BOMOTO NA TAYO!!! October 31, 2009
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Blog Awards.Tags: Bonistation, Flamindevil, Topexpress
161 comments
Noong nasa Hongkong ako at naghihintay sa grand parade sa Hongkong Disneyland, ang dami kong na-meet na mga OFWs doon. Di ko sila kilala pero noong nakita ko silang nagpeperform, nakipagkamayan pa ako sa kanila at maluha-luha ako dahil ramdam ko ang pangungunila nila sa mga pamilyang naiwan nila dito sa Pilipinas.
Sabi ng isang pinoy sa akin, “Kababayan, i-regards mo ako sa mga kababayan natin sa Pilipinas.”
Malalim…may dating…may kirot sa puso.
Kaya naman ako, natutuwa akong makipagkaibigan sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa. Kaya naman todo suporta din ako sa mga kaibigan kong mga expats na kasama ngayon sa PEBA (Pinoy Expats Blog Awards).
Ako po ay nangangampanya para sa kanila. Iboto nyo po #33, #34 at #35.

BONISTATION, #33, Dammam, Saudi Arabia- may ginawa akong youtube presentation sa kanya dati together with Pinkdiaries.

TOPEXPRESS, #34, Nova Scotia, Canada – Namamayagpag sa Base Awards, Riyadh Pop Icon Finalist
FLAMINDEVIL, #35, Kuala Lumpur, Malaysia – kaibigan ko na ito since my blogspot days pa. Nasa base award din ito.
NB. No Text Base for this Double Up Issue.
WHAT’S IN A NAME? October 31, 2009
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Jokes, OMG!, Scandal, Vatican.Tags: Vocation Campaign
100 comments
Ang Pinakaaabangang Cheering Competition sa Seminaryo
Sa aming mga circles ng mga kaparian at mga kamadrehan, mayroon kaming tinatawag na mga congregations. Ito ang religious afiliation na kinabibilangan namin. Halimbawa, ako, ang congregation ko ay SVD (Societas Verbi Divini o Society of the Divine Word) . Si Jorge, malapit ng maging seminarista ng SJ (Society of Jesus). Si Lhen ay papasok sa ASC (Adorers of the Blood of Christ).
Minsan, we also give new acronyms sa aming congregations to make it funny. I ask some of my friends in their respective communities kung ano ang funny meaning ng kanilang mga congregations…
in alphabetical order…
ASC (Adorers of the Blood of Christ) – All Saints Convent (daw! tiyak magtatalon sa tuwa si Lhen!)
CP (Congregation of the Passion) – Couch Potatoes
CRS (Clerics Regular of Somasca) – Comfort Room Services
CSSR (Congregatio Sanctissimi Redemptoris) – Chaka with Social Services Responsibilities
DC (Daughters of Charity) – Dust Collector
FMS (Little Brothers of Mary/Marist) – Furo Mga Sexy
LC (Legionaries of Christ) – Loh-ca
MC (Missionaries of Charity) – Mad Cows
MM (Maryknoll Missionaries) – More Money
MSM (Missionary Sisters of Mary) – Mga Seksing Madre
MSP (Mission Society of the Philippines) – Maraming Sinawing Puso
OAR (Order of Augustinian Recollects) – Office of Alumni Relations
OCD (Order of Discalced Carmelite) – Obssesive Compulsive Disorder
OFM (Order of Friars Minor) – One Finger Missing (comment: napaano kaya?)
OMI (Order of Mary Immaculate) – Out More than In (comment: saan kaya nagpupunta, hehe)
OP (Order of Preachers) – Order of Pogi (comment: the other way around is also true)
OSA (Order of St. Augustine) – Office of Substance Abuse
OSB (Order of St. Benedict) – Order of Smiling Beauties
PM (Presentation of Mary) – Pinakamagandang Madre
RVM (Religious of the Virgin Mary) – Really Very Maganda
SJ (Society of Jesus) – Stupid Jerk (comment: welcome to the club Jorge!)
SM (Society of Mary) – Small Size (daw)
SSS (Societas Sanctissimi Sacramenti) -Salapi! Salapi! Salapi!
SVD (Societas Verbi Divini) – So Very Daring
SX (Xaverian Missionaries) – Simpleng Xosyal; Suray-suray Xylophoner
TDM (Teresian Daughters of Mary) – Talaga Daw Maganda
TMP (Tahanan ng Mabuting Pastol) – Tahanan ng Maraming Programs
PADASAL October 26, 2009
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Jesus, Prayers.Tags: All Saints Day, All Souls Day
124 comments

(serious mode)
POST ALL THE NAMES OF YOUR DEAD RELATIVES AND LOVED ONES IN THE COMMENT SECTION SO I COULD INCLUDE THEM IN MY MASS INTENTIONS FOR THE ALL SOULS AND ALL SAINTS DAY…
HAVE A NICE DAY EVERYONE!!!
n.b. no text base for this blog post. Wait for the “double up” this coming November October 31 (Saturday).
CAPTION IT! October 20, 2009
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in SVD, SVD Philippines Centennial, Vocation Campaign.Tags: Brother Romy Abulad SVD, Cebu, Fr. Dino Ariola SVD
185 comments
Gusto ko kayong ipakilala sa dalawang mga respected SVD missionaries namin. Ang nakaputi ay si Fr. Dino Ariola, SVD, isang formator sa Divine Word Formation Center of Davao. Last August, pagdating niya sa University of San Carlos, Cebu City for our gathering, ang ibibigay sanang kwarto sa kanya ay ang kwarto ng guard ay ang kwarto ni Bishop Arturo Bastes. Lol. Akala ng guard si Fr. Dino at si Bishop Bastes ay one and the same.
Ang nakapula ay si Brother Romy Abulad, SVD — a brilliant professor, my favorite Philosophy Professor noong nasa Christ the King Seminary pa ako sa Quezon City. He was my professor in the course Postmodernism. Di ko makakalimutan yun. Binigyan niya ako ng grade 98 (thank you Bro!).
Sa aming SVD congregation mayroong SVD Priests, mayroon ding SVD Brothers…
What are the similarities?
Both are religious. Meaning we take the vows of chastity, poverty and obedience. Both are missionaries. Ang isang SVD priest o ang SVD brother ay pwede ring ipadala sa mission lands, o sa ibang cultures for missionary work. Both possess the desire to serve God’s people.
What are the differences?
SVD priests spread the Word of God primarily through preaching and the administration of the 7 sacraments (Baptism, Holy Eucharist, Reconciliation, Confirmation, Matrimony, Holy Orders and Anointing of the Sick).
SVD Brothers do their mission work through their profession or skills (example, as a brother teacher, brother nurse, brother architect, brother scientist, brother lawyer).
Ang SVD priest ay nag-aaral ng Philosophy at Theology. More flexible ang educational attainment ng SVD Brothers kasi free sila pumili ng kanilang profession at skill training.
Now, back to the picture: Kung makakapagbigay kayo ng caption sa picture, ano kaya ang aming conversation? Ano kaya ang nasa isip ni Fr. Dino? Ano kaya ang sinasabi ko? Ano din kaya ang iniisip ni Brother Romy?
P.S. NEXT POST WILL BE OCTOBER 26, MONDAY.

____________________
RECOMMENDED POSTS:
KIDNAP! October 15, 2009
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in JPIC, Mission Anecdotes, OMG!, Subanipa Diaries.Tags: iblogforpeace, Kidnapping, Zamboanga
339 comments
Siguro hindi na lingid sa inyo ang balitang may bago na namang pari na nakidnap. Paggising ko ng umaga noong Lunes, October 12, at habang ako ay naghahanda para sa aking 5:30 am mass, napansin ko na may mensahe pala galing sa Prelature of Ipil.

Please ask for prayers for the safety of Fr. Mick Sinnott, Columban priest of Pagadian, who has been kidnapped at about 7:40 pm in Sta. Lucia Parish. Message from Bishop Cabajar. Pass please.
Noong nabasa ko, kinilabutan ako. Few weeks ago, andoon ako sa Pagadian, para umattend sa burial ng aking tiya. Noong pauwi pa nga ako, naka-receive pa ako ng text mula sa aking mama, sabi niya, ingat daw ako lagi para di ako makidnap, dahil wala silang pang-ransom sa akin. waaaaaa!
Then ito, may isa na namang paring nakidnap. Tama nga ang hinala ng mga kapatid kong kaparian sa prelatura: “Since na-release na ang mga tatlong teachers, ingat kayo dahil tiyak maghahanap na naman ng bagong kikidnapin ang mga mokong na yan!”
Totoo nga. At di ko mapigilang masaktan din sa mga pangyayaring ito. Ayon sa report, “The six gunmen entered the Columban House in Pagadian City, Zamboanga del Sur province, and dragged Michael Sinnott into a van in front of his horrified aides. The van was later found abandoned and burned near the convent. The kidnappers then took the priest away by sea on board a motor boat.”
Tsk! Tsk! Kaming mga SVDs na dito na-assign sa Zamboanga ay may ganyan ding threat. Mayroon kaming SVD na Indonesian missionary few years ago na pinagplanuhang kidnapin — our superiors immediately pulled him out of the island!
Pagdating ko dito sa Zamboanga, mayroon ding intelligence report na mayroong kikidnapin: isang teacher, isang doctor, isang businessman, isang pari. Kaming mga 4 na SVD missionaries na na-assign dito sa isla ay nagtinginan na lamang at nag-ngitian sa isa’t isa. No ransom policy kasi ang congregation namin. May isang nag-tip na rin sa aming mga pari na wag magpalapit sa mga coastal areas. Kaya naman, di ba, noong naligo ako sa dagat, may bodyguard talaga ako.
Ngayon ko lalong na-appreciate ang mga taong nagbabantay sa akin. Noon pong October 9, Friday, sa barrio po ako natulog in preparation for the fiesta kinabukasan. The barangay captain gave me 5 bodyguards to look after me and follow me habang pa-stroll-stroll kami during the night.
Eh, may pagkapilyo po ako! Noong pauwi na kami, habang sunud-sunuran sa akin ang mga 5 bodyguards, may nagsuntukan. Takbo agad ako sa suntukan (dati akong runner, remember?). Ang 5 kong bodyguards ay humabol din sa akin. Paglagpas nila sa nag-away na naawat na, di nila ako nakita. So, bumalik sila. Andoon ako sa harap noong nag-away, nakikibalita.
Hehe, di ko man lang napasalamatan ang mga bodyguards ko…di ko na sila nakita bago ako umalis pauwi ng parokya. Sana sa muling pagbalik ko sa barrio, makikita ko ulit ang mga bodyguards kong yun, at maghahabulan ulit kami….waaaa…joke!
Ito serious na: magpapasalamat talaga ako sa kanila.
Hinihiling ko po sa inyo, aking mga mababait na mga kaparokya at kapatid sa pananampalataya na ipagdasal po natin si Fr. Mick. Mananatili po ang picture niya sa sidebar ng aking blog habang siya ay nasa kamay pa ng kanyang mga kidnappers na hanggang ngayon ay di pa nagpapakilala.
God bless us +
MY NEXT POST WILL BE OCTOBER 20, TUESDAY.

____________________
RECOMMENDED POSTS:
MY FARMVILLE/FARMTOWN October 8, 2009
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Facebook, JPIC, Mission Anecdotes, Subanipa Diaries.Tags: Farmtown, Farmville, Zamboanga
293 comments
This is the reason why I don’t indulged myself with Farmville and Farmtown despite the million invitations I received from my friends. I am into the real thing!

Tuwang-tuwa ang madre na nakakita niyan!

Kaimito ng Parokya

Tanglad ang tawag namin dito. Ito ay panghalo sa sabaw ng tinolang manok. Tsalap!

Sagingan!

Ang aming solitary langka.
Moral lesson???

If you take good care of the earth, it will also take good care of you.
Nahahawakan mo ang iyong harvest.

Higit sa lahat, nakakain mo ang napaghirapan mo.
NEXT POST WILL BE OCTOBER 15, THURSDAY.
I WILL BE OUT THIS FRIDAY EVENING TILL SATURDAY. MAY PUPUNTAHAN AKONG FIESTA, OVERNIGHT…GOD BLESS +

RECOMMENDED POSTS:
HE SAYS, SHE SAYS October 4, 2009
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Jokes, Quotes, Showbiz.Tags: May Bukas Pa, Santino, Zaijan Jaranilla
211 comments
Pagkatapos natin marinig si Bro sa Bro Speaks, pakinggan naman natin ang mga striking lines na narinig ko sa iba pang kasama niya.
1. “May awa si Bro, manalig ka lang.” (Santino)
2. “Ang mabait na asawa ay di lang pinagsisilbihan, nagsisilbi rin.” (Mario)
3. “A good reporter always verifies her news.” (Aling Baby)
4. “Kahit anong problema, pag naglalaro ka, sasaya ka.” (Santino)
5. “The best asset of a journalist is curiousity. In short, tsismosa.” (Aling Baby)
6. “Tayo ang nagpaparusa dahil kadalasan, di natin napapatawad ang sarili.” (Fr. Anthony)
7. “Ang malalim nag-uumpisa sa mababaw.” (Aling Baby)
8. “Wag mo akong i-analyze, hindi ka naman analysisist.” (Aling Baby)
9. “Ganyan talaga ang buhay: may mga bagay na kailangang pagtiyagaan, may mga bagay na kailangang paghintayan.” (Mayor Enrique)
10. “Kung ang lahat po ng tao ay takot, sino po ang magiging tagapagtanggol?” (Santino)
11. “May sakripisyo tayong gagawin alang-alang sa plano natin.” (Robert)
12. “Hindi laging milagro ang sagot sa problema ng tao. Gusto ng Diyos tulungan mo rin sarili mo.” (Padre Jose)
13. “Pagsubok lang yan, wag kang bumitaw.” (Cocoy)
NEXT POST WILL BE OCTOBER 9, FRIDAY.

RECOMMENDED POSTS:
ONDOY! October 2, 2009
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Mission Anecdotes, OMG!, Prelature of Ipil, Subanipa Diaries.Tags: Bishop Julius Tonel, Davao, Typhoon, Zamboanga
193 comments
Ang Davao, ang aking bayang sinilangan ay hindi kasama sa tinatawag nating typhoon belt. Kaya naman, laking gulat ko noong first time kong maka-experience ng bagyo. First time ko pumunta ng Manila taong 1993, 12 years old ako. Sa barkong MV Maynilad ako nadaanan ng bagyo, at sa laot pa. Nakita ko ang mga higanteng alon na halos kasinlaki na ng barko. Nagdasal na ang mga tao at takot na takot. Wala akong kasamang kapamilya sa biyahe kaya naman nagdasal na lang ako sa aking higaan. Safe naman akong nakarating sa Manila.
Buong akala ko, except sa Surigao, ang Mindanao ay hindi binabagyo. Hehe, mali pala ako. Habang nananalasa si Bagyong Ondoy sa Maynila, affected kami dito sa Zamboanga sapagkat todo ulan at baha din ang na-experience ko (though not as horrible as the Manila tragedy). Noong Sunday, umalis ako ng parokya para makijoin sa gathering ng mga madre at pari sa buong Prelatura ng Ipil para sa aming First Diocesan Clergy and Religious Men and Women Gathering. Ito ay mga 4 to 5 hours trip. Five rides: motor – canoe – motor – bus – tricycle.
Habang papunta sa aming gathering, ito ang nakita ko:
Si Totoy tinitingnan ang kanilang palayan na nilamon na ng tubig.
FYI, lumusong po ang baby priest nyo dito.
Masaya ang naging Acquiantance Party namin sa Prelature. Mas nakilala ko ang mga kasama kong mga pari at mga madre. May mga games, activities at mga sharing of experience din. Nagbigay din ng input ang aking kasamang SVD na si Fr. Hermann Suico, SVD. Andoon din siyempre ang tatay ng prelature na si Bishop Julius Tonel.

Madre, Pari, Sama-sama

Enjoy sa mga Games
Picture! Picture! (nakayellow ako)
Ngunit sa kasamaang palad, ang motor na sinakyan ko pauwi ay nadisgrasya ng konti. Medyo di magaling yong driver ko papunta sa island kaya nadulas ang motor at di na niya nakontrol. Damay siyempre ang baby priest. Napaso ako sa tambucho at nagkasugat (huhuhu). Ako na rin mismo ang nag-dressing sa sarili ko kasi masakit pag iba ang gagawa, waaaaaaaaa!!!!
Huhuhu!
Tinext ko ang isa kong prend at sabi lang niya, “Congratulations!!! May souvenir ka na sa Zamboanga!” Ouch! Ouch! Ouch!
Har har har! Malayo sa bituka ito. Tuloy ang buhay…
God bless the victims of Typhoon Ondoy. Have a nice day everyone! (+)
NEXT POST WILL BE OCTOBER 5, MONDAY.

____________________
RECOMMENDED POSTS:
BASE! September 29, 2009
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD in Blog Awards, OMG!.Tags: Base Awards, Blog Awards
141 comments

The Base Awards kicked off last September 8. As of September 23, this is the current ranking:
1. Topexpress = 260 points
2. Boypulubi = 220 points
3. Superlolongpinoy = 180 points
4. Nikko = 160 points
5. Flamindevil and Darbs = 140 points
6. Juliet = 100 points
7. Shynrd = 80 points
8. Jun-g, Tsenn’ and Ebyang (email add provided) = 60 points
9. Bipolarsisa = 20 points
It is still very early to tell who will win dahil matatapos ang contest na ito sa December 8 pa, along with the Most Inspiring Comment Award and Congeniality Award.
Now for the Twist:
Text Base!!! I will be posting a short Bible message in the comments section when there are already several comments. [Ex. "God loves a cheerful giver." 2 Cor. 9:7]. Copy it and send it to me via number 09196500549. First texter will receive 50 points, second texter will receive 40 points and third texter, 30 points. Ang naka-base sa blog post maaari pa ring magtext base para makadami ng points.
Starting October, ang 6th base ay hindi na pinakamasaklap na base. It will receive a very crucial 2 points. Take note, crucial 2 points. Malay nyo, it will break the tie pagdating ng December.
MARK MY NEXT POSTS: (I-kalendar nyo na)
October 2 (Friday)
October 5 (Monday)
October 9 (Friday)
October 15 (Thursday)
October 20 (Tuesday)
October 26 (Monday)
October 31 (Saturday)
November 6 (Friday)
November 11 (Wednesday)
November 15 (Sunday)
November 20 (Friday)
November 26 (Thursday)
December 4 (Thursday)
December 8 (Tuesday) — ANNOUNCEMENT OF WINNERS
Sa mga di pa naka-base, pwede pang humabol. Sa mga late comers lagi, may pag-asa kayo sa text base.
Open sa lahat ang Most Inspiring Comment Award and Congeniality Award.
For more details: click here

____________________
RECOMMENDED POSTS:









