feast and to volunteer for his team to be their candidate.

He was very excited.

Then, one day, I received a text. He is leaving earlier than expected. 

We had a very painful parting. I helped him pack his things. I could only say, “Paul, i am praying for you…” to assure him that even when we are miles apart, I am one with him in prayers.

“Thank you Brother,” he responded.

That was the last time.  I miss my dear brother.  I remember Paul and his sparks of faith…

God bless him.

20 RANDOM THINGS ABOUT ME January 7, 2010

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Personal Message, Seminary Life, Vocation Story.
Tags: , , , , , ,
288 comments

swimming ang aking sport

Natuwa ako na nagbasa ng mga random things about bloggers. Ang ganda ng mga ganong posts kasi mas lalo kong nakikilala sila. Kaya ito, nakipost na rin ako:

1. Eldest ako sa aming limang magkakapatid. 4 na boys, 1 girl. Ang pinakabunso namin ay elementary pa.

2. Di ako regular na natutulog sa aming bahay noong maliit pa ako. Hinihiram ako ng mga kapitbahay noon na doon matulog sa kanila dahil natutuwa sila sa akin. Kaya gabi-gabi, iba-ibang bahay ang tinutulugan ko. Siguro ito dahilan bakit di ako lumaki, masyado akong nabi-baby. hehe.

3. Sa aming munting altar noong maliit pa ako ay may picture ng Our Mother of Perpetual Help. Gabi-gabi nagdadasal kami, then sa likod ng picture ni Mama Mary, may nakatagong tuko! Pet namin yun sa bahay.

4. Mahilig ako maligo sa ilog noong maliit pa. Minsan maghapon pa! Then, pagdating ng hapon, susunduin na ako ni Mama sa ilog, may kasamang stick! Waaaaaaaaaaaaaaa!!!

5. Noong elementary runner ako ng school namin. Nanalo ako sa 100 meter dash. Surprise win sa akin un. Naging representative ako para sa Provincial Athletic Meet sa Davao del Sur. Pero pagdating sa province, di na ako napasama kahit sa top three man lang. It taught me well how to accept defeat gracefully. Di pala sa lahat ng pagkakataon, panalo. Better luck next time.

6. Mahilig ako sumali-sali sa mga contest noong elementary. Kung saan-saan ako pinapadala ng school namin. Nag-second ako sa Regional Competition sa quiz bee sa HEKASI (Heograpiya, Kasaysayan, Sibika).

7. Noong December 1993, nakasali ako sa First Asean Jamboree sa Laguna. Until January 1994 yun, kaya yun ang first time na nag-celebrate ako ng New Year away from home. You see, kahit sa mga events ng aking buhay, hinanda na rin ako ni Lord para mahiwalay sa aking family para better prepared ako sa aking buhay missionary.

8. Nagkaroon din naman ako ng lovelife….and we lived happily ever after, separately.

9. Wala talaga sa plano ko ang magseminaryo o maging paring misyonero. Gusto ko kasi sana noon talaga na maging newscaster. Pero noong dumating ang calling ni Lord, I also left everything. Hindi man ako naging newscaster, naging Good News-caster naman ako.

10. Sumali ako noon sa Centennial Kid sa Davao, isang male search. Loser. Di ako nanalo.

11. Lahat ng editions ng Shake, Rattle and Roll pinanood ko. Da best pa rin ang “Aswang” episode ni Manilyn Reynes.

12. Takot ako magdonate ng dugo. Dati noon, may grand blood donation sa seminaryo, compulsory kaming mga seminarians na mag-donate. Nainterview na ako lahat-lahat…then noong makita ko ang napakalaking karayom, pasimple akong nag-walk-out. lol.

13. Hindi ako umiinom ng mga hard drinks. Bear brand lang talaga ang gusto ko.

14. I like red, favorite color ko yan.

15. Gusto kong makapag-publish ng isang librong gawa ko, and paunti-unti ko nang na-materialize ito.

16. Lab ko ang teatro. High school pa lang, nagdi-direk na ako ng mga stage plays sa aming school.  Gumanap ako bilang Basilio sa El Filibusterismo sa isang play sa Davao noong college.

17. Di ako ang pinakamabait na seminarista during my time. Umi-eskapo ako noong college para lang mag-internet sa labas. lol. Pero sa buong buhay ko sa loob ng seminaryo, once lang ako umakyat sa bakod. hahahaha.

18. Sa seminaryo, during intrams, may cheerdance lagi. Napapasali ako lagi. Buti na lang walang youtubers doon sa mga classmates ko, or else malaking scandal ung pagsasayaw ko ng “she bangs.” lol.

19. Naging liturgist ako sa Healing Eucharist sa ABS-CBN channel 2 noong 2006-2007. Dito ako nakilala ni Bluepanjeet, ang pinakaunang blogger na nakilala ko. Inadd niya ako sa friendster, then, nagsimula na akong mag-blog.

20. Noong December 2006, pinili kong umuwi ng Manila sa mismong New Year’s Eve. So, from Davao, ang flight ko ay December 31, 8 pm. Dumating ako sa NAIA at 10 pm. OMG! Walang mga taxis! Kaya, naglakad ako from NAIA to Baclaran. Sa Baclaran, inabot ako ng New Year. Putukan dito, putukan doon. Hila-hila ko pa ang aking luggage. At kitang-kita ko sa pagkikislapan ng mga fireworks ay nagtatakbuhan din sa takot ang mga ipis. lol.

Have a nice day everyone!

Recommended Blogsites:

1. Bongkito – 25 Random Things About Me

2. Keekaye – 25 Random Things About Me

3. Bonistation – Ten Trivia About Bons

4. Felmar – 25 Random Things About Me

5. Aperockstar – For Your Consideration

6. Superlolong Pinoy – Five Decades and Counting

7. Fiel-kun – 21 Random Things About Me

8. Tricia – 24 Random Stuffies About Konta

9. J. Kulisap – Pagsusulit

10. Nhickole – 20 Things About Me

11. Timangkey – Things About Myself That You Don’t Need to Know But I Tell You Anyway

BUHAY SEMINARISTA September 17, 2009

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Jokes, Mission Anecdotes, Seminary Life, SVD, SVD Jokes, Vocation Story.
Tags: , , , , , , , ,
170 comments

1_226814296l

Since nagpasilip na ako sa buhay pari, back track tayo ng konti. Gusto ko ring ipasilip sa inyo ang mundo ng seminarista. Akala kasi ng marami na saksakan sila ng bait, laging nagdarasal, laging tahimik, seryoso, di makabasag-pinggan. Naku, mali po kayo! Ang mga seminarista po ay nakatira sa isang masaya, magulo, maingay at makulay na mundo.

1. GOD ORDAINS, GOD SUSTAINS. Di ko talaga pinangarap na magpari. Martyr kasi ang tingin ko sa isang magpapari – imagine, 10 years of seminary formation (7 years for professionals)! Yes, ten years! Yan ang sabi sa akin ng isang diocesan seminarian. Ngunit irresistible lang talaga ang calling ni Lord. Nang mapunta ako sa SVD (Society of the Divine Word), aba, 11 years pala ang formation namin. Si Lord nga naman, mapagbiro.

2. LAST MAN STANDING. When we started as young seminarians in Davao, kami ay 21 lahat. Year after year may lumalabas. After 7 years, ako na lang ang natira. Well, nagkaroon pa rin ako ng ibang classmates pero di na sila original na mga batchmates ko.

3. JOURNEY WITH EMERENCIANA. Katekista ako noon sa Holy Family Parish sa may Kamias, QC. Nakilala ko si Emerenciana, 8 years old. Di naman siya sintu-sinto pero sabihin na nating bordering na doon. My companion catechist scheduled her for baptism after knowing from her mother na di pa pala nabinyagan ang bata. During the pouring of the holy water, kumaripas ng takbo! OMG! There was a riot inside the Church! Habulan to the max at parang tuwang-tuwa pa si Emerenciana na pinaghahabol namin. Hay, asan na kaya siya ngayon?

4. WALKING DISTANCE. When I was in Kalinga Province, sabi sa akin ng parish priest na i-assign daw niya ako sa pinakamalayong chapel ng parokya. Di daw ako dapat magworry sapagkat walking distance lang naman. Totoo nga naman. We started walking Sunday, 2:30 pm. Dumating ako sa chapel, 6 pm the following day. Walking distance nga lang…

5. AMASONA. I love catechists! They are unpredictable! Sa Kalinga Province ulit…while trekking the Cordillera Mountains, nauhaw ako. Ikaw ba naman maglakad (walking distance) sa napakatarik na mga bundok, uuhawin kang talaga. Sabi ko sa kasama kong lady katekista, “danum, danum” (meaning water). Biglang bumilis ang lakad ng katekista hanggang sa nawala siya sa aking paningin. We were in the middle of the forest kaya kinabahan ako sapagkat di ko na siya nakita. Lo and behold, noong tumingin ako sa itaas ng niyog, andoon ang katekista! Kumuha ng fresh buco for me..How touching, how goldilocks!

6. HELP! HELP! Sa Kalinga Province ulit…habang naliligo ako sa ilog, nagustuhan pala ng kasama kong paring Bisaya na pumunta sa pinaliguan ko. To his horror, inanod siya ng tubig sa deepest part of the river. Kaya sigaw siya ng sigaw, “help! help!” Sabi ko naman, “joke! Joke! Joke!” kasi nga naman nag-e-english siya! Kaya tawa lang ako ng tawa kahit nakita ko na na parang nakainom na siya ng tubig. Then, he shouted in Bisaya, “tabang! Tabang!” (bisayan word for help, help) ayon nilangoy ko na. And di pa natapos diyan. To his desperation na may mahawakan, ulo ko ba naman ang kinapitan! Kaya lumubog tuloy ako! We had a good laugh after that.

7. PIT SEŇOR. For three years naging Sinulog dancer ako. Hindi sa Cebu, kundi sa seminaryo. Twice sa QC and yong panghuli ay sa Tagaytay. Unforgettable ung sa Tagaytay. Ako na kasi ang tagahawak sa Sto. Niño. Sa kalagitnaan ng prusisyon, ang isa kong classmate ay nagrequest na siya naman ang hahawak sa Baby Jesus. Hindi ko nasabi sa kanya na ang wooden base na tinungtungan ng image ng Sto. Niño ay medyo maluwag na. Kaya ayun, disaster! Noong isinayaw niya, natanggal ang Sto. Niño sa wooden base, muntik ng mabali ang paa at matanggal ang ulo.

8. LIGHT MOMENT WITH FR. ORBOS. College seminarian ako sa Christ the king, QC. One day, the sacristan mayor hastily asked me to be the commentator for the birthday thanksgiving mass of Fr. Jerry Orbos, SVD. Dahil siguro sa sobrang excitement ko ay aking nasabi sa umpisa ng misa, “Our mass presider is Fr. Oscar Orbos, SVD!”….Nakangiting aso ung mga tao, pigil! Parang gustong tumawa. I was really clueless, I turned my back and do some “zipper check.” Closed naman… When Fr. Orbos was already in the altar, he smiled and said, “The commentator introduced me as Fr. Oscar Orbos. Brothers and sisters, I am not the one who ran for vice-president.” Hiyang-hiya ang baby seminarian that time!

9. IN THE HEART OF MINDORO. One time when I was in Mindoro, I asked a Mangyan (a native of Mindoro), to accompany me to the Mangyan community sa isang malayong bundok. She told me what to expect pagdating namin doon. Hindi daw sanay makakita ang mga tao doon ng Tagalogs (general term for Non-Mangyans like Bisaya, Tagalog, ilokano). Totoo nga naman, pagdating ko sa community, nagtakbuhan ang mga Mangyan at nagtago sa likod ng mga saging. Kinausap sila ng babaeng Mangyan na kasama ko kaya lumabas sila sa kanilang pinagtataguan. Then, ang kanilang elder ay biglang sumigaw: “B-14, I-24.” Di ko naintindihan. Doon ko lang na-gets noong may sumagot ng “BINGO!” Hahaha. Akala daw kasi nila pulis ako na taga-implement ng no-gambling policy. Kaya natakot.

pb040039

10. HOLY BLOOPER. It was in 2006-2007 when I became a part of the ABS-CBN’s “The Healing Eucharist” (Sunday, 6 pm). Marami akong magagandang memories sa show na yon. One time, during the Prayers of the Faithful, we were already asking the offerers to line up. One lady caught my sight. Her basket of fruits was very heavy and she seemed to be having difficulty carrying it. “Dahan-dahan lang po,” I told her. In a very solemn procession, she religiously carried the basket and extended her hand to give it to the Mass Presider. Then all of a sudden, the apples fell and nagpagulong-gulong sa red carpet. Buti na lang di nakunan ng camera.

Check out the latest update on BASE AWARDS.

Next post will be September 23, Wednesday.


blog

____________________

RECOMMENDED POSTS:

SVD BLOGGERS April 29, 2009

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Mission Anecdotes, Seminary Life, SVD, SVD Bloggers, SVD Jokes, SVD Philippines Centennial.
Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
add a comment

Here is my list of SVD bloggers and they are all around the world!

Brother Errol Torres, SVD – Blog of Brothers

Fr. Adonis Narcelles, SVD – Berlin IMPRESSIONS

Fr. Ariel Tampus, SVD – Sharing the World to the World

Fr. Arnold Biago, SVD – Homilies

Fr. Bernard Collera, SVD – Reflections

Fr. Dondion Soriano, SVD – Welcome, Mga Kapuso’t Kapamilya

Fr. Elmer Ibarra, SVD – Your Mate Down Under

Fr. Felix Ferrer, SVD – Happylex

Fr. Felmar Fiel, SVD – Felmar’s Missionary Journey

Fr. Ferdimar Faminialagao, SVD – Japsaya

Fr. Genesis Velez, SVD – SVD Pinoy

Fr. Jaekel Solde, SVD – Sabaw sa Balbakwa

Fr. Jaimelito Gealan, SVD – Fr. Heart’s Domain

Fr. Judy Baňez, SVD – Judy’s Site

Fr. Jun Balay, SVD – Jun Haus

Fr. Michael Layugan, SVD – Divine Word School of Theology

Fr. Nonito Gallego, SVD – From a Distance

Fr. Randy Flores, SVD – Divine Word Seminary

Fr. Ross Heruela, SVD – Witness to the Word

Frt. Abraham Ronald Borja, SVD – Frozen Events

Frt. Feure du Nand Bajeaux, SVD – Shine!

Frt. Melchor Fuerzas, SVD – Seminary Life

Frt. Nelson Barbarona, SVD – My Home Away from Home

Frt. Ritchelle Salinas, SVD – Ritch and Pour

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 106 other followers