jump to navigation

KWELANG PARLOR GAMES PART 2 November 30, 2011

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Christmas, Jokes.
trackback

Pasko season na naman and marami na naman tayong pupuntahang mga Christmas parties! At habang may Christmas parties, hindi rin mawawala ang mga parlor games!

Banana Eating All You Can

 

1. Banana Eating All You Can – 2 to 3 competing groups will do. Dapat ang bawat group ay may 5 members. Dapat ang bawat grupo magdedecide sino ang tagakain at sino ang 4 na taga-hawak ng  tig-isang saging. Ang taga-kain hindi dapat hawakan ang saging. Sa paghudyat ng “go!”, ang taga-kain ay pupunta sa unang kasama na may hawak na isang saging. Uubusin nya ito without holding it. Pag ok na, pupuntahan na naman niya ung ikalawa niyang kasama na may isa na naming saging, and so on, hanggang sa makatapos siya sa pang-apat niyang kasama. Instruction sa taga-hawak: dapat steady lang ang kamay.  Caution: dapat bawat tagahawak may tubig in case mabulunan.

2. Fellowship of the Ring – 2 to 3 competing groups. Mas maraming members, the better. Simple lang ang mechanics: bawat players may isang dangkal na stick na ilalagay sa bibig nila. Ang unang player ilalagay ang ring sa stick at ipapasa yun sa kanyang kasama. Pabilisan ng pagpasa. Bawal hawakan ang stick.

3. Draw the Cat’s Tail – patok sa mga children! Gumuhit ng isang malaking pusa sa board na walang buntot. The competing players na may hawak na mga chalk ay dapat naka-blindfold at sa tulong ng mga kasama ay mag-uunahan sa pagguhit ng buntot ng pusa. Dapat ang iguguhit na buntot ay dudugtong doon sa malaking pusang nauna ng iguhit. Pwede ang mga spoilers na magturo ng mali para mailigay ang kalabang team. Point system ang pairalin para makalaro lahat.

4. Superlolo/lola Went to the Beach – ito ay parang Maria/Mario went to the market/town lang. Instead of the tradition payong, bayong, kimono, etc — replace them with oversized underwear, shades, rubber shoes, baston, at salakot – at kung anu-ano pang pampakwela. Imagination mo ang limit!

Gin-noman

5. Gin-noman in A Straw – Bawat competing groups may 5 to 7 members na may kanya-kanyang hawak na straw. Pagdudugtung-dugtungin nila ang mga ito at un ang gagamitin para maubos ang isang boteng beer.

IN ALL OUR MERRY-MAKING, LET US ALWAYS TAKE INTO HEART THE REAL REASON OF THE CELEBRATION. GOD HAS COME INTO OUR MIDST. ADVANCE HAPPY CHRISTMAS EVERYONE!

About these ads

Comments»

1. pinaywriter - November 30, 2011

Ay thanks po for this! This would come in handy sa family Christmas party namin!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - January 6, 2012

welcome po. God bless+

2. BON - December 1, 2011

maligayang pasko father!! =)

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - January 6, 2012

happy new year bon. busy lagi ang batangpari natin kaya di masyado makadalaw-dalaw sa sariling blog. hehehe. more blessings to you+

3. kaye - December 1, 2011

fads! namimiss ko na ang mga ganitong kwento. pero pinakapanalo ang message sa dulo.

kelan ka luluwas ng maynila? by this time di ba andito ka na dapat?

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - January 6, 2012

hello kaye! unfortunately, di ako nakapunta ng manila last december. kasi kura paroko na ako eh kaya di na basta-basta makakaalis dito sa aking mission station. besides, ung pinakasadya ko sanang ordination sa tagaytay na pupuntahan, ang date eh — nalagay sa december 3. dito sa parokya, may 2 fiestas kami — isa sa school at isa sa barrio. kaya i decided na di na pumunta ng manila…

4. Grace - December 2, 2011

Quite helpful blog! Thanks po! :) )

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - January 6, 2012

welcome. thanks. God bless you+

5. Hoobert the Awesome - December 2, 2011

Merry Christmas Father!

Hahaha. Enjoy naman ng mga games. Masubukan nga. :)

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - January 6, 2012

happy new year sa u! salamat naman at nagustuhan mo.

6. Zen - December 4, 2011

Wow.. kwela nga itong mga ito.. Merry Christmas po sa inyo.. :)

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - January 6, 2012

salamat zen! ingats and God bless+

7. superlolongpinoy - December 7, 2011

Kwela talaga Father. Na miss ko muli ang Pinas sa mga parlor games na ganito. Opps extra pa ako Superlolo/lola…went to beach.

Maligayang pasko rin Father!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - January 6, 2012

happy new year sa ating nag-iisang superlolo ng blogosperyo! namimiss ko na po kayo. hopefully this year makakabalik ako regularly sa pagbabloghopping…

8. joanne mae dizon - December 11, 2011

hello po! kwela po talaga ito and something new naman dba?? we can play these games on our reunion para naman masaya lahat! merry christmas in advance!!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD - January 6, 2012

salamat joanne! God bless+

9. Dorm Boy - December 22, 2011

Fr. Fiel musta? Tagal kong hindi nakapasyal sa blog mo. Nakakatuwa nga ung mga parlor games. Parang ok ung straw at iinom ng beer. At dahil dto me naisip akong additional games sa reunion namin dis Christmas.

Advanced Merry Christmas!!!

10. pruelpo - December 27, 2011

Maligayang pagsalubong sa Kaarawan ng ating Manunubos Father – alam ko po late na pagbati ito – pero pahabol bago po ang Happy Three Kings, ang susunod ay Innocents Day. My prayers…

11. Yvarro - December 28, 2011

ay! mali! bakit ngaun ko lang binasa tong post na to?.. hahaha!!! hindi tuloy na apply sa christmas party namin.. hahaha!!! natawa ako sa superlolo/lola went to the beach.. :-D

hahaha!!! musta na father?… long time no news..

12. Sheila - December 29, 2011

Thanks po sa ideas ng games! super helpful po talaga! God Bless po! :) ))

13. S. Maria Gilda Morales Penafiel, RVM - January 3, 2012

hi father felmar! happy new year! i chanced upon your blog while looking for funny parlor games which are really patok na patok sa mga gatherings ng mga madre. i like the gin-noman in a straw but will use softdrink instead of beer. hi-hi! will think of a new name for the game, too. in the future i can share with you some of the parlor games i know. i am an RVM missionary assigned at our District in Indonesia/East Timor!

14. Hilda D.Tabinas (@LougeeD) - October 29, 2012

Tnx Father, I’m browsing the new to look for christmas party games and tnx I saw your blog. God bless

15. lhynn - December 8, 2012

OMG ito siguro ang pinaka masayang game na gagawin namin this Christmas thank pho

16. Ghynne - April 8, 2013

Hi may God bless you father…those games help us reunite more …thank you


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 95 other followers

%d bloggers like this: